Sixteen

4.3K 105 30
                                    


"Bes!! I'm so excited na sa araw ng kasal mo.", tumitiling sambit ni Shine.

"Hindi halata bes.", pang-aasar naman ni Jofren.

Kasalukuyan silang nasa garden sa harap ng bahay nila Tammy at inaayos ang imbitasyon sa kasal.

Ilang linggo na lang at ikakasal na sina Tammy at Brix. Nakakaramdam man ng pagkasabik si Tammy ay hindi din niya maiwasang makaramdam ng kaba, ng takot, ng pag-aalinlangan.

Lalo na pag sumasagi sa isip niya ang mga sinabi ni Emilly noong sinadya siya niyo sa paaralang pinagtuturuan. Paano kung totoong magkakaanak na ito sa magiging asawa niya? Matatanggap kaya niya? Tatanggapin ba niya ang bata? Na magkakaroon siya ng kahati? Pero teka. Maaatim ba niyang agawan ng ama ang batang walang kamuwang-muwang?

Pero paano kung nagsisinungaling din si Emilly at gusto lang pikutin ang kasintahan niya? Na sa simula pa lang pala ay may gusto na talaga ito kay Brix?

"Argh! Mababaliw na ako kakaisip!", himutok ni Tammy sa isipan. Ano ba kasi dapat ang tamang gawin niya?

Napatingin siya sa dalawang matalik na kaibigan at tipid na ngumiti.

"Aii...anong meron?", nakakunot-noong tanong ni Shine.

Nagtatanong ang mga matang tinignan ni Tammy ang kaibigan.

"Oo nga? Bakit, parang hindi ka masaya bes?", usisa naman ni Jofren.

"Para kang nasa kalawakan.", pansin pa ni Shine.

Napailing naman si Tamra at napipilitang ngumiti ng matamis. "Wedding jitters, perhaps?", ani Tammy.

"Ooohhh...", dweto naman ng dalawa.

"Normal lang daw ang makaramdam ng ganyan bes.", saad ni Jofren.

"Oo nga. Tsaka ano ka ba. Ano bang ikinakakaba mo eh wala namang tumututol sa kasal niyo di ba? Just enjoy every single moment bes. Ilang araw na lang at matatali ka na kay Engr., hindi na lang ikaw ang magdedesisyon, lagi ng may kahati ka sa lahat ng bagay.", mahabamg saad ni Shine.

Napatango na lang si Tammy sa kaibigan.

Kung alam lang ng mga ito kung ano ang nasa isip niya. Ngunit ayaw na kasi niyang mag-alala pa ang mga ito. Pinili din naman niyang pagkatiwalaan ang mga sinabi ni Brix sa kanya. Isa pa, hindi na rin bumalik pa si Emilly para guluhin siya. Lihim siyang nagtataka ngunit naisip at kinumbinsi din niya ang sarili niyang mas maganda ng hindi na ito nagpaparamdam. Mas napapanatag siya. O nga ba?

Napahugot siya ng malalim na hininga saka sumandal sa upuan at pumikit. Silently praying that everything will run smoothly.

.....

Wedding Day...

Pinagpapawisan ng malamig si Brix habang nakatayo sa may bungad ng simbahan at hinihintay ang pagdating ng kanyang mapapangasawa.

Sa wakas ay maitatali na niya ito sa kanya. Ng walang aberya.

Kinausap na niya si Emilly. Sinabi niya ditong hindi niya tatalikuran ang dinadala nito. He will let her child use his surname and expect his financial support as long as mapatunayan niyang kanya nga ang bata. Gusto niyang ipa-DNA test ito pagkalabas.

They had a lot of arguments. Dahil siyempre ayaw ni Emilly ng ganung set up. Pero nakiusap na siya sa babae. Pakiusap na may halong pagbabanta. He left her with no choice but to agree.

"Brix! Pwesto na andiyan na ang bride!", rinig ni Brix na sigaw ni Skylar sa kanya na nagpabalik naman sa kanyang huwisyo.

Napakamot pa siya sa ulo habang pumupwesto sa unahan para maumpisahan na ang pagmamartsa.
Kinakabahan kasi siya. Ganito ba talaga ang ikakasal?

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon