Forty-six

4.7K 138 26
                                    


"Kiss mo muna ako?", birong ungot ni Tammy sa kasintahan na sambakul pa rin ang pagmumukha nito.

"Parental Guidance Mahal.", pa-supladong sabi naman ni Brix.

"Ang sungit mo naman.", nangingiting saad ng dalaga na ikinairita naman lalo ni Brix kaya marahas na nilingon ang dalaga sa tabi niya na nakahawak sa likod ng ulo niya at nilalaro-laro ang kanyang buhok na may kasama pang pagmasahe sa kanyang anit.

"Fine. Sorry na.", may kapilyahan pa ring sambit ng dalaga. Saka umayos ng upo at yumakap sa braso ni Brix. "Remember nung lumabas kami ni Vinno? Nung bday niya."

"Uh-hmm?"

"Doon ko unang nakilala si Marcus. It happened na long lost friend pala siya ni Vinno."

"Bakit umabot sa puntong may pabulaklak pa ang g*go?"

"Bunganga mo Mahal.", pinandilatan ni Tammy ang kasintahan. Isinenyas ang batang nakakandong pa rin sa ama. Kandahaba ang ngusong bumuntong hininga si Brix. "Hindi ko alam bakit nagpapadala siya ng bulaklak. In the first place sinabi ko ng committed na ako sa iyo. But still, ayaw niyang tumigil."

Napatiim-bagang doon si Brix.

"I also invited him here for lunch.", pagpapatuloy ni Tammy.

"Why??"

"He saved me. Hinatid ko di ba si Vinno sa airport, dumaan ako ng mall. Tapos may dalawang lalaking humarang sa akin sa parking lot. They are already dragging me to their car when Marcus came in."

"Wow huh? Of all people siya pa talaga? Hindi kaya sinusundan ka ng putragis na yan?"

"Mahal!", muling saway ng dalaga. "Co-incidence lang siguro na nasa vicinity siya. He saved me. He got shot. So as a sign of gratitude, imbes na sa labas kami mag-lunch, mas safe na dito na lang di ba?"

Hindi agad nagsalita si Brix. "What happened sa dalawang humarang sayo?

"Uhm...nagpa-blotter kami. But Marcus told me na wag ko na yun problemahin, baka ika-stress ko pa daw. Pumayag na ako since siya naman ang nabaril."

Muling napatikom ng bibig si Brix. Nag-iisip ng malalim. "Do you have any pictures of him?"

"Wala Mahal. Why? At tsaka bakit ko naman siya kukunan ng picture??"

"I just wanted to see him."

"Wala akong picture niya. Though, matangkad siya. Gwapo rin naman..."

"You find him what?!", balikwas pa ni Brix na muntik ikalaglag ng anak.

"Dii...hulog ako po!", reklamo ni Caelia sa ama.

"Mahal naman..", ani naman ni Tammy at nakihawak din kai Caelia.

Ibinaba ni Brix ang anak. "Mag-play ka muna baby."

Tumalima naman agad ang bata. Lumapit nga lang sa bulaklak at kinalikot ito.

"Gwapo pala huh?", naiinis na turan ng binata.

"Siyempre mas pogi ka.", tudyo naman ni Tammy. Kahit nakakapikon ang ugaling iyon ni Brix ay susubukan niyang wag itong sabayan.

Napasimangot naman lalo si Brix.

"Wag ka ng pabebe dyan Mahal. Hindi rin naman ako komportable sa kanya. Buti nga bulaklak lang ang nagpapakita dito at hindi siya."

"What do you mean?"

"Kasi...pag tumititig siya, parang may something sa kanya. Weird and creepy."

Napaisip naman ulit doon si Brix. May hinala na siya sa pagkatao ng Marcus na iyon. Kailangan na lang niyang makasiguro.

"Mii! May sulat po ulit oh?", sabay wagayway ni Caelia sa card na nasa bulaklak. Lumapit ang bata sa dalawa at iniabot iyon.

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon