Forty-two

4.6K 117 34
                                    


"Saan mo nakilala yun?", usisa ni Tammy kay Vinno pagkapasok nila ng bahay. Dumiretso sila ng sala at pabagsak na umupo sa sofa.

"Bakit, type mo?"

"Eww! Hindi noh!", salubong ang kilay na tugon ni Tammy. "I just find him so creepy."

"Ang laki nga ng pinagbago eh. Nakilala ko si Marcus nung college. Schoolmate at ka-dorm mate ko pa."

Biglang natawa si Tammy. "Mate-mate lang pala! Kung makapakilalang ex, wagas!"

"Tse! Giterang to!", singhal ni Vinno sa dalaga. "Pero, in fairness bebs...kahit may Papa B ka na, wala pa ring kupas ang kagandahan mo. Kaya gustong-gusto kitang kasama gumimik eh, meron at merong ti-table sa ating guwash (guapo)."

"Yan tayo eh."

"'to naman! Di ka na mabiro. Pero seryoso, iba ka tignan ni Marcus."

"Kaya nga nagyaya na ako umuwi kanina. Eh ang landi mo pumayag ka pang magpahatid!"

"Halla. Magpasalamat ka pa nga at hindi na tayo nahirapang kumuha ng taksi! Iniiwan na kasi sa'tin ni Brix yung sasakyan niya umayaw ka pa. Di sana may gagamitin tayo pag lumalarga."

"Ayoko nga. Takot akong mag-drive!"

"Arte!"

"Tagal na!", patol naman ni Tammy saka tumayo at tumungo ng kusina. "Gusto mong tubig?", tanong niya sa kaibigan.

"Nope. Shower na ako. Nanlalagkit na ang katawang-lupa ko."

"Fine."

.....

Kinabukasan ay may hindi inaasahang matanggap na regalo si Tammy.

"Delivery po para kay Ms. Tammy.", anang delivery boy ng pagbuksan ng gate.

"Hah?"

"Kayo po ba si Ms. Tammy?"

"O-oo ako nga."

Ngumiti ang delivery boy saka may inabot na bouquet. "Flowers po para sa inyo."

"K-kanino galing?", atubiling tanggapin iyon ni Tammy.

"Hindi po sinabi pero may card pong kasama.", salita ng boy habang pinapasa ang bulaklak sa dalaga. "Pa-sign na lang po dito Ma'am."

Wala namang nagawa si Tammy kundi tanggapin iyon at pumirma. Mabilis ding napaalam ang boy. Nangungunot ang noong iniinspeksyon ni Tammy ang bouquet. Nang masilip ang card ay agad niya itong binunot at binasa.

"I hope this flowers will put smiles on your face. Have a good day, sunshine!
-M"

"M?", bulong ni Tammy sa sarili. "Hindi kaya...?"

"Uy...bongga. Flowers! Ang sweet talaga ni Papa B! Kahit nasa Dubai pinapadalhan ka ng bulaklak!", ngisi ni Vinno ng makita ang kaibigang may tangan-tangang bulaklak.

"Hindi sa kanya galing.", mahinang sagot ni Tammy.

"Weh? Eh kanino? May admirer ka??"

"A certain M is the culprit."

"M? Sinong M??"

"Sino ba sa tingin mo?"

"S-si M-marcus?!", nanlalaki ang mga matang bulalas ni Vinno.

"Hinala ko lang.", kibit-balikat na saad ni Tammy. Saka padarag na ibinaba ang bulaklak sa center table saka iniabot kay Vinno ang card.

Malakas na binasa ni Vinno ang mensahe saka napapalatak. "My gosh! Na-in love ata sayo bebs!"

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon