Twenty-three

4.6K 122 98
                                    


"Kamusta ka na?", tanong ni Iñigo sa kaibigang si Brix. Nasa barn sila ngayon dahil biglaang napadalaw ang binata sa kanilang mag-asawa. Si Anary ay nasa bahay nila kasama ang anak nilang si Kyle. Isang simpleng tango lang ang naging pagbati ng misis niya kay Brix. Halatang may sama ng loob pa rin ito sa nangyari noong kasal.

"I'm fine. Never been better.", buntong hininga ni Brix saka tinunga ang bote ng alak.

"Shinrei and Marion will be here later. Tinawagan ko kanina."

Tumango lang naman si Brix. Its been a long time since he talked to his friends. Huling kita niya sa mga ito ay noong nasa hospital sila. Naging abala siya sa pagsuyo kay Tammy sa mga nakalipas na buwan. At sinubsob ang sarili sa trabaho para makalimot kasabay pa ng pag-asikaso niya kay Emilly.

"N-nasaan si Emilly?"

"Nasa bahay.", simpleng sagot ni Brix. Kasama niya itong umuwi ng Pangasinan. Maayos na ang naging pagsasama nila mula noong huling nalasing siya at umiyak sa harap nito. Kinabukasan nun ay muli silang nag-usap. Humingi siya ng tawad sa dalaga at ganon din ito sa kanya. They both agreed to be friends. To make amends. Para makatulog silang pareho ng maayos. Hindi man sagad pero at least, nabawasan sila ng iniisip.

And starting that day, nag iba ang atmospera sa loob ng bahay niya. Parang gumaan at naging maaliwalas. Nakakapag-usap na sila ng dalaga ng hindi niya inaangilan o binubulyawan. Nagkukwentuhan na rin na para bang matagal na silang magkaibigan. Lagi na rin silang sabay kumain. Dati kasi ay hindi. Lagi siyang nauuna. Hinahayaang pagsilbihan ni Emilly at ni hindi aluking saluhan siya. Pag natatapos siyang kumain ay tatayo na siya at aalis sa hapag, ni hindi niya pinagkakaabalahang tanungin kung kumain na ito o hindi pa. That made him more guilty now.

At unti-unti rin, nakikilala niya at nakikita ang totoong Emilly. Mabait ngang talaga ito. Malambing at maaalalahanin. Lagi rin siyang pinababaunan ng lunch niya. Natatawa pa nga siya noong una at inasar pang hindi na siya bata ngunit na-guilty naman siya agad ng biglang naging malamlam ang mga mata nito na animo ay iiyak. Kaya kinuha na lang niya ang lunch box saka hinalikan sa pisngi bilang pasasalamat na ikinagulat pa nilang pareho.

Unang beses kasing mangyari iyon. Nakatulala lang ang dalaga noon sa kanya habang siya ay muling nagpaalam na aalis na. Ni hindi siya nakahingi ng paumanhin.

Magmula nga noon ay naging ugali na niya ang halikan ito sa pisngi sa tuwing aalis siya at darating mula sa trabaho.

Minsan ngang nagkakwentuhan sila isang gabing matapos silang kumain, nasabi ng dalaga sa kanya na nagsisisi na siyang siya ang napili nitong bigyan ng halik noong gabing may mangyari sa kanila.

"Why did you even do that in the first place?", tanong ni Brix habang umaayos ng pagkakaupo.

Napangiti naman si Emilly sabay kibit balikat. "I dunno. Maybe becoz out of all the men out there, sa iyo ako mas malapit."

"Bakit ako? Bakit hindi si Cyric? Si Rod?"

"May pagkasaltik yun si Cyric. Baka jombagin pa ako nun. Si Rod? Hahah Really? Closet queen kaya yun!", Emilly exclaimed.

Natawa din si Brix.

"While you,..well, siguro nga attracted ako sa iyo that time kaya ikaw napili ko. Mabait ka kasi. Kung magpasuyo ka pa sa office, ang lambing mo mag-utos. I know, natural na sa iyo yun. I've heard, certified playboy ka dati. Kayo ni Cyric."

Napangiti lang doon si Brix.

"Kaya nga nagsisisi ako. Sana hindi na lang ikaw. Di sana...sana pareho tayong wala dito ngayon. I...I'm sorry.", nakayukong saad ni Emilly.

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon