chapter 22

214 10 0
                                    

CHAPTER 22 

Vasha's POV 

Habang nakatingin ako sa bintana nagring yung phone ko...tiningnan ko kung sino yung tumatawag...Ha??? Ang weird niya..I answered my phone.. 

"H--hello..." 

"Ba't di ka pa natutulog?" 

"H--ha?..Paano mo nalaman?" 

"Ang engot mo talaga..sasagutin mo ba yung tawag ko kung tulog ka na?"...PSH...OO nga no???..Hanggang cellphone ba naman nanlalait si Frog Prince!! 

"Hmmmmft!! Ba't ka naman tumawag?" 

"I'm just checking if you're already asleep.." 

"Ah..akala ko naman kung ano na.." 

"You didn't answer my question yet!" 

"Ahm..ano kasi..hindi ako makatulog.." 

"You're thinking of me?" 

"H--ha?..H-hindi no??!! Ba't naman kita iisipin.." 

"Ba't mo nga pala 'ko iniisip?" 

"Ahm..a-ano---HOY HINDI NGA KITA INIISIP!!"..Loko 'to!! Hinuhuli ako!! Buti na lang tulog yung engot na parte ng utak ko.. 

"Mamasyal muna tayo.." 

"Nahihibang ka na ba?? Saan ka naman papasyal sa gan'tong dis oras ng gabi!!?" 

"Sa garden.."..Sabi niya tapos narinig ko siyang tumayo..maya-maya may kumatok sa door ng kwarto ko.. 

"Sa garden?? Psh! Ilang beses ko ng nakita yung garden no??!" 

"Huwag ka na ngang maarte diyan..lumabas ka na diyan!!"..Sabi niya sabay katok ulit sa pinto.. 

"Paano kung ayaw ko?" 

"Hindi ako aalis sa harap ng kwarto mo!!" 

"Edi huwag!! Hindi naman ako ang maiinip sa kahihintay!!"..Time ko naman para gumanti no??! 

"Okay lang..wala naman akong magawa eh!"..Sabi niya tapos may narinig akong tunog..parang sumandal siya sa pinto.. 

"Maghihintay ka ba talaga diyan??!!" 

"Palagay mo nagbibiro ako?? Hoy Coocoo Brain..hindi ako marunong magbiro!!" 

"Anong COOCOO BRAIN???? Bahala ka diyan! Manigas ka!!"..Kinatok niya ulit yung pinto! 

"Oo nga pala..May duplicate ako ng susi ng kwarto mo..patay ka sa'kin pagbalik ko.."..Sabi niya tapos may narinig akong footsteps...pahina ng pahina..Umalis na ata siya sa tapat ng kwarto ko..Patay ako pagbalik niya??!!!..Dali-dali naman akong bumangon at binuksan ko yung pinto..at nakita ko siyang may hawak na susi..He grinned at me.. 

"Oh tara na?" 

"Bahala ka nga sa buhay mo!!"..Sabi ko tapos tinalikuran ko na siya papasok na 'ko sa kwarto ko kaso bigla niya naman akong hinila.. 

[Sa Garden] 

Nakaupo si Lian sa swing chair..[yung mahabang upuan pero swing..]...Ako naman sa bench lang..Nakatingala lang siya...sabi niya mamamasyal kami..ba't steady lang siya?? 

"Vetina..dito ka.."..Sabi niya sabay tapik sa bandang tabi niya.. 

"Hindi na..dito na lang ako.." 

"DITO KA SABI!!"..Ayan na naman siya!!!HHHMMMMFFT!!..Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumipat sa swing chair..Pero hindi ako tumabi sa kanya..sa dulo ako.. 

"Usog ka dito.."..Psh!! PROBLEMA MO BANG FROG PRINCE KA HA??? 

"Hindi na..."...He just looked at me then siya na ang lumapit...wow ha? Youth Icon na lumalapit sakin...Ang haba ng hair ko!!!!!!!! 

CINDERELLA FOR SALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon