CHAPTER 47
VETINA'S POV
Back to normal na kaming lahat...back to school...back to gigs ang Sale Band every weekend...at ngayong gabi..wala pa si Lian...hindi na niya ako isinama sa gig dahil ilang araw na rin akong puyat...May long quiz kasi kaming mga namiss kaya sunud-sunod ang review namin...then hindi ko nga alam kung paano nagagawa ni Lian na magreview kung nagkakaroon siya ng gig.
Hay....tumingin ako sa wrist watch ko para i-check ang oras..it's already 12:03 in the morning..bakit kaya wala pa si Lian? Dati rati 11 nandito na siya...tsk...yung mga courtlords at courtladies nasa villa na... ang boring wala akong makausap...hindi naman ako makatulog kasi hindi ako napapakali hanggat wala si Frogprince ko..:D
Well nandito ako sa balcony...kahit nilalamig na 'ko ayaw ko pang pumasok...masarap ang simoy ng hangin...okay lang na magpuyat ako...1:00pm naman ang start ng klase namin bukas ni Lian...hihintayin ko na lang siya...sabi ni Mommy Eva, gawain ng isang mabuting babae ang hintayin ang asawa niya bago matulog...kaya naman nagpapakabuti ako hahaha...
Ang mahal kong Forgprince....anong oras kaya siya uuwi? Kapag meroon siya lagi kong sinasabi na hindi ako makahinga...pero kapag wala siya at malayo sa'kin...lagi ko siyang namimiss...haaaaaaaaaaayyyyyyyy pakipot ka kasi VETINA! hahaha...nagugustuhan ko na rin na tinatawag niya ko sa real name ko...VETINA!....madalas ko ngang ulit-ulitin sa harap ng mirror yung pangalan ko kapag namimiss ko siya eh..
"VETINA! MANAHIMIK KA NGA! ANG GULU-GULO MO!!"..sabi ko sabay batok sa ulo ko...HAIST!! ba't ba kasi ang tagal ni Lian...namimiss ko na siya ehhhhhh!!!!!
Inilabas ko yung phone ko mula sa bulsa ng short ko...tatawagan ko na kaya siya? Kasi naman!!! Dinial ko yung number niya,,,nagriring pero hindi niya naman sinasagot...TSK!
NAKAKAPIKON! Ba't di man lang niya ipinaalam na uumagahin siya?? Alam niya namang may loka-loka siyang asawa na naghihintay sa kanya! HAAAAAAAAAAAY!
"HOY! Ba't nandito ka? Ba't di ka pa tulog??"...napalingon ako kaagad sa likuran nung marinig ko yung boses niya...medyo pagalit yung tinig niya....anong problema niya?! Siya nga 'tong hindi umuwi ng maaga!
"IKAW! Bakit inumaga ka ha?? Dati naman ginagabi ka lang ng uwi...pero ngayon anong oras na...tsaka bakit namumula yang chicks mo? Yang mata mo rin...teka? Uminom ka ba ha? Inaya ka ni Bryle??"...binigyan niya lang ako ng poker face..
"Uminom ako..pero hindi ako lasing, sinamahan ko lang siya kasi problemado.."
"Hay naku! Wag mo nga akong pinaglololoko...kilala ko si Bryle...alcoholic yun..kahit wala yung problema iinom yun.."
"Hindi mo ganun kakilala ang mga kaibigan ko okay?"..sabi niya sabay simangot...psh! Bahala ka nga sa buhay mo!! naglakad na ako papunta sa kwarto..sumunod naman siya..
Diretso na sana ako sa kwarto ko kaso bigla niya akong pinigilan...humarang siya sa pinto..
"Anong problema mo??"..sabi ko sabay atras..baka kasi nag-uumpisa na naman ang kamanyakan niya...ang mga lalaki kung minsan ay hindi...madalas manyak kapag nakainom..
"Tutulugan mo ako?"...HUH? Anong tutulugan? Anong oras na kaya?? umaga na baliw ba siya?
"Inaantok na ako okay? Tabi na..."..itinulak ko siya pero hinawakan niya kaagad yung mga kamay ko..
"Vetina...tabi na lang tayo...ha?"...WHHHHAAAAAAAAAATTTT THEEE?
"HOY! Kung ano man yang kamanyakan na iniisip mo...hindi pwede..."...naggrin siya..
"Bakit hindi pwede ha? Asawa naman kita...bakit hindi??"...OMGOSH! Si Lian....parang hindi siya si Lian...ano bang iniisip niya???
"LIAN!!! Pag hindi ka tumigil magagalit talaga ako sayo!"...tumawa pa siya...nakakainis yung tawa niya...para siyang demonyo..

BINABASA MO ANG
CINDERELLA FOR SALE
RomanceIf fairy tales doesn't exist Is there still a happy ending? But What if you found true love? And felt the magic and happiness that you've been looking for so long... Are you going to start believing on fairy tales and start writing your own story an...