CHAPTER 76
VETINA'S POV
Nagdoorbell ako at binuksan niya ang pinto..tulad ng dati, blank expression pa rin ang mukha niya.
"Hi, Good evening.."..bati ko..
"Good evening din..pasok ka.."..
Kinuha niya yung mga dala ko tapos pinapasok ako..sabi niya gusto niya kong makasabay kumain kaya naisipan kong magluto para sa kanya..sabi nila Kerwin, masarap naman daw ang luto ko. Sana lang hindi sila nagsisinungaling.
Matapos kong ayusin ang pagkain tinawag ko na siya para makakain na rin kami. Gutom na ko hahaha.
Tinikman niya saka siya tumingin sa'kin.
"Anong lasa?"..tanong ko..
"Okay na.."..sabi niya lang sabay subo na ulit ng food.
"Buti nagustuhan mo...hahaha.."
"Pwede ka bang manood ng concert ng Sale?"
"HUH? O-oo naman, bakit hindi? di ba?"
"Sabi ni Bryle hindi mo raw ako idol kaya hindi ka nanonood ng gigs namin."
"HUH? sinabi niya yun?"..he nodded...humanda ka sa'kin Bryle..makita lang kita bukas babatukan kita.
"Ayaw mo sa'kin?"
"Hahahaha, hindi lang kita idol pero gusto kita..kasi lagi kang nakasimangot.."..bigla siyang ngumiti.
"Mas gwapo kasi ako kapag nakangiti, baka lalong mahulog sa'kin mga diehard fans ko..iniisip ko lang sila."
Sa dinami-rami ng makakalimutan niya, bakit di na lang yung kayabangan niya di ba? pero may point naman siya.. una ko siyang nagustuhan nung nginitian niya ko...KKKKKKKKYYYYYYYYYYYYAAAAAAAAaa ang cute niya talaga nun super..^^ AY ANG LANDI! Back to normal na..
"Oo nga may point ka."
"Vetina, gusto kong makita na pumapalakpak ka pagnagperform na ko..okay?"
"Huh? Bakit?"
"Gusto ko lang makita na chini-cheer mo ko.."
Bakit kaya? Weird ah? Pero sige..pagbigyan si Lian..
"Okay.."
Matagal pa ba bago ka bumalik sa'kin Lian?
HAAAAAAYYY Ang drama na naman ng nasa utak ko, dapat think positive lang ako lagi..
"Lian, nagbake pala ako ng cupcakes..di ba favorite mo yun?"..he nodded..
"Thank you sa efforts mo..hindi ko to makakalimutan.."..ngumiti lang ako.
"Mag-e-effort ako hanggang sa bumalik na ang ala-ala mo.."
"Palagi mong iingatan ang sarili mo Vetina, matulog ka sa tamang oras, gumising ka rin ng tamang oras, huwag kang magpapalipas ng gutom okay? Isa pa, pagbutihin mo ang pag-aaral mo."..bakit ganyan siya magsalita? para siyang nagbibilin..natakot tuloy ako bigla.
"Kapag ginawa ko lahat ng yun, babalik ka na ba sa'kin?"
"Hindi natin masasabi kung anong meron sa future.."
Ano ba yung mga sinasabi niya? Nakakainis hindi ko magets..
"Ano bang pinopoint out mo sa'kin Lian?"
"Gusto kitang maging masaya palagi..Habang wala ako sa tabi mo."
"Masaya naman ako Lian..namimiss lang kita.."..kasi mas masaya ako kapag kasama kita..
BINABASA MO ANG
CINDERELLA FOR SALE
RomanceIf fairy tales doesn't exist Is there still a happy ending? But What if you found true love? And felt the magic and happiness that you've been looking for so long... Are you going to start believing on fairy tales and start writing your own story an...