CHAPTER 73
VETINA'S POV
Kahit busy ako sa preparation ng competition na sasalihan ko..hindi ko maiwasang mag-isip ng mga bagay bagay...tulad ng nangyari nung isang araw, nagsuntukan sina Sairen at Lian sa loob ng bahay...pinag-aawayan nila si Tennesse, kahit super sakit sa'kin ng nangyari..heto ako..nagpapakabusy sa ibang bagay para kahit papano mabawasan...pero tulad ng sabi ko kanina...hindi ko maiwasang mag-isip..
Hinawakan ko ang lapis..at nagsimula akong gumuhit sa canvas...nandito ako sa Art room..nag-iisa, sabi kasi hindi ako pwedeng maistorbo ng iba para makapagconcentrate ako..
Wala akong maisip na subject...then biglang may nagsink-in sa isip ko...death anniversary pala ng parents ko ngayon..kailangan ko silang dalawin..
Kaagad kong inayos ang mga gamit ko..tapos lumabas na ko ng school..taxi na rin ako papunta sa cemetery...
Dumaan muna ako sa isang flower shop..para bumili ng flowers siyempre..tsaka bumili na rin ako ng candles..then nagtaxi ako papuntang cemetery..
Pagdating ko sa mismong grave ng parents ko, nagsindi ako ng candles at inayos ko ang flowers..
"Hi mommy, daddy..."..bati ko sa kanila..matagal-tagal na rin pala mula ng iwan niyo ko..
"Huwag po kayong mag-alala sa'kin, ayos lang ako..tsk..nakakaya ko naman po lahat...Kung kailangan kong magtiis..magtitiis po ako..hindi ako susuko..alam kong babalik si Lian sa'kin, maybe not now...pero darating ang tamang panahon, yung panahon kung saan, pwede na akong maging masaya, wala ng problema..at kapag nakamit ko na yun, mommy, daddy, ipinapangako ko...hinding-hindi ko na pakakawalan yun.."..naluha na rin ako dahil siguro masyadong madrama yung mga nasabi ko..
"Mommy, bakit ba ko sobrang nasasaktan? Ginusto ko rin naman di ba? Akala ko po wala lang siya sa'kin..yun pala mahal ko na siya.."
Napatingin ako sa kabilang grave...nakita ko ang isang babae, mas bata siya sa'kin, mukha siyang high schooler...nilapitan ko siya..baka sakaling makatulong ako.
"Ah, miss...are you okay?"..lumingon siya at nakita ako, nginitian ko siya...umiiyak din siya..
"Sorry po, hindi ko sinasadyang mapalakas yung iyak ko."..sabi niya sabay punas ng luha.
"Ah, okay lang...umiiyak din naman ako kanina."
"Ah, nasapawan siguro kita..pasensya na po ulit..talagang malakas ako umiyak..kapag may sinusumbong ako kay mommy."
"Kung ganun, wala ka na palang mommy..."
Tumango siya at umupo ako sa tabi niya.
"Ikaw ate?..sinong dinalaw mo?"
"My mom and dad..."
"Ouch, pareho na pala silang wala sa'yo.."
"Tsk..oo matagal na..ah, ano yung sinusumbong mo sa mommy mo?"
"Ah, nakakahiya po.."
"Huwag ka ng mahiya, lahat tayo may problema, malay mo, matulungan kita?"..she looked down. And took a deep breathe.
"Ano po kasi, m-may nasaktan akong tao, hindi ko alam na sa paglipas ng mga panahon, naging manhid ako, ang tanga ko lang po dahil hindi ko man lang naisip na mahal niya ko...at nung marealised ko, huli na ang lahat, iniwan na niya ko.."
"Kapag iniwan ka, hindi mo ba pwedeng habulin?"
"Kung hahabulin ko siya, baka pagtabuyan niya po ako...natatakot akong masaktan ulit.."
"You know what? There's no harm in trying, don't be afraid..at least sa huli, wala kang pagsisisihan dahil ginawa mo ang best mo para ipaglaban siya di ba?"..ngumiti yung bata sa'kin..

BINABASA MO ANG
CINDERELLA FOR SALE
RomanceIf fairy tales doesn't exist Is there still a happy ending? But What if you found true love? And felt the magic and happiness that you've been looking for so long... Are you going to start believing on fairy tales and start writing your own story an...