CHAPTER 49
Madison's POV
Uwian na...I'm alone...wala rin akong service...ginamit ni mama yung service, may out of town sila ng mga co-workers niya..yeah right..mag-isa ako sa bahay ilang araw na, gusto kong yayain si Vasha kaso alam kong hindi siya pwede, ganun din si Sevana...hay ang hirap mabuhay ng mag-isa..
Dumaan muna ako sa isang fastfood chain para magtake out ng dinner, tinatamad na kasi akong magluto...after nun, nagsimula na akong maglakad pauwi..malapit na lang kasi yung bahay namin..
Bakit parang ang bilis dumilim ng langit? Mag aalas sais pa lang naman ah? Hay..I guess uulan..nafeel ko na yung maliliit na patak ng ulan,lagot ako nito..wala pa naman akong dalang payong....alam ko na, sa park na lang ako dadaan para mas mapabilis ang pag-uwi ko..
Yey....heto na 'ko sa park, namiss ko tuloy yung mga araw na magkakasama kaming tatlo..lagi kaming nag-i-star gazing dito...si Vasha ang unang nakakakita ng star...tapos si Sev tapos kulelat ako malamang..Hay sana one time maulit yun...lalo ko tuloy nafeel na mag-isa lang ako ngayon..
"Wow pare....Chix!"...OMGOSH! Nakalimutan ko..kapag madilim na nga pala naglalabasan na ang mga adik dito sa park...waaaaaaaaaaaaahhh I'm scared..
Biglang humarang yung isa sa daraanan ko, nagpasya akong umatras kaso nakita ko pa yung isa....LORD!!!!!!
Anong gagawin ko..malamig ang simoy ng hangin...nangangatal ako sa takot...
"HI.......Ang bango mo naman..."...sabi nung isa matapos niya 'kong hatakin...
"WA!!!! Lumayo ka sa'kin ang baho mo!!"...sabi ko sabay hampas dun sa lalaki...pero hinatak niya lang ako pabalik...YUCK!! IWWW!!!! Lubayan niyo ako!!!
"Huwag ka ngang masyadong pakipot!"..sabi niya tapos inilapit niya yung mukha niya sa'kin....he gonna kiss me??? Sinupalpal ko yung pagmumukha niya para pigilan siya...but he just grab my hands....
"AH!!! TULONG!!!!!!!!"...sigaw ko..baka sakaling may makarinig sa'kin....napapikit ako kasi mukhang wala namang ibang tao sa park....sa totoo lang umiiyak na 'ko sa takot ng may narinig akong...
BOGSH!!...napamulat ako...ha? yung lalaki nasa ground na...hinatak siya nung lalaking sumuntok ata sa kanya...hindi gaanong maaninag kung sino yun dahil nasa dilim sila...well kung sino man siya Malaking pasasalamat ko sa kanya..
Sumugod na yung isang adik para pagtulungan yung lalaking tumulong sa'kin...teka???? Sinabi ko bang pagtulungan? WAAAHHHH binubugbog na nila siya!!!
"HOY! ITIGIL NIYO YAN!!!"..sabi ko dun sa dalawang adik habang pilit ko silang pinipigilan...kawawa naman yung lalaki..bigla akong itinulak nung isa at natumba ako....ARAY!!!! napatingin ako sa kamay ko..mahapdi kasi....waaaaahhh may galos na ako!!! Wala na ang makinis at maputi kong balat! Magkakapeklat na!!
"TULONG...TULUNGAN NIYO KAMI!!!"....ibinuhos ko na lahat ng lakas ko para isigaw yung tulong....baka sakaling may anghel na makarinig....
May mga narinig akong footsteps...marahil yung mga pulis yun na rumoronda dito sa park tuwing gabi...
"TULONG PO!!!!"...waaahhhh nakita ko na sila..
"HOY! ITIGIL NIYO YAN!"..sita nung isang pulis dun sa dalawang Adik...kaagad namang kumaripas ng takbo yung dalawa at hinabol sila nung mga pulis...
HAAAA! Yung lalaking tumulong sa'kin......ano na kayang lagay niya....nilapitan ko siya...nakayuko siya habang papatayo...tinulungan ko na siya kasi mukhang hindi na niya kaya...
"Naku...Ayos ka lang ba?"..tanong ko sa kanya...inakay ko siya hanggang sa makarating kami sa bandang may liwanag ng ilaw...para naman makita ko yung mukha ng hero ko...
BINABASA MO ANG
CINDERELLA FOR SALE
RomanceIf fairy tales doesn't exist Is there still a happy ending? But What if you found true love? And felt the magic and happiness that you've been looking for so long... Are you going to start believing on fairy tales and start writing your own story an...