Twenty-seven

4.8K 122 84
                                    


"Come on baby. Let's go to mommy.", yakag ni Brix sa nakahigang anak. Nagkakakawag ito ng marinig ang kanyang boses. "You miss mommy?"

Buong ingat na ibinangon niya ang anim na buwang anak saka hinalikan sa bumbunan. Isang buwan din itong nanatili sa loob ng incubator upang makompleto ang buwan nito.

"Let's go baby. Naghihintay na si mommy."

.....

"Kamusta ka na Ems?", bulong ni Brix ng makaupo siya sa damo. Tahimik namang nakaupo ang anak sa stroller at may nginangatngat na teether.

Huminga ng malalim si Brix bago sinindihan ang kandila. Saka niya inayos ang dala nilang bulaklak para kay Emilly.

Its been half a year mula ng tuluyang pumanaw si Emilly. Masakit oo dahil kahit papano ay natutunan na rin naman niyang pahalagahan ang dalaga. Ang ina ng anak niya.

Kung merun mang isang ipinagpapasalamat niya sa Diyos ngayon, iyon ay ang pagkakabuhay ng anak nila ni Emilly. Ang alaalang iniwan ng dalaga sa kanya.

He can still remember the night she passed away. Taranta siya noong lumabas ng ICU upang magtawag ng doktor at nurse.

Emilly flat-lined and the doctors tried very hard to revive her but failed. Because of losing too much blood, her system got an hypovolemic shock resulting to her death.

He got devastated. Again. Anong karma naman ang tumama sa kanya at nagkanda-leche leche ang buhay niya.

Sa pagpatol sa tukso, nawala ang pinakamamahal niyang babae. Pinagmalupitan si Emilly at ang ganti naman ng tadhana ay ang pagkawala nito.

Sinisi niya ang sarili niyang hindi niya lubusang naipadama kay Emilly ang pagtanggap niya dito. Naging huli na ang lahat para sa kanila.

Yumuko siya at binasa ang lapida.
"In loving memory of
Architect Emilly Araullo- Madriaga"

Yes. Desisyon niyang ikabit ang apelyido niya sa pangalan ng dalaga. Para kahit man lang doon ay maipakita niyang napamahal na kahit papano sa kanya ang ina ng kanyang anak.

As per his daughter, hindi na niya itinuloy ang plano niyang ipa-DNA ito. Dahil kahit pagbali-baliktarin niya ang mundo, hindi maikakailang sa kanya ang bata. Mas lamang kasi ang pagkakahawig nito sa kanya. Though merong facial expression itong si Emilly ang nagiging kamukha. Tuwang-tuwa ang mga magulang niya sa anak niya. Maging si Rovie ay gigil na gigil sa bata sa tuwing dumdalaw ang mga ito sa kanilang mag-ama o kung hindi man ay sa tuwing nasa Pangasinan sila ng anak.

His friends were able to pay them a visit too. But the girls are still civil towards him. He was just so glad na hindi naman damay ang anak niya sa galit ng mga ito sa kanya. Magiliw na nilaro-laro nila Zoey ang bata noong dumalaw ang mga ito sa bahay niya.

He's living on his own. Sila lang ng anak niya. May stay-out yaya ang baby na darating bago siya aalis papasok ng trabaho at uuwi naman pagkadating niya sa gabi.

Nagawa na rin niyang dalawin si lola Mina kasama ang anak. At nakahinga siya ng maluwag ng nasisiyahang binuhat ito ng matanda.

Kahit pahapyaw ay kinakamusta rin niya ang dating kasintahan kay lola Mina na sinasagot naman ng matanda ng "okay na siya apo. Wag ka ng mag-alala."

Ang hindi lang niya magawang itanong ay kung sino ang kasama ng dalaga sa litrato nito. Naduduwag siya. Parang hindi pa siya handang malaman ang totoo.

Nabaling ang tingin ni Brix sa anak ng umingit ito. Agad niyang hinalungkat ang dalang baby bag at pinadede ang anak. Nanahimik din naman agad ang bata at pinagtuunan na ng pansin ang dede nito.

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon