"Ang tanga mo Brix!!", gigil na sita ni Brix sa sarili. Paano ba naman kasi ay bigla na lang niyang naisiwalat kay Tammy ang pinagdadamdam niya.Hayun tuloy at pinaharurot niya ang sasakyan niya palayo sa dating kasintahan. "Nakakahiya!"
Anong mukha na ang ihaharap niya sa dalaga? Kaninong mukha ang hihiramin niya? Paano niya ngayon susunduin ang anak niya? Kung bakit ba naman kasi nagpadala siya sa bugso ng damdamin niya. Nakaka-urat! Sarap pektusan ng sarili niya.
Nagpaikot-ikot lang siya sa malapit kila Tammy habang nag-iisip ng gagawin. Kung hindi ba naman kasi siya isa't kalahating tukmol!
Maya-maya pa ay biglang nag-ring ang cellphone niya.
"Lola Swag calling..."
Nag-atubili pa siyang sagutin iyon. Itinabi niya ang sasakyan sa gilid ng daan.
"Hello 'lah?"
"Brix, aba'y nasaan ka na? Kanina pa nag-aantay 'tong anak mo. Ayaw kumain ng hindi ka kasalo.", agad na usisa ni Lola Mina.
"Eh lola..."
"Halika na rito at ng makakain na tayo.", ma-awtoridad na utos ng matanda at pinatayan na siya ng tawag.
"Pambihira!", himutok kaagad ni Brix. Kaya wala siyang mapagpipilian kundi ang magmaneho pabalik sa bahay nila Tamra. Hindi niya kasi kayang suwayin ang matanda. Para na ring tunay na lola niya ito.
.....
"Daddy!!", masayang salubong ni Caelia sa ama ng matanawang papasok na ito sa nakabukas na gate. Agad na tumakbo ang bata sa ama at nagpakarga.
"How's my baby?", malambing na tanong ni Brix at hinalikan pa sa pisngi si Caelia saka sininghot ang leeg ng anak. Napaulit pa siya sa pagsinghot. "Hmmm..amoy Tam-tam."
"Kikiliti ako daddy...", hagikhik naman ni Caelia at pinipigilan pa ang mukha ng ama.
"Kain na.", putol ni Lola Mina sa eksena ng mag-ama.
Binalingan ito ni Brix. "Magandang gabi 'lah.", sabay lapit at mano.
"Kaawaan ka.", ani Lola. "Tara na sa kusina. Nakapaghain na sila Tammy."
Sukat sa narinig ay nanlamig ang katawan ni Brix. "Eh...lola..t-tapos na kasi akong kumain."
"Eh di kumain ka ulit. Yang anak mo ayaw kumain pag hindi ka kasalo.", ulit ng matanda sa sinabi nito kanina.
Napakamot sa noo si Brix. Inayos ang pagkakakarga sa anak saka ito kinausap. "Bakit ayaw mong kumain baby?"
"Eh kasi dad, luto namin ni mommy iyon. Gusto kain ka din."
"Kayo lang dalawa?", naninigurong tanong ni Brix.
Tumango naman ang bata. "Pati si Tito Bebs."
"Tito what?!"
"Bebs po."
"Anak ng putspa!", mura ni Brix sa isip.
Muli niyang narinig ang pagtawag ni Lola Mina mula sa kusina kaya napipilitang naglakad papunta doon ang binata.
Pagsapit sa hapag ay halos ayaw niyang sayaran ng tingin ang tatlong taong nakaupo doon at halatang kanina pa naghihintay sa kanilang mag-ama.
Kita niya si Lola Mina sa kabisera. Sa kanan nito ay si Tammy katabi si Vinno. Iminuwestra ng matanda ang kaliwa nito kaya doon sila umupo ni Caelia.
Sa pag-upo niya ay napatapat siya kay Tammy kaya hindi niya maiwasang madaanan ito ng tingin. Napataas ang isang kilay niya ng makita ang ekspresyon nitong parang may sinusupil na ngiti. Naglalaro din ang kapilyahan sa mga mata. Nakita niyang siniko ni Vinno ang dalaga na nag-angat naman ng tingin. Halos manlaki ang mga mata ni Brix ng mag-flying kiss ang dating kasintahan sa katabi nitong binata.
Napakuyom siya ng mga kamao kasabay ng pag-iwas ng tingin.

BINABASA MO ANG
Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED
RomanceEngineer Brixnelle Alfonso Madriaga. Ang pinakamakulit at pinakapilyo sa kanilang magkakaibigan. Women for him just come and go. Katwiran niya, hindi pa dumarating ang babaeng seseryosohin at mamahalin niya ng tapat. Not until he met Safia Tamra Saa...