Thirty-three

4.8K 144 62
                                    


Sandaling natigilan si Brix sa pagsayaw sa anak ng marinig ang sinabi ni Tammy sa kanyang likuran.

Dahan-dahan siyang pumihit paharap sa dalaga. Nagdadalawang-isip kung talaga bang narinig niya ang pagpayag nitong maging ina kay Caelia o guni-guni lang niya yun.

"A-anong sabi mo?"

"Payag na ako...", Tammy firmly said. Determination is evident in her eyes.

Tumiim ang titig ni Brix sa dalaga. May kung anong naglalaro sa isipan niya na hindi niya sinasang-ayunan. Why all of a sudden she agreed to what he wanted. Sinapo ng kanang kamay niya ang likod ng ulo ng anak at mahigpit na niyakap ang bata na para bang pinoproteksyunan ito sa kung anumang delubyong parating. And at the same time, he hugged his daughter tightly to regain his strength. He kissed Caelia's cheek and whispered.

"Are you okay now, baby?"

Tumango naman ang bata.

"May gusto ka bang kainin? Bibili si daddy."

Nag-angat ng katawan si Caelia at tumitig sa ama. Saka tipid na ngumiti. "Peach mango pie daddy please?", malambing na ungot nito.

Napangiti din ng maluwag si Brix. Gumaan ng kaunti ang pakiramdam. Its her favorite dessert. And by requesting that food means she's slowly getting back in shape. Wala kasi itong ganang kumain ng mga nakaraang araw kaya naman natutuwa siyang nagrerequest na ito ng paboritong pagkain.

Muling pinatakan ng halik ni Brix sa noo ang anak. "Okay. Peach mango pie for my baby coming up.", ngiti pa niya. "Lalabas lang muna si daddy okay? Si lola muna ang magbabantay sa'yo ha?"

"Okay po daddy.", tango pa ng bata. At nilapag na ni Brix ang anak sa kama. Inayos ang pagkakahiga saka kinumutan ang ibabang bahagi ng katawan. "Sama po si...si...", hindi alam kung ano ang itatawag ni Caelia sa dalagang kanina pa tulalang nanonood sa kanila.

Lumingon din si Brix sa gawi ni Tammy. Kita rin niyang nakamasid lang ang dating kasintahan sa kanilang mag-ama. Ibinalik ni Brix ang tingin sa anak at ginulo ang buhok. "Yes baby. Mag-uusap lang kami tapos pagbalik ko may peach mango pie ka na."

"Gusto ko po, three daddy hah?", sabay pakita pa ng bilang ng tatlo sa daliri nito.

"Of course baby. Kahit five pa.", akto rin ni Brix sa bilang sa kamay. Humagikhik tuloy ang batang waring nakabawi ng lakas mula sa panginginig kanina. "Kiss na si daddy.", sabay nguso pa ni Brix.

Sinapo naman ng mumunting mga kamay ni Caelia ang magkabilang pisngi ng ama saka ito hinalikan sa mga labi.

Natutuwang pinagkiskis din ni Brix ang ilong nila ng anak.

.....

Hindi naman mapigilan ni Tammy ang sarili sa panonood sa mag-ama. Naluluha siya sa mga nakikita niya. She can see right under her nose that her ex-fiancee is indeed a good father to his daughter.

Kita at ramdam niya ang naguumapaw na pagmamahal ni Brix sa bata. Napaisip tuloy siya. Kung natuloy kaya ang kasal nila, may anak na kaya silang dalawa ngayon? Ganito din kaya mahalin ni Brix ang magiging anak sana nila? Parang bigla siyang nakaramdam ng inggit. Ng selos. Ng panghihinayang.

Nag-iwas siya ng tingin ng halikan ni Caelia ang ama. Hindi na niya yata kayang makita ang paglalambingan ng dalawa.

"Can we talk outside?", rinig niyang yaya ni Brix sa kanya. Ganun ba kalalim ang iniisip niya at hindi niya namalayan ang paglapit nito?

Tinignan niya ang binata. Pagkatapos matitigan ay ang batang nakatingin din sa kanya naman ang binalingan niya ng pansin. Napalunok pa siya. Para kasi niyang nakikita ang maliit na Brix, girl version nga lang. Tipid niyang nginitian si Caelia saka muling tinignan si Brix at tinanguan ito.

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon