Thirty-seven

5K 175 97
                                    


"B-brix..."

"T-tam..."

Sabay nilang anas at napatingin pa sa kanilang mga kamay.

Saka nakukuryenteng naglayo sila.

"I-i'm sorry.", they both said in unison.

Kelan pa sila naging choir? Halos sabay sa lahat ng bagay.

"Ako na ang maghuhugas.", presinta muli ni Brix.

Umiling si Tammy habang nakatingin sa binata. "Ako na.", sabay ngiti saka idinugtong ng aangal pa sana si Brix. "Really it is okay. Puntahan mo na lang si Caelia."

"No. I wanted to help.", giit naman ng binata.

Nagkibit balikat na lang si Tammy at hinayaan si Brix sa gusto nito.

She watched him do the dishes and she can't help herself not to feel amazed. Ibang-iba na nga si Brix. Base sa nakikita niya ngayon ay parang gamay na gamay na ng dating kasintahan ang mga gawaing-bahay. Samantalang dati ay kanda-ngiwi pa ito pag pinagtitripan niyang paghugasin noon ng mga pinagkainan nila. Napabuntong hininga siya. Ganon ba talaga ang nagagawa ng pagkakaroon ng anak? O magandang influence si Emilly sa binata? Parang gusto niyang mapaungol ng protesta

"Staring is rude, Tam.", ani Brix ngunit nakayuko pa rin sa lababo at binabanlawan ang mga plato.

"I am not staring!", pakli naman ng dalaga.

"Really?", napangisi si Brix. At nag-angat ng tingin kay Tammy.

"Uh...yeah?", patanong na sagot naman ng isa na mas nagpataas ng ngisi ni Brix.

Pinagpatuloy ng binata ang paghuhugas. "Do you really wanted to come with us?"

"Hah?"

"Sa HK?"

"Ahh...ikaw. Baka gusto mong makabonding si Caelia na kayong mag-ama lang, ayos lang sa akin. Besides, I'm not a family naman."

"You are Caelia's mommy."

Tipid na ngumiti naman si Tammy. Napasandal sa kitchen counter at pinag-krus ang mga braso sa kanyang dibdib.

"Ang sa akin lang, baka pag-awayan niyo ni Vinno pag sumama ka."

"Bakit?"

"Anong bakit? Kung ako ang boyfriend mo hindi rin ako papayag na sumama ka sa amin!", nagsalubong ang mga kilay na turan ni Brix.

"Ang gulo mo kausap!", bulong ni Tammy sabay hugot ng malalim na hininga.

"What?"

"Wala. Tama ka nga. Baka pag-awayan pa namin.", naiiritang sagot ni Tammy. "Mukhang sanay ka naman na dito, puntahan ko na lang muna si Vin at baka kung anu-ano na ang iniisip nun.", binigyang-diin pa ang huling sinabi niya.

Ngunit ng mapatapat siya sa binata ay bigla na lang siya nitong hinablot. Kumakalabog ang dibdib na napahawak siya sa malapad na dibdib ng dating kasintahan. Napapagitnaan na siya ngayon ng binata at ng lababo. And it makes her feel uncomfortable at the moment.

Hindi na nakapagpigil si Brix at hinalikan na lang basta ang dalagang nanlalaki ang mga mata sa kabiglaan. Bahala na kung magalit ito o bugbugin siya pagkatapos. He just have to do this desperately. Kiss her savagely. Dahil kanina pa siya nadedemonyong gawin iyon. Napaungol siya ng maramdamang gumalaw din ang mga labi ni Tammy. Dancing to his rhythm.

"B-brix...w-what are you doing?", anas ni Tammy ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Pareho silang naghahabol ng hininga.

"Do you really have to do this?", matiim na tanong ni Brix. Humigpit pa ang hawak sa likod ni Tammy.

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon