chapter 68

113 8 0
                                    

CHAPTER 68

VETINA'S POV

Nauna akong pumasok at nasa likod ko si Tennesse...hindi ko alam ang sasabihin ko nung makita ko si Lian...nakaupo...para akong nananaginip, gising na siya..gusto kong iuntog yung sarili ko sa pader dahil baka nananaginip lang ako.

"Hi babe.."..he said while staring at me..this time, alam kong hindi ito dream lang, totoong gising na siya.,napatingin ako sa bedside table niya..may balat ng oranges, may pinagkainan rin...totoo nga...gising na talaga siya..hindi ko ma-explain yung feelings ko..gusto ko siyang yakapin..

"Halika nga dito.."..tinulak ako ng mahina ni Ten..lumapit ako kay Lian...tapos hindi ko na napigilan..inakap ko siya ng mahigpit.,.

"Nakakainis ka! Alam mo bang tinakot mo ko ng sobra!!! Bakit ngayon ka lang gumising huh???"..sabi ko habang akap ko pa rin siya..tinanggal niya yung mga kamay ko na nakaakap sa kanya..

"Sandali...sino ba to?"...sabay turo niya sa'kin at tingin kay Ten.

"Anong sino ako!? Kagigising mo lang pinagtitripan mo na naman ako Lian!!"..sabi ko then pinunasan ko yung mga luha ko..

"Tennesse, babe...halika nga dito.."..t-teka lang..biro pa ba to? Biro lang to Vetina...inaasar ka lang ni Frog Prince..palaka ka talagang lalaki ka!

"Lian..stop fooling around...kakamalay mo lang nang-aasar ka na..mamaya umiyak ng umiyak si Vash, ikaw din, mahirap patahanan yan!"..sabi ni Ten.

"Ahahaha, siraulo talaga si Lian kahit kailan.."..sabi ko then pinilit ko na lang tumawa dahil hindi ako natuwa sa jokes niya.

"Hoy miss, kailangan mo ba ng authograph ko huh? Sa ibang araw na lang...umalis ka na..respetuhin mo naman ang privacy namin ni Tennesse.."

"Hindi ka na nakakatuwa.."..sabi ko sa kanya..umiling siya na parang naiinis..then napalingon siya sa side...nagulat siya nung makita niya si Sairen.

"Teka, kelan pa dumating si Sairen?"..ano bang klaseng tanong yan?

"Matagal na Lian, almost a year na nga eh, dumating siya nung araw na ikinasal kayo ni Vasha.."..sabay tingin sa'kin ni ten..kumunot yung noo ni Lian..then tumingin sa'kin.

"Ikinasal? Are you kidding me?"..pati nga ako, hindi ko alam pero kanina mo pa ko binibiro Lian...at hindi na ko natutuwa sa mga biro mo.

"I'll go get the doctor Vash.."..sabi ni Ten then lumabas na siya ng kwarto..si Lian nakatingin pa rin sa'kin..

"Lian, huwag mo naman akong biruin ng ganyan...isa pa talaga hindi na kita patatawarin.."..sabi ko then naramdaman ko na lang na tumulo yung luha ko..

"Ah, tatawagan ko na lang sila mommy..kung gusto mo ng fruits nan diyan sa bedside..please help yourself."..sabi ko then lumabas na ko para tawagan ang parents niya at si momsky..

Pagkalabas ko..dumating ang mga doctor, kinausap ko si Ten na siya na muna bahala...naiinis kasi ako kay Lian..kaagad ko ring kinontact sina Mad,Bryle,Sev at Kerwin..

Lahat sila dumating kaagad...inakap ako ng parents niya, pati si momsky..ganun din sina Mad at Sev..

Parents niya lang ang kinausap ng doctor...sila lang ang pumasok sa room..kaya lahat kami naghihintay dito sa labas..sana okay lang si Lian..sana nagbibiro lang talaga siya..Si Sairen hindi pa rin nagigising..kaya hindi pa kami lubusang masaya..

Ilang minutes ang lumipas lumabas na yung doctor at pumasok na kaming lahat..

"Hija..I need to talk to you.."..yaya sa'kin ni Lola sa labas..

CINDERELLA FOR SALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon