Twenty-five

4.6K 128 73
                                    


Lumipas ang mga araw na mas naging maayos ang pagsasama ng dalawa. Kahit naguguluhan pa si Emilly dahil hindi naman nililinaw ni Brix ang kung anumang relasyon meron sila ay hindi na lang siya umimik. Nagpapasalamat na lang siya na kahit papano ay tanggap na ni Brix ang sitwasyon nila.

Hindi na rin naman siya umaasang pakakasalan siya nito. Dahil kahit naman pinapakisamahan siya ng maayos ay alam niyang si Tammy at si Tammy pa rin ang mahal ng lalaki.

.....

Flashback...

Tulala si Brix ng araw na iyon habang pinagmamasdan ang papalubog na araw sa Roxas Blvd. Paano ba siya napunta dito? Kagabi ay hindi niya napigilan ang sariling umiyak sa harap ni Emilly at maglabas ng sama ng loob. Masisiyahan na sana siya sa sinabi ng dalagang lalayo na ito, na hindi na igigiit ang bata sa kanya. Ngunit paano ba siya sasaya? Kung wala naman na si Tammy. Ayon sa lola niya ay sumama ito sa isang kaibigang sumakay ng barko. Tinanong nga niya sa matanda kung sino subalit nakalimutan ni lola Mina ang pangalan ng kaibigang tinutukoy nito. Ayaw ring magsalita ni Jofren at Shine kahit anong pilit niyang alamin mula sa mga ito kung saan patungo at sino ang kasama ni Tammy na umalis ng bansa.

Napahugot siya ng malalim na hininga at napapikit ng mariin. Wala na nga bang pag-asa ang sa kanila ni Tammy? Malamang. Heto na nga at umalis na ito. Muling nanikip ang dibdib ni Brix ng maalala ang pakiusap ng dating kasintahan na wag na niya itong guluhin. Na mag-focus na lang siya kay Emilly at sa magiging baby nila.

Magiging baby. Kahit may pagdududa ay may kung anong kasiyahan siyang nararamdaman sa t'wing nakikita niya ang umbok sa tiyan ni Emilly. Parang may humahaplos sa puso niya. Maybe, subconsciously, his inner self knew that it was his. His own child. His own blood and flesh. At kahit papano ay nakakaramdam siya ng kapanatagan doon.

Pagkauwi niya ay isang nakangiting Emilly ang nabungaran niyang naghihintay sa kanya. Ang saya nito na umaabot sa mga mata at hindi niya maiwasang hindi mahawaan ng aura nito kaya naman ng gabing iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nagsalo sila sa hapag.

Gumaan ang kung anumang bigat sa dibdib niya. Lalo na ng gabi ring iyon ay nag-usap sila nito tungkol sa mga nangyari sa pagitan nila. Nagkahingian ng tawad at nagpaliwanagan. Naging maayos din ang tulog niya ng gabing iyon. Ang kauna-unahang maayos na tulog magmula noong araw sana ng kasal niya.

Naging magkaibigan sila ni Emilly. Lumabas ang pagiging maalalahanin at malambing ng dalaga at hindi niya maiwasang maihalintulad ang dalaga kay Tammy. At dahil nga doon ay niyaya niya ang dalagang umuwi at magbakasyon ng Pangasinan na ikinatuwa nito.

Naging mainit ang pagtanggap ng pamilya niya sa dalaga. Though hindi man kasing lambing noong si Tammy ang iuwi niya ay wala naman siyang masasabing hindi maganda sa mga magulang. Kahit civil lang si Rovie kay Emilly dahil mas boto pa rin ito kay Tammy ay hindi naman pinakitaan ng kapatid niya ng masama ang dalaga.

Nakainuman at nakakwentuhan niya ang mga kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita dahil nakatuon ang atensyon niya kay Tammy.

Nagkaayos din sila ni Cyric. Nakakapagtaka ngang hindi man lang nila pinagkaabalahang kausapin ang isa't isa sa kabila ng katotohanang nasa iisang kompanya lamang sila.

Umuwi sila ng Manila na parehong panatag ang kalooban. But that's what he thought.

Isang araw ng Sabado, kagagaling lang niya sa isang site ng project niya ng wala sa loob na dumaan siya sa bahay ng dating kasintahan. Wala lang. Gusto lang niyang makita ang bahay. Dalawin si lola Mina. At makikibalita na rin kung kamusta na ang dalaga.

Nakangiting pinapasok siya ni lola Mina. Nahihiyang umupo siya sa sofa habang nagtungo naman ang matanda sa kusina upang kuhanan siya ng meryenda.

Ngunit hindi pa lamang siya nag-iinit sa kanyang kinauupuan ng may mahagip ang mga mata niya mula sa divider.

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon