CHAPTER 36
Mad's POV
After kong maglakad-lakad umuwi na rin ako..masyado na kasing malamig ang simoy ng hangin sa labas..pagdating ko..may nakapark na SUV sa harap ng bahay..sino na naman kaya ang bisita ni mommy? Gabing-gabi na eh..
"Ma..andito na po ako.."
"Oh..andito na pala siya eh.."..Narinig kong sinabi ni mama sa kausap niya..
"Ma? Sino na naman ba yung bisita niyo? Gabi na..huwag na kayong mag-usap ng matagal.."
"Hindi naman ako ang dinadalaw anak..ikaw!"..Huh? Sino namang bibisita sa'kin ng ganitong oras??
"Sino ba yan??"..Ngumiti si Mama..
"Halika..puntahan mo na lang sa living room.."..Yeah..nasa hallway pa lang kasi kami..
"sino ba kasi yan? gabing-gabi na duma--"
"Hi..Madison.."..Psh!! Akala ko naman kung sino na..
"Anong ginagawa mo dito?"..pagtataray ko..
"Ano ka ba naman anak?? Naku handsome..huwag mo siyang pansinin..sige..iwan ko muna kayo..hoy..umayos ka ha??"..Psh! Si mama talaga!!
"Gabi na ah? Ba't nandito ka pa? At tsaka..paano mo nalaman ang address ko? Pati ano bang kailangan mo??"
"Ang dami mo namang tanong!!! Si Vetina ka ba??"
"Hindi!! Ano ba?? Ano ba kasing ginagawa mo dito? Anong sadya mo??"..Napakamot si Bryle sa ulo..
"Ang kulit mo naman eh! Pwede hinay-hinay lang sa pagtatanong??"
"Bakit nga kasi nandito ka??"
"Ano kasi..ahm..tinext kasi ako ni Lian..hindi raw mapakali si Vetina..hindi niya kasi alam yung nangyari.."
"So ikinwento mo pa talaga kay Lian??"
"Oo...masama ba?"
"Ang kapal naman pala talaga ng mukha mo no?? Porke hindi ikaw yung nadown--"
"Kaya nga nandito ako eh..para magsorry..hindi mo naman kasi sinasagot ang mga tawag ko..hindi ka rin nagrereply sa mga text ko..iniiwasan mo rin ako sa campus..kaya naisip kong magpunta na lang ako dito.."
"Sorry?? Sorry-hin mo mukha mo!!"..sabi ko sabay talikod..kaso bigla niya kong hinatak palabas ng bahay!!
"ANO BANG PROBLEMA MO!!??"..Nakasimangot ako at nakakunot naman ang mga noo niya..
"Anong problema ko??? IKAw!! Ikaw ang problema ko!!"..Ako??? HELLO??? ako nga 'tong namomroblema sa kanya eh!!
"Sige nga!! Paanong ako ang problema mo?? HA??"
"TSK! GRABE KA RIN PALA!! Mas malala ka pa kay Vetina!!"
"Pwede ba?? Huwag mong madamay-damay ang bestfriend ko!!"
"Pumunta ako dito para makipag-ayos!! Kaso ano?? binabalewala mo lang!!"
"Eh bakit?? Sinabi ko bang magpunta ka dito ha??"..Bigla na lang siyang tumawa,.yung dismayadong tawa..
"Ano nga ba naman kasi ang ginagawa ko dito?? Tsk! umaasa kasi akong magkakabati na tayo..kaso di pala..sorry..gago talaga ako.."..Sabi niya sabay alis..napakamahinahon niyang sinabi sa'kin lahat ng yun..bigla na lang may parang kung anong kumurot sa'kin..ba't nga ba nagmamatigas pa ko? Eh kasi naman..nakakainit siya ng ulo!!
Hay!!! Ano bang gagawin ko..nakakainis..nalilito na'ko niyan eh!!! Ano bang pwede kong gawin?? Nahihiya naman akong humingi ng tulong kina Sev at Vasha..isssss...iisssss.. bahala na si Lord sa'kin..
KINABUKASAN!!
Naglalakad ako sa hallway..hindi ko inaasahan na makakasabay ko si Kerwin sa pagpasok..nagkita lang naman kami sa hallway..wala siyang mga bodyguards ngayon kaya madali ko siyang nalapitan..
"Good morning..."..Walang kalatuy-latoy
"Good nga ba ang morning mo?"..ngumiti lang ako..pero weak lang..
"No..I'm just not feeling well.."
"Eh ba't ka pa pumasok kung masama pala pakiramdam mo?"
"Ahm...ano..boring kasi sa bahay eh.."
"Okay na ba kayo ni Bryle?"
"Ahm...hi-!!---"
"UY!!! Nakakainis ka...ba't di mo sinasagot ang mga tawag ko??"..Si Vetina..ang aga-aga ang ingay-ingay..
"Ano ka ba naman Vetina??!..Ang aga-aga nanggugulat ka!"
"Sorry..ikaw naman kasi!! Hindi mo ba naisip na nag-aalala ako sa'yo? Tapos hindi mo man lang nakuhang magparamdam!! Minsan tuloy naisip ko...wala lang ako sa inyo..!!"..Ito namang Bruhang to!! Tampururot!!
"Sorry na! Eh..masyado lang akong maraming iniisip..tsaka ayaw ko namang madamay kayo ni Sev sa problemang 'to! At tsaka---"
"HOY!!!"..Napalingon kaming tatlo sa left side..si Sev lang pala..
"SEV!!!"..Sigaw ni Vetina..halos mapatakip kami sa tainga ni Kerwin..
"Makasigaw ka naman te? Ang aga-aga.."..ngumiti lang si Vetina..minsan talaga gumagana ang kabaliwan niya..grabe!!
"HOY BRYLE!!"..Napalingon kaming lahat sa right..napatingin ako kay Bryle..dedma lang..hinatak niya si Kerwin then nauna na sila sa'min..
"Hindi pa rin ba kayo okay?"..Tanong ni Sev..
"Wow! Obvious naman di ba Sev??"..Napatingin kami kay Vetina..kinatok ko yung ulo niya..
"Wow!! Hindi na masyadong maingay!"...Bigla siyang sumimangot then nagwalk-out..
"Sus!! Nag-iinarte..tara na nga!!"..Sabay hila niya sa'kin at habol naman kay Vetina then inakbayan namin siya..buti na lang nandiyan pa ang friends ko..
Bukod sa family ko..silang dalawa lang ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko..sila ang isa sa mga dahilan kung ba't ako nagigising tuwing umaga..(Maingay sila ganun?)..At tsaka..kung wala sila..pakiramdam ko hindi ako sasaya sa bawat Oras at minutong lumilipas..My Friends..is my precious Treasure in the world..I love them both,lalo na si Vetina..kahit lagi ko siyang ineeklabu..siya lang ang nagtatanggol sa'kin noong mga bata pa kami..sobrang ipinagpapasalamat ko yung araw na nakilala namin siya ni Sevana..kahit na madalas siyang palpak..Hindi pa rin ako makukumpleto kung wala siya!
..Drama ko naman..as if mabibigyan ako ng award!! hahaha..XD!!
BINABASA MO ANG
CINDERELLA FOR SALE
RomanceIf fairy tales doesn't exist Is there still a happy ending? But What if you found true love? And felt the magic and happiness that you've been looking for so long... Are you going to start believing on fairy tales and start writing your own story an...