Fifty

8.8K 207 75
                                    

A/N;

Sorry for the late update.☺
3,631 words.
Isa lang masasabi ko,
Kalma lang.😅
Yown lang.
Sleep na ako. Alas dos na ng madaling araw.
Enjoy reading.😘

------------------------------------------------------------

Maaliwalas ang mukha ni Tammy habang paakyat sa kwarto kung saan kasalukuyang nasa loob at naglalaro ang kanyang mag-aama.

Nangingiti pa siya habang dahan-dahang binubuksan ang pinto. Ipinasok lamang niya ang kanyang ulo para silipin kung ano na ang ginagawa ng mga ito.

Mas napangiti siya ng maluwang at pumasok na ng tuluyan. Isinandal ang katawan sa hamba at pinag-krus ang mga braso sa dibdib.

She's silently watching them with tears pooling in her eyes as they were peacefully sleeping in the bed.

She's silently watching them with tears pooling in her eyes as they were peacefully sleeping in the bed

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakayakap si Caelia sa leeg ng ama habang nakaunan sa braso ni Brix. Nasa ibabaw naman ng katawan ni Brix ang anak nilang si Zach na nakikita niyang nakanganga pa habang tulog.

Yes! Brix and Tammy already had a child. In fact, they will celebrate their son's first b-day next month. Their beloved Zachary Alfonso Saavedra Madriaga. Obviously, his second name came from Brix's.

Saka niya sinulyapan si Caelia. At nasambit sa isipan ang buong pangalan ng bata. "Caelia Tamara Madriaga".

Ang tagal na niyang kasama ang mag-ama ngunit kailan lang ng malaman niya ang buong pangalan ng bata. Noong inusisa niya si Brix kung bakit Tamara ay masuyong ngumiti ang lalaki sa kanya at sinabing, "I intentionally named her after you, I can't get you out of my system Mahal na hindi ko mapigilang araw-araw nagdarasal na sana bumalik ka na sa akin."

Natatandaan pa niyang napanganga siya noon sa paliwanag ng kasintahan. Nahampas pa nga niya at sininghalan kasi pakiramdam niya nabastos nito ang alaala ni Emilly na siyang tunay na ina ni Caelia. Which reminds her of Marcus's sentiments.

Tahimik siyang lumapit sa paanan ng kama. She is thanking the Lord God for this kind of scenery. At natitiyak niyang hindi siya magsasawang pagmasdan ang ganitong tanawin sa buong buhay niya. At nananalanging sana hindi muna magsilaki si Caelia at Zach. Nag-eenjoy pa siya sa pag-aalaga sa kanyang mga anak, na nakadepende pa rin ang mga ito sa kanya.

Marahan siyang sumampa sa higaan at tumabi ng higa sa kanyang asawa. Buong pagmamahal na sumiksik siya sa gawi ni Zach at nakiyakap sa leeg ni Brix. Slowly closing her eyes while a sweet smile plastered on her lips as she joined her family to sleep.

Sa pagkakadaiti niya kay Brix ay parang isang pelikula na nag-rewind ang mga nangyari sa kanila na para bang kahapon lang iyon naganap.

Napahinga siya ng malalim. Its been a year and a half since that horrible scene happened.

Flashback...

Tunog ng sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ni Tammy. Kasabay nun ay ang pagbagsak ni Brix, ang pagluwag ng kapit sa kanya ni Marcus at ang pagkawala ng kanyang malay.

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon