chapter 25

245 8 0
                                    

CHAPTER 25 

Vasha's POV 

Siguro magiging masaya ako kung si Sairen nga ang pinakasalan ko..nakakainis si Lian..Kahit kailan talaga hindi na kami nagkasundo. Sana pala hindi na lang nila ako nahanap. 

Kung hindi nila ako nahanap edi sana masaya at malaya pa rin ako ngayon..Ang sama talaga ng tadhana..nung isang araw lang ayos na kami..nakapag-usap na rin kami..pero ba't parang balewala na yung mga napag-usapan namin? Ba't biglang naging ganun siya ulit??? Bumalik na naman kami sa umpisa..hindi ko talaga masakyan ang ugali niya! 

Nakaupo ako sa puno malapit sa pond..dito na lang muna ako...ayaw kong makita ang Lian na yun..ayaw ko siyang kausapin..Hindi na rin ako uuwi sa bahay namin..uuwi na lang ako kay momsky..buti pa doon..kahit walang courtladies at bodyguards puno naman ng pagmamahalan ang bahay na yun!! Hindi ako iiyak..hindi ako dapat umiyak dahil hindi nila pwedeng makita na naaapektuhan ako..tatahimik na lang ako... 

"Vetina.."..Napatingala ako..si Sairen..nakakailang na tuloy siya.. 

"Anong ginagawa mo dito?" 

"Mag aapologize lang sana ako sa inasal ni Lian..." 

"Hindi dapat ikaw ang humihingi ng tawad..kung may dapat magsorry sa'kin..si Lian yun.."..Umupo siya sa tabi ko.. 

"Hindi..ako dapat ang mag-apologize...hindi ka dapat nahihirapan at nasasaktan kung ako ang napangasawa mo..Ipinasa ko kay Lian ang responsibility na dapat sa'kin. Tuloy siya..hindi niya magawa ang gusto niya..ang saklap ng buhay niyo..pareho kayong nakulong sa sitwasyong hindi niyo naman ginusto.." 

"Sairen,sana nga ikaw na lang,ang hirap kasing sabayan ang trip ng kapatid mo..alam ko namang may pinagdadaanan siya..pero sana naisip niya na hindi ko ginustong magkahiwalay sila ni--" ..Tinakpan ko kaagad ang bibig ko..Talagang hindi ako nag-iingat..lagot na!!! 

"Hindi sila naghiwalay nino?..Do you mean may girlfriend si Lian before kayo ikasal?"..HHHAaAAAAYYY may kasalanan na naman ako kay Lian...OMGOSH!! Anong gagawin ko?! 

"Ahm..ano...oo.."..Patay ako nito! 

"Ang laki pala talaga ng kasalanan ko sa kapatid ko...Dapat masaya sila ngayon nung babae...teka? Sino yung babae?"..OMGOSH! Sasabihin ko ba yung totoo..? Hindi..dapat protektahan ko si Lian..at yung feelings ni Sairen.. 

"Ah..hindi ko kilala yung girl eh..nabanggit niya lang naman kasi noong nag-aaway kami.." 

"Di'bale..ako na lang ang hahanap dun sa girl at mag-aapologize ako.."..Naku Sairen..sobrang bait mo kasi!! Mapapahamak naman ako niyan eh! 

"Huwag na..kapag nalaman ni Lian na alam mo na ang tungkol dito..baka lalo lang siyang magalit sa'kin..pati na sa'yo..at tsaka..ayos naman na yung girl..tanggap na niya na hindi pwedeng maging sila ni Lian..kaya Sairen..secret na lang ang bagay na 'to..please?" 

"Pero bakit?" 

"Kasi..ayaw kong madagdagan ang pagkainis sa'kin ng kapatid mo..kaya kung maaari..huwag mo ng sabihin sa kanyang alam mo na..okay ba yun?" 

"Okay sige..pero ba't hindi niya man lang ipinaglaban yung babae? Kung talagang mahal niya yun at ayaw niyang magkahiwalay sila..dapat ipinaglaban niya.." 

"Hindi ko alam..pero huwag na sana nating pag-usapan pa ang tungkol doon.." 

"Okay...don't worry..wala akong sasabihin kay Lian.."..I sighed.. 

Alam mo ba kung ba't di niya ipinaglaban si Tennesse?..Kasi si Tennesse na mismo ang nagsabi na ayaw na niya at bitiwan na siya ni Lian..nakakaawa si Lian ngayon..Kinikimkim niya lang lahat ng galit..hindi niya pwedeng ilabas yun..kasi hindi naman siya ganung tao..masyado siyang tahimik..Ipinapakita niya na hindi siya naaapektuhan pero ako..kitang-kita kong nasasaktan siya..at nakikita ko na pilit niyang kinakaya kahit na imposible. 

CINDERELLA FOR SALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon