chapter 40

243 10 0
                                    

CHAPTER 40

VETINA'S POV

It's been an hour..pero hindi pa rin maalis sa isip ko yung nangyari kanina.

Sa totoo lang..Nakakulong lang ako dito sa villa, ayaw kong lumabas, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Lian.

Ewan ko ba pero parang nahihiya ako na nagagalit na parang gusto kong kiligin.

Basta...mixed emotions kasi..

Waaaaaaaaahhhhhhhhh author alam mo ikaw ang may kasalanan nito eh!!!!!

Kung hindi naman kasi dahil sayo hindi yun gagawin ni Lian, hindi sana ako naguguluhan ng ganito ngayon..Ano ka ba naman kasi??

Tuloy nag-a-assume na naman ako. ISSSSSSSSSSSSSS I really hate this feeling talaga, ayokong nag-a-assume dahil alam kong masasaktan lang ako...

Pero wala naman akong magawa...tao lang ako...nakakaramdam,nagmamahal at nasasaktan...

Biglang nagslide yung pinto...napalingon ako...si LIAN!

"Bakit gising ka pa?"...naglakad siya palapit sa'kin..

"Saan ka ba galing?"...I looked away to him...hindi ko siya matignan ng diretso....umupo siya sa tabi ko..

"Did you wait for me?"...WAAAAAAAAAAAAHHHHH HINDI KA NA NGA SANA DUMATING!!

"Hindi ah.."...he just nod, napatingin siya sa'kin...umiwas naman ako ng tingin...

"Ah...about pala sa nangyari kanina--"

"Wala yun...alam ko namang hindi mo yun sinasadya....kalimutan na lang natin...matulog na tayo.."...sabi ko then humiga na 'ko at tumalikod sa kanya...

Naramdaman kong humiga na rin siya....hindi ko ba alam pero pakiramdam ko kasi part yun ng palabas ni Lian...minsan gusto kong isipin na totoong gusto na niya 'ko...pero kapag naaalala ko na mahal na mahal niya si Tennesse...biglang bumabalik ang lahat ng katotohanan....na habang buhay niya lang akong rebound.

"Huwag ka namang ganyan mag-isip..."...bigla kong naramdaman yung kamay niya....si Lian....inakap niya ko...

"L-Lian..."...hinigpitan pa niya yung yakap...ewan ko ba....hindi ko na rin maintindihan.

"Kung iniisip mo na palabas lang ang lahat ng 'to...nagkakamali ka...hanggat hindi pa 'ko sigurado sa nararamdaman ko...kung pwede lang..manatili ka muna sa tabi ko...ayokong nagiging cold ka sa'kin...ayoko ko rin na lagi kang napapatawa ng iba, hindi ko alam kung pagmamahal na 'to...sana Vetina...sana nga mahal na kita..para maging masaya na tayo.."...Nagugulat ako sa mga nangyayari...hindi siya si Lian...hindi siya yung Lian na kilala ko...ibang Lian 'tong nasa tabi ko ngayon..

Inalis ko yung kamay niya at umupo ako...hindi ko alam...pero pakiramdam ko ang unfair...paano kung hindi naman pala niya 'ko mahal? Edi wala ring saysay na manatili ako sa tabi niya...sa ngayon hindi ko pa alam ang solusyon. Pero sana bukas at sa mga susunod pang araw maliwanagan na siya. Dahil hindi ko maiwasang masaktan...kahit na alam kong sa simula palabas na ang lahat ng meron kami...masakit isipin na natalo ako sa laro...Nainlove ako sa kanya habang siya inlove sa ibang babae..

"Are you Mad?"..I looked to him...direct to his eyes...hindi ko alam kung anong isasagot ko...simpleng tanong pero wala akong maisip na sasabihin..

"C'mon...I know you are...I know it's unfair...pero Vetina...hindi naman ako mawawala sa'yo eh...di ba nga promise ko habang buhay na tayo?"

"Tapos? Kapag hindi pala yan pagmamahal? Anong mangyayari sa'tin..? Ano sa tingin mo mararamdaman ko? Tingin mo ba Lian hindi ako nahihirapan?"

"Vetina...kung pwede lang sana...kung ganon lang kadali na i-sure kong pagmamahal na nga 'to...kanina ko pa ginawa...bago kita hinalikan, pero mas magiging masakit kung hindi ako sigurado tapos bigla-bigla na lang akong magtatapat ng feelings ko sa'yo..It will cause more pain to you...I will be more unfair to you.."

CINDERELLA FOR SALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon