CHAPTER 8
Vasha's POV
Nagalit na naman si Frog prince...hmmft! Totoo naman ah?Masama talaga yung ugali niya..lagi na lang niya 'kong sinusungitan..nakakainis..tutal may kasalanan din naman ako eh! Kaya..sige na nga..magsosorry na lang ako..tutal ako naman yung mabuting bata dito..at siya nga yung masama..okay na..lagi namang nagpapakumbaba ang mga bida..
Natapos na kaming kumain..nagchichikahan lang sila momsky sa Living room..hinanap ko si Lian..at natagpuan ko siya sa Terris..nakaupo at mukhang malalim ang iniisip..nilapitan ko siya..pero di niya ko pinapansin.
"Hoy..Lian..sorry na.."..Sabi ko..tapos tumingin lang siya sa'kin..tsaka binalik niya ulit yung tingin niya sa langit..
"Lian...naririnig mo ba ako?..sabi ko sorry na..huy.."..Sabi ko habang hinihila yung sleve niya..Bigla niyang hinila yung sleve niya..tapos Nagsnob siya sa'kin..Sus..masyado namang pakipot ang taong 'to..ang taas ng pride mo ah? Pag ako naasar..gagawin kitang Fried Frog..!!
"Ang arte mo naman..nagsosorry na nga ako eh!Hmmft!"..Sabi ko tapos tinalikuran ko siya..Nagpapatampo effect lang..
"Psh!Ganyan ba ang nagsosorry?..Walang sincerity?"..Ha?..Sincerity?Para namang babae 'to kung magdahilan?!
"Anong klaseng sincerity ba ang kailangan mo?..Sincere naman talaga ako ah?"...Hmmmft!!Nakakaloka siya...may nalalaman pa siyang since-sincerity!!
"Ang isang taong sincere..nagpapakumbaba..hindi nakikipagpataasan ng pride!"
"Hindi ba pagpapakumbaba ang tawag sa ginagawa ko?..Sa tingin mo ba't ko nasabi sa kanilang masama ugali mo?Kasi may katotohanan diba?Sinong may kasalanan kung ba't ko nagawa yun?Ikaw di ba? Eh kung naging mabait ka lang sana sa'kin hindi mangyayari yun?!Tapos..imbes na ikaw 'tong magsorry sa'kin..eh naiisip kong ako na lang..kasi..alam kong nahurt ka kanina sa ginawa ko...Ang problema kasi sa'yo..gusto mo ikaw lang ang hinihingian ng tawad..Ikaw ang hindi marunong magpakumbaba..Ang taas kasi masyado ng EGO mo Sane Lian Eun.."..Sabi ko tapos iniwan ko na siya..
Kahit lumaki pa ang butas ng ilong niya sa galit..wala na akong pakialam..Wala talaga akong mapapala sa Frog Prince na yun..basta..after 5 years magiging malaya naman na akong gawin ang gusto ko..pagkatapos ng annulment namin..hinding hindi na 'ko magpapakita sa kanya..tutal ayaw ko rin naman siyang makita at makasama!Ang sama niyang tao..
"Vetina..halika dito hija.."..Huh? Mommy ni Frog Prince yun ah?..Bakit kaya?..Lumapit ako sa kanya..nakita kong may hawak siyang isang medium size na treasure box..
"Bakit po tita?"..She smiled at me at inakbayan ako..Mas matangkad si tita Eva sa'kin..
"Tara muna sa Cinema room.."..Sabi niya then..pumunta na kami doon..Grabe..ang yaman talaga nila..may Mini Sinehan sa loob ng bahay nila..Sa third floor..
"Manonood po ba tayo?..Anong movie po ba?..Sana huwag fairytales..ayoko ho kasi ng ganung palabas,...Mas gusto ko ho yung mga horror movies..AH! Meron po ba kayong wrong turn?"..Ngumiti lang siya sa'kin..
"Hindi Fairytales o Horror Movies ang panonoorin natin hija.."..Eh ano?
"Love story?..Nakakabagot naman..Hay.."..I sighed!
"Hindi rin love story.."..Huh? Hindi Fairytale?Horror at love story?..Eh anong panonoorin namin? Huwag niyang sabihing mahilig siya sa action movies?..Ay taray..ang sosyal-sosyal ..nakaheels pa sa loob lang ng Bahay tapos ang trip palang panoorin Bakbakan?! Yaicks!
"Eh..ano pong panonoorin natin?"
"Umupo ka na lang diyan at ako ng bahala.."..Pumunta siya malapit sa components tapos may ipinasok siyang video tape,,Ano kaya yun?

BINABASA MO ANG
CINDERELLA FOR SALE
RomanceIf fairy tales doesn't exist Is there still a happy ending? But What if you found true love? And felt the magic and happiness that you've been looking for so long... Are you going to start believing on fairy tales and start writing your own story an...