CHAPTER 41
LIAN'S POV
Hindi ko magets ang ugali ng asawa ko...bakit siya ganun? Ang pikon niya...hindi naman madaling uminit ang ulo niya dati ah?
"Ba't ganun yun? Napikon kaagad?"..sabi ni Madison habang nakatingin kay Vetina na papalayo ng papalayo..
"Hoy...hindi kaya buntis yung si Vetina?"..kamuntik akong mabulunan sa sinabi ni Bryle...binatukan ko siya,
"WHAT?? Baka lang naman...itanong mo kaya? Baka may first baby na kayo ni Vetina.."...sabi ni Bryle habang may nginunguya pa siya..
"Hindi siya buntis okay?"...depensa ko...kung anu-ano naiisip ni Bryle..
"Paano ka naman nakakasiguro na hindi nga siya buntis?"...ang kulit mo Bryle...mabubugbog na kita eh!
"Hindi pa namin ginawa ni Vetina yun okay? Wala akong balak gawin yun sa kanya habang wala pa kami sa tamang edad!!"
"Ah...ang gentleman mo pala..."...sabi ni Bryle na parang nang-aasar pa...palibhasa siya...lahat ng nagiging girlfriend niya...hay...
"Dapat lang naman...yang mga ganyang bagay dapat nangyayari kapag kasal ang dalawang tao at nasa tamang edad na sila..kaya ikaw Lian...magtiis-tiis ka...subukan mo lang talagga..."...sabi ni Mad habang nakaturo pa yung tinidor niya sa'kin..
"Hindi ganung tao si Lian Mad...don't worry...Vetina is safe with him.."...sabat ni Sairen...I just smiled at him..
"Pwede ba kumain na lang tayo?"...sabi ni Kerwin without looking at us..anong problema bakit bumalik sa pagiging tahimik 'tong si Kerwin..? Maybe it's because of her...bakit kasi bumalik pa siya eh okay na nga 'tong si Kerwin...
Pero akala ko ba si Sevana na ang gusto niya? Ang labo niya rin eh...hay...ang mga kaibigan ko talaga...may kanya-kanya talaga kaming problema..hindi ko naman ma-i-share yung sa'kin..lalo na kay Bryle...ewan ko pero nitong mga nakaraang araw...natututo na kaming magtago ng secret sa isa't isa...nahihiya lang ako magshare kay Kerwin..alam ko kasing mas malala ang problema niya sa'kin..
After kumain bumalik na 'ko sa Villa para gumayak...I saw Vetina sitting on the floor...nakasandal yung ulo niya sa bed..
"Ba't ka ba nagwalk out?"...tanong ko na napakaayos..
"Bakit masama ba? Akala mo ikaw lang marunong magwalk out?"...tsk...ayan na naman siya..palagay ko bigla kaming nagkapalit ng ugali ng babaeng 'to..
"Huwag kang masyadong masungit..iniisip nila na may baby na tayo diyan sa tiyan mo kaya ka nagsusungit.."...She looked to me...with gulat factor sa mukha..
"HUH??? Anong sabi mo??"...maasar nga 'to...tutal kanina pa napipikon..
"Ah...baka nga meron na..."...bigla siyang tumayo at mukhang magmamaktol na...kung minsan talaga may pag kamaldita 'tong si Vetina...pero lumalabas lang yun kapag naasar siya...at tingin ko lalabas yun ngayon.
"LIAN!!!!"...halos mabingi ako sa sigaw niya....kahit kailan talaga...yun ang pantorture niya sa'kin...yung sigaw niyang nakakatililing..
"TSSS! Don't shout okay? Joke lang yun.."...sumimangot siya ng bonggang bongga..ano bang nangyayari ba't nagkapalit kami ng ugali? Ito ba yung parang sa Kooreanovela na nagkakapalit ng soul yung isang babae at isang lalake?
"Huwag ka kasing nagbibiro ng ganun..hindi maganda at hindi nakakatuwa.."...now she's being mad...at ngayon ko lang napansin...ang cute niya kapag nagagalit...I walk towards her...and I pinched her nose..
"CUTE!!!"...sabi ko habang pinanggigigilan ko siya..
"ARAY!"...sabi niya sabay palo sa kamay ko...kaagad ko namang hinuli yung mga kamay niya...wala lang..gusto ko lang hawakan...
"ANO BA! Bitiwan mo nga ako!"..sabi niya habang pilit niyang binabawi yung mga kamay niya sa'kin..
"NO!"..sabi ko then hinila ko siya palapit sa'kin..
"What are you doing??!"
"I'm just being curious..."
"Curious of what?"
"Hay...panay kasi ang english mo..hindi ako sanay..."
"People do change nga di ba?"
"Maliban sa'kin...ayokong magbago ka...ayokong mawala yung Vetina na nakilala ko...si Vetina na masiyahin at Engot pero lagi akong napapasaya...Please lang...ibalik natin yung dati...kahit na nag-aaway tayo,..hindi natatapos ang araw na hindi tayo nagkikibuan o nagpapansinan...mas gusto ko yung mga araw na ako yung nagsusungit kesa ngayon...FROG PRINCESS!"
"Talaga bang ang sungit ko sa'yo?"...sabi niya..palagay ko calm na siya..
"Oo...huwag ka ng masungit...mauna ka ng maligo..at nine kelangan ready na ang lahat...okay ba?"...she just nod then hinayaan ko na siyang gumayak...
Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ako gan'to sa kanya...natatakot ako na baka bukas o sa susunod pang araw bumalik yung trato ko sa kanya noon...ayokong saktan si Vetina...aaminin ko...gusto ko na siya...pero hindi yun sapat para tumagal kami habang buhay...kailangang malaman ko muna na mahal ko siya...para maging forever na kami..kahit na sinabi niyang hindi niya 'ko mahal...hindi ako manhid...ramdam ko sa bawat kilos at galaw niya na mahal na niya 'ko...
Hay...hihiga na lang muna ako habang hinihintay ko si Vetina...medyo mabagal kasi siya kumilos..
...........
..............
.................
....................
.......................
Nagising ako...ano ba yan? Nakatulog ako...nakita ko si Vetina na nasa harap ng glass window...nakatingin siya sa malayo...ang lalim ng iniisip niya...I'm sorry kung nasasaktan kita palagi...hindi ko gustong guluhin ang isip mo..
Lumapit ako sa kanya...napaatras naman siya...nagulat ko siguro...
"Kanina ka pa tapos?"...she just nod...
"Okay...gagayak na 'ko..."..paalis na 'ko kaso bigla siyang nagsalita..
"Lian..."...kaagad naman akong lumingon sa kanya..
"Bakit?"
"Wala...bilisan mo na...8:15 na.."...tsk..akala ko naman mag-a-ILOVEYOU na siya...mamadaliin lang pala ako..
"Okay...."...sabi ko then tinalikuran ko na siya..
Pumasok ako sa CR...sinindi ko yung shower....and then I looked at myself in the mirror...ano bang problema ko? MAgulo nga ako..kaya hindi okay si Vetina dahil siguro iniisip niya pa rin yung about sa topic namin...don't worry Vetina..kapag narealize ko kung ano ka talaga sa'kin..walang magbabago...I will stay on your side forever...sayong-sayo na 'ko...
Paglabas ko ng Cr..wala na siya...siguro nauna na sa labas...oh baka sinundo sina Sev at Mad...Nagmadali na rin akong magbihis...alam kong ako lang na naman ang inaantay nila..
nagulat ako nung bigla na lang magbukas ang pinto ng Villa...si Vetina..
"May naiwan ka ba?"
"Yung puso ko.."...may ibinulong siya pero hindi ko masyadong narinig..
"Ano kamo?"
"Ha? a-a-ano...yung...teka ano na nga bang reason kung ba't ako bumalik?*lagay ng daliri sa ulo*AH! Oo nga pala...tatawagin kita kasi aalis na tayo.."...tsk...loka-loka...hindi niya na alam ang pinaggagagawa niya...
"Fine..lets go.."...sabi ko then nauna na siyang maglakad at sumunod lang ako sa kanya...
Hay...sana bukas hindi na kami gan'to...Hindi ako sanay sa gantong buhay namin...aminin niyo readers...hindi kayo sanay na nagdadrama kami ni Vetina no?
Mas lalo na ako...
BINABASA MO ANG
CINDERELLA FOR SALE
RomanceIf fairy tales doesn't exist Is there still a happy ending? But What if you found true love? And felt the magic and happiness that you've been looking for so long... Are you going to start believing on fairy tales and start writing your own story an...