CHAPTER 10
Vasha's POV
Kinabukasan pumasok kami ni Lian sa school..hindi na kasi kami nakapasok after nung interview..sabay na kaming pumasok nun..at dahil kasama ako..lalo pang nadagdagan yung security..may Psgs na babae..yun yung para sa'kin..Pagbaba pa lang namin ng sa kotse..ang dami na namang media ang nakaabang..ewan ba kung ba't nakapasok sila dito..School day na school day..dapat di sila pinapasok..tinulungan kami nung mga Psgs na makapasok sa building ng maayos..pagdating naman namin dun..mga fans naman ni Lian ang sumalubong sa'min..Nagkatulakan pa kaya pati ako nadamay..natumba din ako..Lampa kasi ako eh!!
"Ayos ka lang ba?"..Sabi ni Lian sabay alalay sa'kin sa pagtayo..
"Okay lang ako.."..Sabi ko tapos naglakad na kami papunta sa 3rd floor..doon kasi ang unang klase namin..
Pagdating sa loob ng room..damang-dama talaga yung pressure..lahat ng classmates kong babae nakatingin sa'kin..parang gusto nila akong balatan at ipagulong sa asin..
"Good Morning Classmates.."..Sabi ko..parang yung dati ko lang ginagawa tapos sasagot din sila ng "goodmorning sayo"..Pero ngayon..ni isa walang bumati sa'kin..Nakakainis..kung ayaw nilang makasal ako kay Lian..mas lalo naman ako..
BANAS NAMAN..ako kaya ang una niyong nakasama?? Bakit? Kapag kailangan niyo ng tulong si Lian ba ang nilalapitan niyo? Ni hindi niyo nga siya makausap eh! Dapat sa kanya kayo magalit!
Lumapit ako kina Sevana at Madison..
"Hi Mad..Sev.."
"Huwag kang lalapit..huwag mo kaming kausapin!!"..Sabi ni Madison..anong problema niya?..Psh..oo nga pala..Prince charming niya nga pala si Lian..
"Sevana.."..Sabi ko tapos lalapit sana ako kaso biglang lumayo si Sevana..tumalikod na lang ako sa kanila..nakakainis talaga..kung alam ko lang na pati mga kaibigan ko mawawala sa'kin..sana..hindi na lang ako pumayag!Nakita kong nakatingin sa'kin si Lian..sinimangutan ko talaga siya ng bonggang bongga!!Kala niya siya lang marunong magseryoso!!
Umupo na ako dun sa upuan ko..hindi ko talaga siya nililingon..bwiset siya!!Ang dami-dami kasing lalaki na pwede nilang maging anak..bakit si Lian pa!!
"Alam mo..ang haba ng nguso mo..pwede ng sabitan ng kaldero.."..Huh?Nang-aasar na naman ba 'to? Ang epal ah?
"Yung mga mata mo..namumula na..ba't kasi pinipigilan mo yung luha mo..halata namang naiiyak ka!"..Banas..umayos ka Lian..talagang masasaktan ka sa'kin..
"Ano ba yan..lalo kang pumapanget!!Umayos ka na nga!"
Hindi na talaga ako makapagtimpi...panget pala ah?
"Eh ano naman ngayon kung panget ako?!!"..Sabi ko tapos pinagpapalo ko siya sa ulo..nagulat ako kasi biglang humarang yung mga classmates kong babae..pinangunahan pa ng magagaling kong kaibigan!!
"Ano ka ba Vasha..maghulos dili ka nga!"
"Siya pa talaga kakampihan mo? Pati ikaw Sevana?..sino bang kaibigan niyo??"
"Siyempre ikaw..pero huwag ka sanang gumawa ng bagay na ikasisira niyo..maraming media sa labas..huwag kang padalos-dalos.."
"Ah ganon? Ni hindi niyo man lang ako nakuhang kausapin pagpasok ko..!!Tapos ngayon ipinagtatanggol niyo siya?!!Grabe..ang babait niyo!"..Sabi ko sabay walk out!! Akala nila lahat ng bagay naidadaan ko sa biro..minsan talaga nagseseryoso ako..freak na Lian na yun!!
"Vasha...naman.."..Sabi ni Sevana..akala mo mapipigilan mo ako ha?..Puwes..time ko naman para mag-emote!!
Naglakad ako palabas..pumunta ako sa gamezone..sumakay ako sa mga rides tapos naglaro ng PS at Basketball..

BINABASA MO ANG
CINDERELLA FOR SALE
RomanceIf fairy tales doesn't exist Is there still a happy ending? But What if you found true love? And felt the magic and happiness that you've been looking for so long... Are you going to start believing on fairy tales and start writing your own story an...