CHAPTER 71
VETINA'S POV
Nagpunta kami ni Lola sa isang hotel, hindi ko alam kung bakit, sabi niya may kailangan siyang kausapin at nagpasama siya sa'kin..
Nag-elevator kami tapos nagdoorbell siya sa tapat ng isang room..sino kayang kikitain ni Lola? Nagbukas ang pinto at nagulat ako nung makita ko kung sino yung tao..Si Lian. Dito pala siya nakatira ngayon.
"Hi hijo.."..sabi ni Lola sabay beso kay Lian.
"Pasok po.."..sabi ni Lian...tapos napatingin siya sa'kin..
"H-Hi.."..bati ko..pero tinignan niya lang ako that's why I looked down.
"Pumasok na kayo.."..yaya niya sa'min..pumasok na kami..maganda yung kwarto, maluwang pa, mukha namang komportable siya rito.
Ilang araw na rin siyang wala sa bahay, at sa totoo lang, namimiss ko na siya.
Umupo kami ni Lola..nakatingin lang kami pareho kay Lian.
"Ano bang dapat nating pag-usapan lola?"..tanong ni Lian..
"Wala ka pa bang nagbabalik na memories about kay Vetina?"..he looked down.
"M-meron po..pero, konting-konti lang."..nagulat ako sa sinabi ni Lian, m-may naalala na siya about sa'kin..
"That's great, ibig bang sabihin nito matutuloy na ulit ang kasal niyo?"..he sighed.
"Mamita, hindi pa rin po..huwag kang mag-apura, hayaan niyo, matutuloy din yun, pero hindi pa ngayon okay?"..Mamita nodded.
"I understand...pero, don't you dare make this beautiful lady wait too long.."..sabi ni Lola, tumingin naman sa'kin si Lian..kaya I looked away. Nahihiya kasi ako.
"Yeah..so, gusto niyo magdiner kasama ko? Ilang araw na kong walang kasabay kumain."..sabi ni Lian, ngumiti si Lola..tapos tumingin sa'kin.
"Mabuti pa, kayo na lang dalawa ni Vetina...kasi, kailangan ko pang bumalik ng hospital, Gising na kasi si Sairen."
"That's great, Maybe bukas, dadalawin ko siya.."..ngumiti si Lian, himala...naamnesia siya at kasama sa nalimutan niya ay ang pagsimangot..Good thing huh?
"Lian, hindi na rin ako magtatagal..kailangan ko pang umattend ng meeting sa board.."..sabi ni Lola tapos tumayo na siya...tumayo na rin tuloy ako, ewan ko pero parang awkward na maiwan ako kasama ni Lian. Hindi ko pa kasi siya kayang harapin.
"Hija, maiwan ka na dito...magdiner na kayo ng sabay.."..dahil sa sinabi ni Lola, nagkatinginan kami ni Lian.
"H-hindi na po lola, nagpromise ako kay Sairen na babalik ako kaagad di ba? Kailangan ko pa kasing bumawi sa kanya dahil kanina ko lang uli siya dinalaw..."..sabi ko..tapos yumuko ako..
"Magdiner ka muna kasama ko..tapos bumalik ka kay Sairen."..nabigla ako sa sinabi ni Lian, serious kasi siya..hindi ko alam pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa sinabi niya.
Nagpaalam na si Lola...kaya dalawa na lang kaming naiwan..tahimik lang ako, ganun din siya, nakaupo lang ako sa sofa..siya naman nasa loob ng kwarto..ang sama niya..iwan ba ko dito? Tsk..maya-maya pa lumabas na siya ng kwarto, may dala-dala siyang SLR Cam.. then bigla niya na lang akong kinunan ng picture.
"A-ano bang ginagawa mo?"..ngumiti siya tapos umupo sa tabi ko.
"Ginagawa ko naman to dati di ba?"
"N-naalala mo?"..tumango siya.
"Oo, sorry, ito pa lang ang naaalala ko.."
"Okay lang sa'kin..hindi naman parang magic na babalik kaagad lahat eh.."
BINABASA MO ANG
CINDERELLA FOR SALE
RomanceIf fairy tales doesn't exist Is there still a happy ending? But What if you found true love? And felt the magic and happiness that you've been looking for so long... Are you going to start believing on fairy tales and start writing your own story an...