CHAPTER 12
Lian's POV
"Lian..hanggang ngayon ba...hindi mo pa matanggap na ikakasal ka na?"..Sabi ni Vetina..sa totoo lang..parang hindi na rin..bukod kasi kay Tennesse..wala na 'kong iba pang mamahalin..kaya siguradong tatanda akong mag-isa..pero kapag ikinasal ako kay Vetina..at least..may kasama akong tatanda..
"Alam mo ba? Last week lang..napakasimple pa ng buhay ko..parang last week lang nagbabike ako..tapos bigla na lang akong kamuntik mabunggo ng sasakyan..at papa mo pala ang driver nun..tinanong niya kung may kilala akong Vetina Ayesha Arcena..hindi niya alam na ako pala yun..pshh!"..Sabi niya sabay tingin sa'kin..hindi pa rin ako magsasalita makikinig na lang muna ako sa kwento niya.
"Pagkatapos ng araw na yun..nagbago na ang buhay ko..nakilala kita..at yung masasayang araw ko..bigla na lang napalitan ng lungkot..at pagkainis.."..Psh! Kailangan niya ba talagang ikwento sa harap ko ang tungkol diyan? Babaeng 'to talaga..hindi niya ba alam na nakakasakit na siya?
"Nakilala din ako ng buong bansa...ang bilis ng pangyayari..Hay...hindi na 'ko makakapagsorry kina Madison at sevana..nakakainis..tiyak na magagalit sa'kin yung mga yun..hindi ko man lang sila naimbita sa wedding day ko..Ano ba yan?!!Nakakainis.."..Sabi niya..tapos sumimangot siya..Ang cute niya talaga kapag sumisimangot siya..para siyang bata eh! Hindi ko ikakaila,napangiti niya talaga ako..sabi na nga ba..tama ang desisyon ko.
"Alam mo Lian..sana after ng annulment natin..kung sakaling magkita man tayo ulit..sana magngitian man lang tayo..at sana..handa akong makita ka pagkatapos nun..dati kasi..naisip ko na after annulment..magpapakalayu-layo na 'ko..Pero..ngumiti ka kasi kaya nagbago ang isip ko.."..Dahil lang sa ngiti ko kaya nagbago ang isip niya?..Ibang klase talaga 'tong babaeng 'to..parang walang kaproble-problema..buti pa siya..free siya na tumawa kung gusto niya..at kapag ngumingiti siya..napakagaan.
"Lian..siguro mahilig si Tennesse sa musics..pansin ko kasi tatahitahimik lang din siya sa campus tulad mo..kaya siguro gusto mo siya.."..Tama siya dun ah? Kilala niya na pala si Tennesse noon pa..sikat talaga si Tennesse..
"At ako..sobrang ingay ko..at tulad ng sabi mo..engot nga ako..kaya ka siguro ...ga---lit sa'--kin.."..Pahina ng pahina yung boses niya..patuloy pa rin ako sa pagbabasa..ba't kaya naisip niyang galit ako sa kanya?
"Hindi ako galit sa'yo..kaya burahin mo na yun sa isipan mo.."..Bigla na lang akong may narinig na snore..tiningnan ko si Vetina..Psh..tulog na..oo nga pala..inaantok siya kanina..Ang babaeng 'to talaga..nakakatuwa siya..binuhat ko siya papunta sa kwarto ko..first time na may babae akong patutulugin sa kama ko..pagkatapos nun..ako naman,umupo sa sofa ko..doon sa loob kwarto ko..habang natutulog si Vetina..hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya...napakainosente niya kahit natutulog siya..Kakaiba ang babaeng 'to..totoong ibang-iba siya sa'kin..pero hindi ako galit..ba't niya kaya talaga naisip na galit ako sa kanya? Napangiti niya nga ako eh..hindi ko alam kung ba't gustung-gusto kong inaaway siya..at kapag kasama ko siya..parang unti-unti..nararamdaman kong malaya din ako tulad niya.
After 1 hour..kailangan ko na siyang gisingin..we need to attend the rehearsal..para hindi siya magkamali mamaya..Umupo ako sa side nung kama at tinapik ko siya para gisingin..
"Vetina..gising na..malelate na tayo sa rehearsal.."
"Hmmmm"..sabi niya sabay unat ng mga kamay niya..
"Bilisan mo na..ayusin mo na ang sarili mo.."
"Lian..30 minutes pa..ha?Hindi kasi ako nakatulog ng maayos..mula kagabi..two hours lang ang tulog ko..kaya maawa ka na sa'kin.."..Sabi niya..nakakaawa naman siya..two hours? Hindi ko ata kaya yun..5 hours ang pinakamaikling tulog ko..

BINABASA MO ANG
CINDERELLA FOR SALE
RomanceIf fairy tales doesn't exist Is there still a happy ending? But What if you found true love? And felt the magic and happiness that you've been looking for so long... Are you going to start believing on fairy tales and start writing your own story an...