Four

7.3K 179 7
                                    


"Pare...", sumamo ni Brix sa mga kaibigan. Nasa barn sila ngayon at naglalaro ng billiards. Humihingi siya ng idea kung paano niya uumpisahan ang panliligaw kay Tammy.

"Ano bang pinagpuputok ng butse mo? Kanina ka pa dyan di mapakali?", sita ni Iñigo.

"Inlab kasi...", pang-aasar ni Cyric.

"Really?", nangisi din si Iñigo.

"Tss...", ani Brix sabay buga ng hangin. Pomormang titira sa bola.

"Pag nagmintis yan hindi mo mapapasagot si Tammy.", buska pa ni Cyric.

Umirap lang si Brix at tumira.

Pasok!

Pomorma ulit saka muling umasinta.

Shoot!

Patuloy lang ito sa pagtira hanggang sa ang white ball na lang ang natitira sa mesa.

Napahalakhak naman doon si Cyric. "T*ng'na inlab nga ang gago."

"Shut the fcuk up dude!"

"Sino ang malas na babae?", tanong naman ni Iñigo.

"You wouldn't believe this pare. Si Tamra!"

"Who's Tamra?", tanong ni Marion na kapapasok lang mula sa kusina.

"Ang kinahihibangan ngayon ni Brixnelle.", ngisi muli ni Cyric.

"Tamra who?", tanong muli ni Iñigo.

"Shin's secretary's cousin.", sagot ni Cyric.

"Oh! The simple yet elegant looking girl?", manghang naisatinig ni Marion.

"Back off Mar!!", walang babalang sigaw ni Brix na nagpanganga sa tatlo.

Sabay na nagtawanan ang mga ito at nag-apiran pa.

"What the fcuk man?", tawang sita ni Marion.

Sinamaan ng tingin ni Brix ang tatlo.

"Hahahahah!", tawa ni Iñigo. "Maniniwala na ako sa karma. Remember? Sinabi mo dati na maniniwala ka lang na may ka-forever ka kung magkakatuluyan si Shinrei at Zoey?"

"Did I?", takang tanong ni Brix.

"Oh yeah?"

"Tsk! Tsk! Tsk!", iiling iling na turan ni Cyric at Marion.

"Pwede ba? Imbes asarin niyo ako. Bigyan niyo na lang ako ng idea paano liligawan si Tammy. Mukhang nasabihan na siya ni Jen na...", hindi maituloy-tuloy ni Brix ang sinasabi.

"Na babaero ka?", pagtatapos ni Marion.

Napasimangot naman doon si Brix.

"Kaya mo na yan dude.", sabi naman ni Iñigo.

"Eh kasi..", apela pa ni Brix.

"Wag mong sabihing natotorpe ka?!", nanlalaki ang mga matang saad ni Cyric.

"Kayat mo danog?!", amba pa ni Brix ng suntok sa kaibigan.

Napahalakhak ang tatlo at nag kanya kanyang pulasan pa.

Napakamot na lang ng noo si Brix.

.....

"Jen.... Jen.... Jen-jen...", kulit ni Brix kay Jen na nasa labas ng opisina ni Shinrei.

"Jusko naman sir Brix. Bakit ba ako ang kinukulit niyo?"

"Hihingin ko lang naman ang pahintulot na manligaw sa pinsan mo.", nguso ni Brix.

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon