chapter 44

168 10 0
                                    

CHAPTER 44

MAD'S POV

Nauna na 'kong bumalik sa campsite para ibalita sa boys na nawawala si Vetina..sabi naman nila wala rin si Lian..hayyy..saan naman nagpunta yung mag-asawang yun? Hindi kaya itinakbo ni Lian si Vetina? tsk!

Si Kerwin at Sairen umalis para hanapin yung dalawa...tapos ako naman naiwan dito sa campsite kasama ang manyak na si Bryle..hayan...hindi pa man lumulubog ang araw eh umiinom na naman siya...kelan ba siya naging alcoholic? Hindi naman siya madalas uminom noon eh...

"Hoy...babaeng bakla!"...sabi niya pagkatapos tumungga ng alak..

"Pwede ba? Hindi ako bakla!! Tsk!"..sabi ko then bigla naman siyang tumayo..lumapit sa'kin at umupo sa tabi ko....lalayo sana ako kaso bigla niyang hinawakan yung kamay ko...mahigpit yung hawak niya sa'kin...

"Anong ginagawa mo???"...sabi ko habang pilit kong inaalis yung kamay niya...

"Maupo ka lang kasi...wag kang mag-alala hindi pa 'ko tinatamaan, kaya hindi kita re-rape-in! Tsaka kahit lasing ako hinding-hindi kita pag-iinteresan no??!"...eh bakit daw hinihila mo ang kamay ko huh??? Magpapalusot ka pa sa kamanyakan mo!!

"Ano na naman ba kasing kailangan mo ha???"...sigaw ko..napatakip siya sa tainga niya..

"AHHH! Ba't ba palagi kang nakasigaw??? Nakalunok ka ba ng megaphone nung bata ka ha??"...bulyaw niya rin sa'kin...peste to ah???

"Bakit nga kasi tumatabi ka sa'kin ha???"..sigaw ko ulit...lalong humigpit yung hawak ni Bryle sa kamay ko..

"Alam mo ba kung ba't kita pinababa sa sasakyan nung gabing yun ha?? HA??"..sabi niya...he's serious this time...iba yung pananalita niya at yung mga tingin niya..

"Oo!! Para iwan ako dun at hayaang mapahamak!!"...sagot ko naman, bakit totoo naman ah?? di ba??

"Isa sa dahilan ko...kasi lasing ako...hindi ako makakapagmaneho ng safe habang kasama kita...baka maaksidente tayo...at pangalawa...baka maabutan tayo ng mga humahabol sa'kin...pagnagkataon pati ikaw damay!! Kaya instead na ihatid kita pauwi hinayaan kong umuwi ka mag-isa dahil alam kong mas magiging ligtas ka dahil hindi mo 'ko kasama!!"...nakatulala lang ako...

Yun pala yun? Tapos nagalit pa 'ko sa kanya ng sobra!? Ang babaw mo Madison! TSAKS!! ang sama ko... ang sama sama ko talaga!!!! Bakit ba ganun ka na lang kabilis magalit kay Bryle?

"Ano?? Wala kang masabi sa kabaitan ko no??"..sabi niya tapos tumayo na siya....kaya naman tumayo rin ako..

"Bakit ngayon mo sinasabi sa'kin ang lahat ng 'to??"...hinarap niya ulit ako then hinawakan sa braso..

"Para lang marealize mo MAD!! Na hindi ako ganun kasamang tao!! Hindi tulad ng inaakala at iniisip mo!!"...sabi niya sabay walk out...ako naman naiwang nakatingin lang sa kanya habang palayo siya..

Dapat pala hindi ko muna hinusgahan si Bryle...paano ako hihingi ng sorry sa taong hindi ko man lang binigyan ng chance na i-explain ang sarili niya sa'kin...?

"Hey Mad.."...napalingon ako sa likod ko....si VETINA!! tumakbo ako palapit sa kanya at inakap siya...O.A ba? well inakap ko siya hindi dahil sa namiss ko siya dahil nawawala siya kanina...inakap ko siya para i-comfort ang sarili ko..

"Oh? Ang drama mo ah?"...sabi niya then she hugged me back..ang higpit ng akapan namin...feeling ko may dinaramdam din di Vetina...feeling ko rin ginawa niya rin akong comforter...haha...feeling ko lang naman...ang sarap ng akapan namin ng bigla na lang kaming nagkauntugan dahil sabay kaming binatukan ni Sev..

"Tama na yan!! Ang aarte niyo!!"..sabi niya sabay snob samin ni Vasha!

"Aysus!! Naiinggit ka lang eh!!"..sabi ni Vasha sabay tapik kay Sev..

"Hinde no!!"..sabi niya then lalakad na sana siya palayo kaso hinila ko siya at inakap...

"HOY AKO DIN!!!"...sigaw ni Vasha sabay akap sa'min ni Sev....

Ano bang drama 'to? Saang chanel at ng mapanood ko nga!...pakiramdam ko tatlo kaming may problema...hindi lang namin masabi sa isa't isa dahil alam naming mabigat pareho ang mga problema namin..

"Hindi pa ba kayo matatapos diyan?"...napalingon kami kay Lian...selos lang?

"Hoy Vetina! Akapin mo rin kasi si Prince charming!"...sabay tulak ko kay Vasha palapit kay Lian..

"Baliw na babae!"...sabi ni Vasha tapos lumayo siya kay Lian..

"Ah? Ayaw mo?? sige akong aakap diyan!"...binatukan naman ako ni Sev..

"HOY MAD! Huwag kang lumandi sa harap ng kaibigan mo....prince charming niya yan okay?? Tandaan mo...hindi ikaw si Ciderella!"..sermon ni Sev...opo...alam ko naman I'm just joking!

"Punta lang ako sa tent...ituloy niyo lang yang kadramahan niyo.."...sabi ni Lian then umalis na siya...

Nagpasya kaming maglakad-lakad muna....time na namin 'to para mag-open sa isa't isa, gusto ko ring kausapin silang dalawa...

Umupo kami sa lilim ng puno..sa totoo lang palubog na ang araw..si Vasha sa right si Sev sa left ako naman sa gitna..

Tahimik sila kaya ako na lang magsisimula ng conversation..

"Hindi ko alam kung okay kayo...pero pakiramdam ko...tulad ko...hindi nga kayo okay.."..lumingon silang dalawa sa'kin..

"Hindi nga ako okay..."...sabi ni Sev sabay yuko..

"Ako rin....malungkot ako..."..sabi ni Vasha na nagtakip ng mukha...

Wow...pwede na pala akong manghula....hula-hula kayo diyan 50 pesos oh....bilis na....uy pambili rin ng Magnum yung 50 no? sa dalawang to? 100...dalawang magnum na yun oh di ba?? hahaha..

"Sige na...ano ba yang problem niyo ha?"..tanong ko sa dalawang sumisinghot na ng sipon...nag-iyakan na pala ang mga gaga..hindi ko napansin...busy ako sa magnum eh..

"Simple lang naman ang lahat noon...kaso bakit bigla ko siyang nakilala...naranasan kong magmahal...at ngayon siyempre nararanasan kong masaktan.."...sabi ni Sev habang umiiyak...

"HUH???? SINO NAMANG MAHAL MO SEV??"...sigaw ni Vasha...na nakasira ng emote moment ni Sev...napatakip kasi siya sa tainga imbes na pupunasan niya yung luha niya..

Kahit kailan talaga panira ng emote moment yang mga shocking style ni Vasha eh...napailing na lang ako...oo nga pala...hindi pa alam ni Vasha na gusto ni Sev si Kerwin..

"Kay Kerwin ako inlove okay??"..O_O??--> itsura ni Vasha..

"HUH??"...hindi makapaniwala niyang reaction ...

"Siyempre naman Vetina palagi silang magkasama nung tao...tsaka isa pa mabait at gentleman naman si Kerwin kaya hindi nakapagtatakang nahulog ang loob nitong pihikan nating kaibigan!"..ako na ang nagsalita..parang ayaw na kasing magsalita ni Sev dahil nga nainterrup na siya ng sigaw ni Vasha!

"HUMAYGHAD!!! Tutulungan kita!! Alam ko namang gusto ka rin ni Niceguy eh!"...wow? Ang tino ng sagot ni Vetina ah? Ngayon lang 'to ah...kinapa ko siya sa leeg at noo..

"Nakapagtataka? Wala siyang lagnat..."..napakunot noo si Vasha sabay kurot sa'kin..

"Hayan ka na naman eh!!"...sabi niya then tumingin na kami kay Sev...nakarinig kasi kami ng sniff...hindi pa pala siya tapos mag-emote....ipinagpatuloy pa rin niya ang pag-iyak...kaya kami ni Vetina hindi na nag-open ng problem...ngayon lang naman nagkaganito si Sevana...dati ako yung pinapatahan nila ni Vasha kapag nauubusan ako ng ticket ng Sale Band sa concert nila at kapag nasosold out agad ang Cd Albums nila in just 1 week...minsan pa tyagaan nila akong sasamahan para lang pumila at makabili ng posters at icons ng Sale Band...at naalala ko rin..parang kailan lang din Pinapakinggan namin yung kadramahan ni Vetina tungkol sa kuting niyang nawala..at kapag nauubusan siya ng pera kabibili ng kung anu-anong bagay na hindi niya naman nagagamit...tapos iiyak siya kapag wala na siyang perang pambili ng pagkain niya...

Ngayon...it's Sevana's time...kailangan niya kaming mga kaibigan niya para mawala ang sakit kahit pansamantala lang..

Kahit magkakaiba kami ng ugali...mahal namin ang isa't isa...at hindi ko sila iiwan kahit na tumanda na kami at magkaroon ng sariling mga pamilya..

CINDERELLA FOR SALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon