Forty-three

4.5K 124 48
                                    


Agad ang paglipad ng tingin ni Tammy sa nagsalita. "M-marcus..."

"Aba at may gustong maging superhero mo Miss.", ngisi ni Lan, ang lalaking may dalang baril sabay pameywang at hinawi pa ang jacket dahilan para muling sumungaw ang baril nito sa tagiliran.

Naningkit naman ang mga mata ni Marcus. "Leave her alone, you twerp!"

"Wag mo kaming ini-engles!", Daryll counter-attacked.

Nakakuha naman ng pagkakataon si Tammy ng bitawan siya ni Daryll. Agad niyang inapakan ng pagkalakas-lakas ang paa ni Lan saka mabilis na tumakbo at nagtago sa likod ni Marcus.

"Don't let them come near me!", puno ng awtoridad na utos niya kay Marcus na nagpataas ng isang kilay nito.

"I won't sunshine.", he smirked.

Nanlaki muli ang mga mata ni Tammy. Now its confirmed! Si Marcus nga ang nagpapadala sa kanya ng bulaklak.

"You-!"

"Later we'll talk. Let's get rid of these two as*holes first."

Wala namang magawa si Tammy kundi manahimik.

"Tapos na kayong mag-englesan?", naiiritang tanong ni Daryll.

"Ayoko ng gulo mga Pare. Lubayan niyo kami.", babala ni Marcus sa dalawa.

"Nauna kami kay Miss Maganda. Ikaw tong nakikigulo.", asik naman ni Lan.

"Aalis kayo o gusto niyo ng sakit ng katawan?", mabalasik ng tanong ni Marcus.

"Sa tingin mo masisindak mo kami?", maangas na saad naman ni Daryll.

Pumorma si Marcus. Nginisihan naman siya ng dalawa. "Run for help, sunshine.", utos ng binata kay Tammy.

"No! I mean..I can't leave you here alone."

"Run Tammy! Seek for help.", matigas na utos muli ni Marcus.

Atubili man ay nagmamadaling umalis doon ang dalaga. Lakad takbo ang ginawa at naghanap ng pwedeng hingan ng tulong.

.....

Hingal na bumalik si Tammy sa pinanggalingan kasama ang ilang security personnel ng mall.

Nanlaki ang mga mata niya ng makitang nakasandal sa pader si Marcus at may dugo sa bandang balikat. Nilinga niya muna ang paligid. Wala na ang dalawang humarang sa kanya. Agad niyang nilapitan ang binata na nakapikit at kandangiwi.

"Marcus!", yugyog ni Tammy sa kabilang balikat ng binata.

"You're back. Akala ko hindi ka na babalik.", sabi ng binata pagkamulat ng mga mata niya at makitang si Tammy iyon.

Hindi nagsalita ang dalaga. Inusisa ang sugat nito at sa nanlalaking mga mata ay napamura ito. "M-may tama ka ng baril!!"

"Okay lang ako. Daplis lang to. Malayo sa bituka.", nakuha pang ngumisi ng binata.

"Nagmayabang ka pa.", ngali-ngaling singhal ni Tammy. "Nasaan na yung dalawang halimaw?"

"They run after they shoot me.", he winced in pain as he moves.

Binalingan ni Tammy ang mga guards. "Can we review the CCTV footage po? Dapat managot ang mga lalaking yun!"

"Sige po ma'am. We will conduct our own investigation po. And irereport rin po namin ito sa awtoridad. You can also file a blotter sa precint po.", anang chief security.

"Okay po.", anang dalaga. "Can you stand up? We must go to the hospital. Manong patulong naman po."

Lumapit din ang isang guard at siyang tumulong kay Marcus para makatayo.

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon