"Fcuk!", hindi mapigilang magmura ng mahina ni Brix ng makita si Tammy na nasa lounger. Tila siya pangangapusan ng hininga."Mommy!!", sigaw ni Caelia na hawak-hawak ni Brix. Humiwalay ito sa pagkakahawak ng ama at tumakbo palapit sa dalaga.
"Baby.", nakangiting bukas ng kamay naman ni Tammy upang salubungin ang bata.
"I miss you po.", salita ni Caelia ng makalapit kay Tammy at yumakap dito.
"I miss you too baby ko.", lambing din ng dalaga at hinalikan pa ang noo ni Caelia. "How's my baby?", tanong pa niya at hinawi ang buhok ng bata na nakatakip sa may noo nito.
"I am okay mommy. Thank you.", at nagsumiksik ulit sa katawan ni Tammy.
"Baby, wag masyadong makulit sa mommy.", rinig nilang saad ni Brix.
Sabay na tumingala ang dalawa sa lalaking nakahalukipkip sa tabi nila.
"It's okay, Brix. Hindi naman makulit si Caelia eh.", tipid na ngiti ni Tammy sa binata.
They agreed to be civil for the sake of Caelia. Mula ng mag-usap sila at nagkasundo silang maging ina siya ng bata ay nag-level up na ang samahan nila. Iniiwasan nilang magkaroon ng sagutan sa pagitan nila lalo na kung nakaharap si Caelia.
Ngunit hindi naging malinaw sa dalawa ang magiging relasyon nila sa harap ng bata. Hindi siya nagpaliwanag kay Brix kung sino ba talaga si Vinno sa buhay niya. Hindi na rin naman na nangulit pa ang binata. Pakiramdam nga niya wala itong pakialam sa kanya, at sa welfare lang ni Caelia ito nakatuon. Nakaramdam siya ng kirot, oo pero, ipinagpag na lamang niya iyon. Tutal bukal sa loob naman niya ang pumasok sa buhay ng mag-ama, pakunswelo na lang ang kaalamang single ngayon ang dating kasintahan.
Sa kadaldalan din ni Rovie ng minsang silang dalawa lang ang magkasama ay nasabi nitong walang naging babae, chicks o naging ka-flirt ang kuya Brix nito. Natatawa pa itong lumitanya na nakalimutan ata ni Brix ang mga salitang iyon sa bokabularyo nito at naka-focus na lang ang atensiyon sa anak.
Pagbalik nga nila ng hospital ni Brix ay masinsinan nilang kinausap ang bata.
Caelia seems to be delighted at the thought of having Tammy as her mommy. Sabi pa nga ng bata, "I am so happy. I have two mommies. One in heaven and one here beside me. Thank you daddy for giving me two mommies.", nasisiyahan pang saad nito.
Nagkamot ng noo si Brix. Bigla kasi siyang nahiya. Kung alam lang ng anak ang nangyari bakit ito nagkaroon ng dalawang ina.
While Tammy find it awkward on her part. Magpapatayo na yata siya ng sarili niyang rebulto dahil sa pinasok niyang sitwasyon. But deep inside her, she cant find any regrets. Maybe, just maybe, she would learn to totally accept Brix's child. Anak nito sa pagkakasala sa kanya.
Ipinilig ni Tammy ang ulo para matanggal ang agiw sa kanyang utak ng maalala ang insidenteng iyon. Nangyari na ang nangyari kaya dapat lang na wag ng balikan.
BINABASA MO ANG
Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED
RomanceEngineer Brixnelle Alfonso Madriaga. Ang pinakamakulit at pinakapilyo sa kanilang magkakaibigan. Women for him just come and go. Katwiran niya, hindi pa dumarating ang babaeng seseryosohin at mamahalin niya ng tapat. Not until he met Safia Tamra Saa...