chapter 63

143 8 0
                                    

CHAPTER 63

VETINA'S POV

Iniisip ko kung anong ginagawa ni Lian sa bubong..kanina pa kasi siya dun.. ni ayaw niya kong palabasin sa kwarto..tsk..ano na naman kayang gimik niya?

Maya-maya pa may nagbukas ng pinto, napatayo ako kaagad mula sa pagkakaupo ko sa sofa..si Lian.. nakangiti..

"Oh? Ngiting-ngiti ka ata? Nakakita ka ba ng clown sa bubong huh?"..umiling siya tapos lumapit sa'kin..

"Saka lang magkaka-clown dun, kapag umakyat ka na Vetina..".. (__ __).. oo na nga lang..yan na naman po siya.. ang sarap niyang batukan!

"Ano bang gagawin natin sa bubong Lian?"..hinawakan niya yung kamay ko..

"Secret muna, huwag ka munang magtanong okay?"..I nodded..then nagpunta na kami sa bubong..pag-akyat ko nag-aabang ako ng something special pero wala namang kakaiba sa taas, so ano ba kasing naiisip ko? Heller? akala ko lang naman may mga candle lights then may Mesa at upuan..parang diner date! Oo nga naman! saan nga naman pala ilalagay ni Lian yung mga nasa imagination ko? eh hindi naman pwede sa bubong yun.. ayaw ko namang pareho kaming mahulog ni Lian no? mamaya hospital pa ang bagsak namin..

"Did you like it?"..Huh? did you like it? ano dawwwwwW???? wala naman palang effort tapos tatanungin ako kung nagustuhan ko?

"Huh? Nagustuhan ko ang alin?"..napayuko si Lian tapos tumingin ulit sa'kin..

"Slow ka pa rin talaga, that's why hindi kita nakikilala kapag nag-eenglish ka eh.."..(-__-) wow ah? sorry ah? hindi ko nga makita kung nasan yung effort mo eh no Lian??

"I get it.. siguro nag-eexpect ka ng kung ano dito sa taas no? Tsk.. excited ka masyado Vasha!"..O_O? Anong itinawag niya sa'kin? V-Vasha? Vasha ba yung dinig ko? eh di ba ayaw niya yung palayaw kong yun? sabi pa nga niya parang pangalan daw ng aso eh!

"Lian..tinawag mo ba ako sa palayaw ko?"..he nodded habang nakakunot yung noo niya..

"May...problem ba?"..napailing ako..

"Eh di ba ayaw mo sa palayaw ko? Sabi mo pa nga, parang pangalan ng aso eh.."

"Alam mo, kahit ano pang pangalan mo.. walang issue yun sa'kin..basta ang mahalaga..mahal kita..kung yang kaengotan mo nga tanggap na tanggap ko eh, pangalan pa kaya?".. -__- minsan talaga ewan ko kung kikiligin ako o maiinis ako sa mga sinasabi niya eh!

Umupo si Lian tapos hinila niya rin ako paupo..saka niya ako inakbayan..

"Eh ano bang gagawin natin dito huh?"..he smiled again..ano ba yan! Kanina pa ko clueless huh??

"Higa na lang tayo Vetina.."..sabi niya sabay higa..napakunot noo ako habang nakatingin sa kanya..then humiga na rin ako kasi yung ngiti niya parang magtatransform na sa simangot..

"Now..can you see it?"..nakatingin lang ako sa kanya..may sapi kaya siya? ano bang nakain niya? Kanina ko pa siya hindi nagegets, hindi ko tuloy alam kung lumevel-up lang yung talino niya oh sadyang bumobo lang ako ng sobra..

"Ikaw lang naman ang nakikita ko dito eh! kanina ka pa ah? pinagtitripan mo ba ako huh?"

"Alam mo, kaya inlove na inlove ako sa'yo eh, ikaw na talaga! Ikaw na talaga ang dahilan kung bakit pakiramdam ko sobrang talino ko Vetina.. Kung ako sa'yo, sa langit muna ako titingin, huwag mo kong masyadong pinagpapantasyahan okay? hindi ko naman binabawal na tumingin ka sa ibang magagandang nilalang ng Panginoon.."..WOW!!! GRABBBE!!! PIGILAN NIYO KO AT MASASAKAL KO 'TO!!! sa sobrang inis ko tumingin na lang ako sa kalangitan.. then bigla akong namangha...wwwwwwwwwwwwoooowww! ang ganda...ahehehe ito pala yung kanina niya pa sinasabi, ang daming bitwin sa langit..kanina lang ang lakas ng ulan eh, ngayon naglabasan na sila..

CINDERELLA FOR SALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon