Forty-five

4.5K 143 52
                                    


Dumiretso na ng uwi sina Brix, Tammy at Caelia matapos nilang unang maihatid si Cyric sa tinutuluyan nito. Napagkasunduan kasi nilang mag-isang taxi na lang tutal ay along the way naman ang bahay ni Cyric.

Pagsapit nga nila sa bahay ni Tammy ay hindi na agad magkandaugaga si Caelia sa paghalungkat sa bagahe ng ama. Hinayaan lang naman iyon ni Brix at mas pinagtuunan ng pansin ang dalagang tahimik na nakaupo sa tabi niya.

Isiniksik niya ang braso sa likod ni Tammy at ipinalibot sa bewang ng dalaga. Saka naglalambing na inihilig ang ulo sa leeg ng kasintahan.

"Mahal,.", bulong na saway ni Tammy.

"I miss you Mahal.", anas ni Brix at inamoy-amoy pa ang leeg ng dalaga na impit na ikinaungol naman ng isa.

Hindi nagpaawat si Brix at kinagat ang sensitibong parte sa leeg ni Tammy. He's about to put a kissmark on her lovely neck when Tammy tap his biceps to stop him. Nangingiting inilipat niya ang mga labi sa tenga naman ng dalaga na nagpanindig ng balahibo ni Tammy.

"B-brix!", she hissed.

Mabuti na lamang at nasa kusina si Lola Mina kundi ay naeskandalo na ito sa dalawa.

"Tigil Mahal.", awat pa ng dalaga.

"I miss you Tam.", anas muli ni Brix.

"Okay. I miss you too but it doesn't mean na kailangan papakin mo na ako dito habang nasa paligid lang ang anak mo.", naaaliw na sita ni Tammy sa kasintahan.

Natawa rin si Brix ngunit hindi naman umayos ng upo. Nanatiling nakasubsob sa leeg ng dalaga.

"Awat na. Ikaw din, sasakit ang puson mo.", ngisi ni Tammy.

He groaned and simply tuck her more closer to his body.

"Mii..", tili ni Caelia. "Look po si Elsa and Anna.", abot hanggang tengang ngiti ng bata habang pinapakita ang dalawang manyika mula sa isang sikat na pambatang pelikula.

Napaayos ng upo ang dalawa ngunit nananatiling magkadikit.

"Wow. Ang ganda nga.", ayon naman ni Tammy.

Lumapit ang bata sa kanila at nagpakalong sa ama. Nilipat ni Brix ang bisig sa balikat ni Tammy habang kalong ang anak.

"Thank you daddy. I love you po talaga!", saad ni Caelia sa ama at hinalikan sa lips si Brix.

"Anything for my princess!", sambit din ni Brix. "Walang hindi ako ibibigay sa'yo, makita lang kitang masaya.", saka pinatakan ng halik ang ulo ni Caelia na nilalaro-laro na ang bigay ng ama. Saka puno ng pagmamahal na muling binalingan si Tammy na tipid na nakangiti sa kanya. "And most importantly, to you Mahal. I love you so much Tammy."

"I love you too Brix.", Tammy answered sincerely. Siya naman ngayon ang humilig sa balikat ng binata at kontentong pinagmamasdan ang naglalarong si Caelia sa tabi nila.

.......

"Tao po! Tao po!"

Napataas ang mga kilay ni Brix ng marinig iyon mula sa gate ng bahay ng kasintahan.

Kasalukuyang naliligo si Tammy. Si Caelia ay nanonood. Si lola Mina naman ay nagsi-siesta na.

Lumabas siya ng bahay para silipin kung sino ang nagtatawag.

"Yes?"

"Ahm...si Ms. Tammy po?", anang delivery boy.

Agad nagsalubong ang kilay ni Brix ng makita ang hawak-hawak ng lalaki.

"Para kanino yan??"

"D-delivery po para kay M-ms. Tammy."

"Pinaglololoko mo ba ako??", mabalasik ng tanong ni Brix sa binata.

"H-hindi po.", sagot naman ng delivery boy. Umakto pang sinuri ang hawak na listahan. "Para po talaga to kay Ms. Tammy. At lagi nga po akong nagdedeliver sa kanya ng b-bulaklak."

"What?!", napataas ang boses doon ni Brix.

"Wag po kayong magalit boss. Napag-utusan lang po ako. P-pa receive na lang po.", anang delivery boy.

Halos mapunit ang papel sa pagpirma ni Brix at pahablot na kinuha ang bulaklak. Saka pabagsak ding isinara ang gate at nagpupuyos ang kaloobang naglakad pabalik sa loob ng bahay.

Malakas niyang isinalya sa center table ang bulaklak na halos ikasira pa nito.

"Wow. Flowers ulit.", saad ng walang muwang na si Caelia na lalong nagpataas ng presyon ni Brix.

"Ulit??", wala sa loob na napataas ang boses niya.

"P-po daddy? Galit ka po?", ani Caelia na kababakasan ng takot at pagkabigla.

Hinamig naman ni Brix ang sarili. "No baby. I'm sorry.", umupo siya sa tabi ng anak at binuhat pakalong sa kanya. "Sino ang nagbibigay ng flowers kay mommy?"

"Si Tito Marcus po.", bibo pang sagot ng bata na nagpasalubong na naman sa mga kilay ni Brix. Niloloko ba siya ng kasintahan? Nagpapaligaw pa ba ito habang may relasyon na sila?

"Marcus who?", pilit pinagmumukhang normal ni Brix ang boses.

"Friend po ni Mommy po."

"Friend pero may pabigay-bigay ng bulaklak?!", sigaw ng utak ni Brix.

"Sumakay po kami sa sasakyan ni Tito Marcus, daddy. Tapos nag-eat din po siya dito."

"Ano?!?!", napabulyaw na ng tuluyan ang binata.

"D-daddy...", gulat na gulat na naiiyak na saad ni Caelia.

Agad naman ang pagsisisi ni Brix. Hindi na niya napigilan ang galit at napagtaasan ng boses ang anak na never pa niyang nagagawa mula pa noon. Kaya hindi niya masisi ang bata kung umiyak man ito ngayon.

Pag si Tammy na kasi talaga ang pinag-uusapan ay nawawala siya sa sarili. Sa kanya lang ito. Lalo na ngayon na binabalak na niyang pakasalan muli ito.

Pero ngayong nalamang may umaaligid na ulupong sa dalaga ay para siyang bulkan na anumang oras ay pwedeng sumabog!

Nabubwiset siya sa kung sino mang Pontio Pilatong Marcus na ito.

"Marcus!", napatiim bagang siya. Hindi kaya? Napakuyom siya ng kanyang mga palad. Wag lang siyang magkamali ng hinala. Dahil hindi siya magdadalawang isip na patayin ito kung makataong tama nga siyang ang lalaking iyon ang umeepal sa kanila ng kasintahan.

Nakita niya ang bagong paligong Tammy na nakangiti pang bumababa sa hagdan. Ngiting agad na napalis ng makita ang hindi maipintang mukha niya at ang bulaklak na nasa lamesita.

"M-mahal...", bulong ni Tammy habang dahan-dahang lumalapit sa mag-ama.

"I guess, you have a lot of explaining to do Safia Tamra.", puno ng awtoridad na sambit ni Brix habang matalim ang mga matang nakatitig sa hindi na mapakaling dalaga.

"I-i will Brix.", ani Tammy at masuyong umupo sa tabi ng binata. "Wag agad mag-init ang ulo mo. Hear me first. Will you?", masuyo ring apela ng dalaga at humilig sa balikat ni Brix.

Pilit pinapakalma ni Brix ang nag-a-alburutong damdamin. He, of all people should be the one to fully trust his woman.

Tinitigan niya si Tammy saka nagpakawala ng malalim na hininga at marahang tumango.

Nakahinga naman ng maluwag si Tammy. Wala naman siyang kasalanan. Wala siyang balak itago iyon sa binata kaya wala siyang dapat na ikatakot. Umayos ng upo ang dalaga at hinalikan sa pisngi ang kasintahang hindi pa rin naaalis ang pagkakasalubong ng mga kilay.

....................................................................

A/N:

At dahil December(2017) na,
May update!😅

Ingat po tayong lahat na nasa Middle East, may air strike recently lang dito sa KSA.
Awa ng Diyos, me and my friends naman were fine.

Sana kayo din.😊

Yun lang. Happy reading po.

EDITED P.S.

Last five chapters na lang.
😊😊😊

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon