One

15.3K 253 11
                                    


Tatawa-tawa si Brix habang karga-karga ang tatlong taong gulang na anak ni Shinrei at Zoey na si ShiRis.

Doipren kung tawagin siya nito, bulol pa ang cute na cute na bata sa pagbanggit ng boyfriend at natatawa siya dahil dito.

Kanina ay sinikmatan siya ni Zoey ng marinig ang anak. Hindi naman niya akalaing matatanim pala sa isip ng bata ang pangaral niya dito na piliin niya ang lalaking gugustuhin. Na dapat ay yung poprotektahan siya at mamahalin ng tunay. At dahil bata pa naman si ShiRis ay nakatuwaan nilang mag-ninong na siya na muna ang boyfriend nito.

Muntik pa siyang dagukan ni Shinrei dahil naririnig pala nito ang pinag-uusapan nila ng anak niya.

Kasalukuyan silang nagkakasiyahan dahil sa pormal na pagsasapubliko ng ikalawang isla ni Shinrei.

Masaya siya sa tagumpay na tinatamasa ng kaibigan. Maayos na ang buhay nito sa piling ni Zoey at ng kanilang panganay. At sa tuwing napapag-usapan nila ang isisilang na kambal ni Zoey ay kitang kitang at banaag sa mukha ni Shinrei ang hindi matatawarang saya.

Maski kay Iñigo ay mababasa ang kakuntentuhan sa buhay-may pamilya nito. Mahal na mahal ng kaibigan ang asawang si Anary at ang nag-iisa nilang anak na si Kyle.

Si Cyric ay seryoso na sa girlfriend na si Audrey. Ang loko-lokong kaibigan, ayun at napatino ng dalaga.

Habang si Marion? Dedicated pa rin sa trabaho bilang isang staff nurse sa provincial hospital ng lalawigan nila. Sa lovelife naman ay wala siyang maapuhap dito. Baka tatandang binata ang mokong.

Siya?

Napangisi si Brix. Ang Madriagang walang kaseryosohan sa babae.

Sa Manila siya nakabase dahil andoon ang trabaho niya. Kasama niya sa kompanya si Cyric na isa namang architect. Nasa iisang team lang din sila.

Wala pa sa hinagap niya ang magseryoso sa isang relasyon. Wala pa yung spark na gusto niyang maramdaman. Gaya ng kung paano ikwento ni Shinrei, Iñigo at Cyric ang nginig sa mga kalamnan ng mga ito sa tuwing nasa paligid lang ang mga asawa at kasintahan nila.

Palikero man siya sa paningin nilang lahat, lihim pa rin naman niyang nahihiling na makaramdam din siya ng tinatawag nilang "magic of being in love."

Yung tipong mapapaindak pa siya sa kanta ng Little Mix na "Touch".

"🎶 Just a touch of your love is enough to knock me off of my feet whole week🎶 Just a touch...."

Kanta pa ni Brix sa isip. Naging pamilyar sa kanya ang kanta nitong bakasyon niya sa kanila dahil sa madalas itong patugtugin ng kapatid niyang dalaga na si Rovie, bunsong babae nila ito at kasalukuyang nasa ikalawang taon ng kolehiyo. At proud siyang siya ang nag-papaaral dito. Time to give back 'ika nga nila.

"Ninong doipren...", hila ni ShiRis sa kwelyo niya na nagpabalik ng kanyang diwa sa kasalukuyan.

"Yes Riri?", baling na ngiti niya sa bata.

"Let's go swim!!", sigaw nito at itinaas pa ang mumunting mga braso sa ere.

"Later baby. Baka pagalitan na naman tayo ng mommy mo.", natatawa niyang saad kay ShiRis o Riri na siyang palayaw nito sa kanilang magkakaibigan.

"Um-mhie ninong doipren. Not mommy."

"Hahahahah ang kulit mo Riri. Pareho din lang yun.", sabi naman ni Brix at ginulo-gulo pa ang buhok ng bata na ikinasimangot nito.

Naglalakad-lakad sila sa dalampasigan ng may makakuha ng kanyang pansin.

Nababatobalaning pinagmasdan niya ang isang dalagang nakakahalina sa paningin niya.

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon