CHAPTER 69
LIAN'S POV
Hindi ko maintindihan, pero nung makita ko kung gaano siya kaseryoso sa sinabi niya..parang bigla akong nasaktan..kung totoo nga ang sinabi niya na mahal ko siya...dapat maramdaman ko yun kaso nga, wala akong nararamdaman sa kanya...ang naalala ko lang, si Tennesse ang mahal ko..
Kinuha ko ang phone ko at tinext ko siya...kailangan naming mag-usap ni Tennesse...
Nagreply siya agad at sinabing sa hospital na lang ako magpunta..binabantayan niya nga pala si Sairen..
SA HOSPITAL!
Lumabas kami para magpahangin..nakatalikod siya sa'kin...tahimik lang din siya kaya naman ako na ang unang nagsalita.
"Babe...okay lang ba tayo?"..humarap siya sa'kin tapos ngumiti.
"Lian, stop calling me babe...we're not okay.."
"Galit ka ba dahil dun sa babae? Hindi ko naman ginustong makasal sa kanya eh.."..ngumiti si Tennesse..
"Lian..yung babaeng tinatawag mo...si Vetina yun, ang babaeng pinakasalan mo..ang babaeng mahal mo...okay?"
"NO! I don't love her..ikaw ang mahal ko Tennesse...ikaw lang ang gusto ko.."..sabi ko sabay yakap sa kanya.
Tinulak niya ko...nagulat ako kasi umiiyak na siya..
"Si Vetina ang mahal mo okay? Kaya mo lang nasasabi yan dahil ako ang naalala mo...at hindi siya...Si Sairen...siya ang mahal ko.. Lian, huwag mong pahirapan yung taong nagmamahal sayo ng sobra...alam mo bang walang araw na lumipas na wala siya sa tabi mo? Paano mo nagawang kalimutan siya ng ganun ganun lang?? Kung masasaktan mo lang din siya habang hindi pa bumabalik ang ala-ala mo, mabuti pa..lumayo ka muna sa kanya...sa'ming lahat.."..hindi ko maintindihan..pero bakit nasasaktan ako..kung talagang ayaw ko na sayo Tennesse, bakit hindi ko kayang tanggapin lahat ng sinabi mo?
"Hindi...kahit kailan hindi kita pinalitan..paanong si sairen ang mahal mo huh? I'm your boyfriend..."
"Matagal na tayong hiwalay, si Sairen ang boyfriend ko at hindi ikaw...bumalik ka na sa inyo..baka hinahanap ka na ng asawa mo, huwag mo naman siyang pahirapan Lian..kung alam mo lang kung gaano siya nahirapan tuwing makikita ka niya na walang malay..sobra siyang nasasaktan..Lian.. please? Alalahanin mo si Vasha...hindi ko kayang saktan siya ulit tulad ng dati..pero ngayon, tulad ng dati, kahit hindi ko sinasadya, nasasaktan ko na naman siya.."..Pipilitin ko ang sarili ko na kilalanin yung babaeng yun? Ipipilit kong makaalala ako ganun ba? Hindi naman ata tama yun, I have my own decisions..at hindi ako pwedeng diktahan ng sinuman..
"Bukas, magpafile ako ng annulment sa kasal namin..hindi ko kayang makasama yung babaeng yun.."..sabi ko sabay alis na..sisilipin ko pa sana si Sairen..pero huwag na lang..dahil kahit nakaratay siya dun baka hindi ko mapigilan ang sarili ko..
Pagdating ko sa bahay, diretso ako sa kwarto..narinig ko yung babae na umiiyak sa loob ng kwarto niya...may kinakausap rin siya..hindi ko alam kung sino..umupo ako sa kama at tinignan yung scraptbook na binigay niya kanina..
"Ang sama mo talaga frog prince..palagi mo na lang akong pinahihirapan...sana hindi na lang kita iniwan ng mag-isa nung araw na yun..sana sinamahan na lang kitang matulog..sana nung sinabi mong mahal mo ko sinagot din kita ng mahal kita..sana niyakap kita ng mas matagal at mas mahigpit..kung alam ko lang na makakalimutan mo ako, sana hindi na lang kita minahal!"..habang naririnig ko yung mga sinasabi niya...binubuklat ko isa-isa yung page ng scraptbook, nakita ko yung mga pictures namin..ang dami naming pictures ng magkasama...may picture kami na nakacinderella outfit siya at prince charming ako..may picture din kami na hinalikan ko siya sa chick..may picture siya ng natutulog...tapos nakalabel na "Kuha ni FrogPrince, sinamantala niyang oily ang pagmumukha ko..ang sama talaga."
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, siguro nga tama si Tennesse..lalayo muna ako dahil nasasaktan ko siya..kung talagang mahal ko siya, ayaw kong makita siyang ganyan, ayaw kong maalala yung mukha niyang umiiyak, ayokong maalala na nasaktan ko siya kapag bumalik na yung memories ko about her..
Kinuha ko yung bag ko at inimpake ang ilan kong gamit..hindi muna ako titira sa bahay na to hanggat hindi ko pa siya maalala, kapag magkasama kami, baka lalo lang lumala ang sitwasyon..bago ako umalis, napansin ko yung isang kwarto..bakante...pero malinis, wala ring kahit na anong nakalagay, napatingin ako sa ceiling, bukas yung daan papuntang atik..kaya naman naisip kong puntahan..
Pag-akyat ko, nagulat ako sa nakita ko..may mga gamit ako, malinis ang paligid, ang camera ko narito..nakita ko yung mga pictures na nakahang pa, mukhang kakadevelop lang..puro picture nung babae, ang daming frames na nakahang sa wall, panay picture niya, may picture siyang kumakain, nakauniform pa..may picture siyang kagigising, natutulog, Nakawedding gown, may picture pa siyang umiiyak, ang background forest..may kuha din siya na nakatalikod tapos nahaharangan niya ang sunset..
Bigla akong nagkaroon ng vision sa picture na yun..
The VISION!
"Hay...ang ganda talaga..."
"Alin ang maganda?"
"Yung view...akala mo ikaw?"
"Sinabi ko bang ako???"
Patalikod na siya..
"Oh? Aalis na yung view? Wala ng maganda!"
Pinindot ko ang Cam sabay Flash!...kinuhanan ko siya...humarap siya sa'kin ng nakasimangot..
End of Vision..
Ano ba yung mga nakita ko? Memories ko ata yun...confirm nga..ako ang kumuha ng lahat ng pictures niya na naririto ngayon..
Hindi ko makakayang makita siya at marinig na umiiyak..isa na lang ang pinakamabisang paraan na alam ko..bumaba ako ng atik para puntahan siya sa kwarto niya...tuluy-tuloy na kong pumasok dahil hindi nakalock..
"Oh? M-may kailangan ka ba Lian?"..lumapit ako sa kanya..tapos umupo sa tabi niya..
"Makinig ka sakin Vetina..gagawin ko to hindi para sa'kin, kundi para sa'yo.."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kung mahal kita, hindi ko kayang maalala na nasaktan kita ng sobra kapag bumalik na ang ala-ala ko..ayaw na kitang saktan..that's why I decided to migrate.."..kumunot yung mga noo niya, teary eyed na rin siya.
"Anong migrate? bakit ka lilipat? Hindi mo naman kailangang gawin yan Lian, hindi mo kailangang lumayo, promise ko, hindi na ko masasaktan..please huwag kang umalis.."..sabi niya habang nakahawak sa arm ko..
"This is the best solution, para hindi ka masaktan, dahil habang magkasama tayo, hindi maiiwasan na masaktan kita..please din, pabayaan mo na ko, di ba nga mahal kita? Sa oras na bumalik ang memories ko about you, asahan mong babalik ako.."..binitiwan niya yung arm ko at yumuko..naramdaman ko yung pagtulo ng luha niya sa kamay ko..
"Siguro nga, best way na yan, tsk..matalino ka naman eh, tsaka, may tiwala ako sa'yo..babalik ka rin sa'kin..tatandaan ko yan..pero tulad ng sinabi ko Lian, hindi ako basta sumusuko na lang sa problema..kaya maghihintay ako anuman ang mangyari.."..tumango ako at ngumiti sa kanya.
"Don't worry, hindi na ko magpafile ng annulment..iingatan mo ang sarili mo ah? and wish me luck..okay?"..tumango siya tapos ngumiti, kahit na lumuluha pa rin.
"Good luck frog prince, and..goodbye.."..I kissed her forehead..bigla niya kong inakap..
"Mahal kita Lian..."..sabi niya lang tapos tinanggal niya na yung mga kamay niya at lumayo na rin sa'kin..kaya naisip ko ng tumayo at umalis...paglabas ko ng kwarto niya..nakita ko ulit sa kama ko yung scraptbook na binigay niya..siguro nga, makakatulong sa'kin yung scraptbook.. kinuha ko at inilagay sa bag ko..tsaka ako tuluyang umalis ng bahay..alam ko, masakit para sa kanya ang ginawa ko..pero mas masasaktan ko siya kung mananatili ako sa tabi niya..
Sa ngayon, pansamantala akong titira sa hotel..kailangan ko ng privacy, hindi ko na rin sinabihan sina Bryle at Kerwin..
Sana rin gumising na si Sairen, dahil gusto ko na siyang makausap..
BINABASA MO ANG
CINDERELLA FOR SALE
RomantikIf fairy tales doesn't exist Is there still a happy ending? But What if you found true love? And felt the magic and happiness that you've been looking for so long... Are you going to start believing on fairy tales and start writing your own story an...