CHAPTER 65
BRYLE'S POV
MALAPIT NG MATAPOS ANG ARAW NA TO..PERO HINDI KO PA NAKAKAUSAP SI MADISON DAHIL KAY LIAN NA KANINA PA KO GINAGAWANG ALALAY!!
Sinabi ko namang hanggang 3 lang ako free.. dahil yung 4-6 pm ko para kay Madison..nakakainis..
"Hoy Bryle..ano ba? Pay attention naman oh..ngayon na nga lang ako hihingi ng tulong sayo eh."..napalingon ako sa kanya at ibinaba ang cellphone ko..naghihintay kasi ako ng text ni Madison..almost 4 pm na kasi, ayaw niya kayang makasama ako ngayon? Oh baka kasama niya sila Vetina kaya hindi na niya ako naalala...ah..lilinawin ko lang, hindi pa kami ni Mad, nililigawan ko palang yung baklang yun.
"Bryle, ano nga? San ba magandang magdiner date kami?"
"Sa...alam mo mas sincere kung sa bahay na lang...oo maniwala ka sa'kin.."..umiling lang si Lian tapos tumingin ng masama sa'kin..
"Ah...kung ayaw mo sa bahay niyo...sa summer house niyo, di ba kamo dun mo narealized na medyo nagugustuhan mo siya nung makita mo siyang umiyak? Tsk..hindi ko alam may puso ka rin pala Lian..Romantic ka rin pala hahahaha.."..bigla kong naramdaman yung hampas ni Lian sa ulo ko..
"Alam mo Bryle, kanina ka pa wala sa katinuan eh.."..sabi ni Kerwin tapos lumipat siya ng upuan sa tabi ko..
"Palagay ko nga..ang lakas na kasi ng tama ko eh.."..napailing lang si Kerwin.
"Oo nga...patingin ka na kaya sa psychiatrist?"..sabat ni Sairen na kumakain ng lollipop..
"Sira! Hindi yun ang ibig kong sabihin...baka ikaw ang baliw diyan Sairen, ang tanda-tanda mo na naglolollipop ka pa tsk!"..napakunot silang tatlo ng noo..tapos nagtinginin pa..
"Parang wala namang connect yung sinabi mo sa paglolollipop ko? Baliw na talaga!"..sabi ni Sairen sabay iling na naman..
"Talaga bang nakakabaliw si Madison huh Bryle?"..tanong ni Kerwin sa'kin..
"Hay naku! Sinabi mo pa, yung baklang yun ang pinakaweirdong babaeng nakilala ko sa buong buhay ko..hindi ko nga alam kung ba't ako nainlove dun, dahil una sa lahat, ang pangit ng boses niya at super lakas pa nito, pakiramdam ko nga mas malakas pa to sa mega speaker eh, nung makilala ko si Madison napatunayan ko na matino pa pala si Vetina sa lagay niyang yun...at nadiskubre ko na si Mad pala super lakas kumain, biruin niyo ba naman..katatapos lang namin maglunch nun tapos nagulat ako kasi naglabas siya ng burger mula sa bag niya...kinain niya yun, take note, not once..but trice..tapos nung tanungin ko siya kung bakit pa siya kumain ng tatlong burger...alam niyo ba kung anong sabi?"
"Anong sabi niya?"..tanong ni Kerwin na napapanganga na sa kinekwento ko..
"Ang sabi lang niya, kulang kasi yung kanin na kinain ko.."..O__O??? mukha nila Lian,Sairen at Kerwin..
"Normal lang yun, matatakaw din ang mga babae lalo na kung wala naman silang pakialam sa figure ng body nila..kung si Vetina nga kain ng kain ng kung anu-ano..katatapos lang kumain ng chocolate mamaya makikita ko kumakain na siya ng manggang hilaw..tsk hindi ko siya maintindihan,tapos hindi pa yun makukuntento..pati ako pipilitin niyang kumain.."..sabi naman ni Lian.
"Hay naku..hindi normal yung ganung babae Lian, kung gusto niya ng matamis tapos biglang magpapalit ang panlasa niya ng maasim isa lang ang ibig sabihin nun.."..napalingon kaming lahat kay Sairen..
"Anong ibig mong sabihin Sairen?"..tanong ni Kerwin. Nagsmirked naman si Sairen tapos tumingin kay Lian.
"Ibig sabihin nun, naglilihi si Vetina..may pamangkin na ko sa wakas.."..biglang namula yung mukha ni Lian sa sinabi ni Sairen tapos bigla niya tong binato ng librong nakalagay sa desk niya..nagtawanan naman kami kasi naman si Sairen kung anu-anong tinatanong..
BINABASA MO ANG
CINDERELLA FOR SALE
RomanceIf fairy tales doesn't exist Is there still a happy ending? But What if you found true love? And felt the magic and happiness that you've been looking for so long... Are you going to start believing on fairy tales and start writing your own story an...