chapter 75

136 9 0
                                    

CHAPTER 75

KERWIN'S POV

Katatapos lang ng rehearsal..super pagod kaming lahat, kasalukuyan din kaming nagpapahinga sa studio..

"Yung about sa plan ko.."..sambit ni Lian na nagpupunas pa ng buhok niya gamit ang towel, kaliligo lang kasi.

"About sa balak mong i-disband ang Sale Band?"..diretsong tanong ni Bryle.

"Oo..sorry, but I think, it's the best way for now."..dipensa ni Lian.

"Oo tama ka, the best way para sa'yo! Tch..isang bandang sikat na sikat, walang issue, model for the youth, biglang maglalaho ng parang bula...dahil lang sa leader na hindi kayang panindigan ang sarili niya!"..galit na sagot ni Bryle..

"Nasasabi mo yan cause you're not me Bryle!"..medyo mataas na rin ang tune ni Lian, mukhang malapit na silang magkapikunan.

"What if vice-versa Lian? nagdecide kang gawin yan cause you're not me!! Tama?"..tumayo na si Lian sa upuan..ganun din si Bryle...pumagitna ako para pigilan sila..

"Stop arguing...please, It can't help everybody's situation.."..pareho silang umupo..then they sighed.

"I'm sorry, Ayoko ng saktan si Vetina, and ayaw ko na ring masaktan..kailangan kong lumayo, It's the best way to do.."

"Naiintindihan kita, kung buo na ang decision mo, susuportahan kita, that's what are friends for.."..napatingin si Lian kay Bryle

"Sorry Bryle.."

"Sorry din, pero Lian, paano na si Vetina? Siguradong masasaktan siya sa pag-alis mo."

"Alam ko yun, the real thing is, kaya ako aalis dahil may tiwala ako sa inyo."..parehong kumunot ang noo namin ni Bryle

"What do you mean?"..tanong ko..he smiled.

"Habang wala ako, pwede bang kayo muna bahala kay Vetina?"

"Ang kapal talaga ng mukha mo no?"..pabirong sabi ni Bryle.

"Maaasahan ko ba kayo?"..tanong niya sa'min.

"Sige, basta hindi tatagal ng five years Lian ah?"..sabi ko.

"WHAT??? Bakit five years? Dapat five months lang ang palugit!"..sumbat ni Bryle..

"Basta babalik ako, sa ngayon,kailangan muna nating tapusin yung concert ng sale band.."

"Last concert ng Sale band.."..sumbat ulit ni Bryle..

"The farewell concert for us..I will miss you guys.."..sabi ni Lian.

"Hindi kita mamimiss..at sa wakas, wala ng mag-uutos ng mag-uutos sa'kin.."..sabi ni Bryle habang nakangiti..pero kahit nakangiti siya alam kong nalulungkot din siya sa decision ni Lian.

"Itigil niyo na nga yang drama, So gay.."..sabat ko na..baka magkaiyakan pa silang dalawa.

"Tch..sige, I need to go.."..sabi ni Lian sabay tayo na..

"Maaga pa ah? Saan ka naman pupunta?"..tanong ni Bryle.

"She will see me tonight.."..sabi ni Lian then umalis na..

"Sinong she?"..tanong ni Bryle sa'kin..nginitian ko ang siya..tapos naglakad na rin ako paalis.

"Oh? Saan ka rin pupunta huh?"

"I'm going to see her tonight.."..sagot ko..

"Her? Sino naman?"

"Bye Bryle.."..sabi ko sabay lakad na palayo, narinig ko rin yung footsteps ni Bryle..mukhang uuwi na.

CINDERELLA FOR SALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon