Nanlamig ang katawan ni Tammy sa batang sumalubong sa kanya. Ang nakakagimbal pa ay tinawag siyang..."Who are you??", iritable niyang tanong sa batang nakatingala sa kanya at parang gusto pang magpayakap.
"H-hindi mo po ako kilala mommy?", nakalabi at anumang sandali ay papalahaw na ng iyak ang bata.
"No.", walang alinlangang sagot naman ng dalaga. "Where's my lola?", nagpalinga-linga siya. "Lola!! Lola Mina are you here??"
"Tam...Tammy??", mulagat na tanong ni Lola Mina ng lumabas siya sa kusina. Napalunok pa siya ng malakas ng makita ang batang nakayakap pa rin sa mga binti ng apo. "Hindi mo sinabing uuwi ka.
G-ginulat mo ako.", saad pa ng matanda at lumapit sa apo saka ito niyakap ng mahigpit. "Na-miss kita apo.", naluluha at napasinghot pa siya.Gumanti naman ng yakap si Tammy. "I miss you too, 'lah. Gusto sana kitang sorpresahin kaso ako ata ang nasorpresa sa sumalubong sa akin.", saka muling niyuko ang batang nakatingala pa rin sa kanya ngunit tahimik ng inaagusan ng luha ang mga pisngi.
Tumikhim si Lola Mina at hinarap ang bata. "Caelia, apo, doon ka muna sa kwarto ni lola. Mag-uusap lang kami ng...ng m-mommy mo."
Napasinghap ng malakas si Tammy. "What?!"
Nagpapaunawang tinignan naman ni lola Mina si Tammy. "Sige na Caelia.", muling untag sa bata.
Umiiyak na yumakap si Caelia sa lola. Iyak ng may kasama pang pag-sigok. "Ayaw sa akin ni mommy. Ayaw sa akin lola. Ayaw..."
Hindi naman makapagsalita ang matanda. Inalo-alo ang bata at hinagod ang likod nito.
Hindi niya ito napahinudhod na pumasok ng kwarto kaya kinalong niya ang bata at umupo sila sa sofa habang pinapatahan ito sa pag-iyak.
Nanatiling nakatayo si Tamra malapit sa pinto at pinapanood lang ang lola at ang bata. Kailan pa siya nagkaroon ng anak?!
Umiyak lang ng umiyak ang bata hanggang sa siguro ay napagod kaya kusa ng pumikit ang mga mata at nakatulog. Inayos ni Lola ang bata sa sofa bago hinarap ang apo.
"Sino ang batang yan lola?", naiirita pa ring tanong ni Tammy. Nasa kusina sila ng matanda. "At bakit niya ako tinatawag na mommy?!"
"Huminahon ka nga muna Tam-tam.", pakiusap ng matanda.
"Lola?! Paano ako hihinahon kung ang sasalubong sa akin eh ganitong eksena? The last time that I checked, hindi pa ako ina!"
Napabuntong hininga ang matanda. Bakit ba naman kasi at bigla-biglang sumusulpot ang kanyang apo.
"Lola??", muling untag ni Tammy sa kanyang lola ng makitang nakatitig lang ito sa kanya habang siya ay palakad-lakad sa harap nito at nakapameywang pa.
"A-anak ni Brix."
Para namang nabingi si Tammy at napatigil sa paglalakad. "Anak nino?!"
"Matanda lang ako apo hindi pa ako bingi."
Napaharap si Tammy sa ref at kumuha ng pitsel ng tubig. Nagdadabog na kumuha ng baso at nagsalin saka inisang lagok.
"Paano nangyaring anak niya at ako ang tinatawag na mommy ngayon?! Asan ang talipandas na lalaking iyan? Nasaan ang ina ng bata? Si Emilly??", tuloy-tuloy na tanong ng dalaga.
"Makabubuti sigurong kayo na lang ni Brix ang mag-usap. Susunduin niya ang bata mamayang gabi pagkagaling sa trabaho."
"Bakit iniiwan sa inyo yang anak niya??"
"Nagkaroon ng emergency yung yaya ng bata kaya nakiusap na kung pwede dito na muna si Caelia."
"Nagpapakapagod kayo sa hindi niyo naman kaanu-ano.", walang pakundangang salita ni Tammy sa abuela.
Namamanghang napanganga si Lola Mina sa apo. Kelan pa ito naging matigas sa isang bata? Sa pagkakatanda niya ay mahilig ang apo sa mga bata. Kahit mga hindi kaanu-ano ay magiliw ito basta sa mga bata.
"Don't look at me like that Lola."
"What happened to you?"
Naguguluhang tumingin naman si Tammy sa matanda.
"You've changed!", tila disappointed na iling pa ni Lola Mina.
"Of course lahat nagbabago lola. Isa na ako doon. Hindi na ako ang dating Tammy na niloloko at pinagmumukhang tanga.", tigas na saad naman ni Tammy.
Nakaramdam ng panlulumo at awa si Lola Mina para sa apo. Nakatulong ba o nakasama ang pagpapakalayo-layo ng apo?
.......
"Andito na ako.", masayang bungad ni Brix ng makapasok sa bahay ng dating kasintahan. Ngunit agad ding nag-alala ng makita ang anak na mugtong-mugto ang mga mata at pulang-pula ang ilong. "What's wrong baby?", agad na lumapit si Brix sa anak at kinalong ito saka niyakap-yakap.
"M-mommy...", utal na saad ni Caelia at nag-umpisa na namang umiyak ng walang ingay.
"Ssshhh...okay lang yan baby. Napanaginipan mo ba si mommy? Namimiss mo na naman ba siya?"
Umiling lang ang bata. Kaya nagtatanong ang mga matang tinignan niya si Lola Mina na tahimik na nakamasid sa kanilang mag-ama.
"She's back.", simpleng sabi nito saka tumingala sa taas ng bahay.
Agad ang pagbangon ng kaba sa dibdib ni Brix ng sundan ang tingin ng matanda. At anong bait naman ng kapalaran at sakto ring bumungad ang bulto ng babaeng pinananabikan niyang makita sa matagal na panahon.
Puno ng galit ang mga mata ni Tammy habang nakatitig sa dating kasintahan ng pababa na siya ng hagdan. Tumigil siya ng nasa unang baitang na siya.
Napatayo naman si Brix habang kalong pa rin ang anak.
"T-tam..."
"Caelia, halika na muna kay lola. Mag-uusap muna sila daddy.", kuha ni Lola Mina sa bata. Walang salitang sumama ang bata sa lola habang buong pananabik na tumingin kay Tammy. Ngunit takot itong lumapit sa dalaga.
Nang makaalis ang dalawa sa sala ay lumapit si Tammy ngunit pinanatili ang distansya sa dating nobyo.
"Anong kabalbalan ang pinagsasasabi mo sa anak mo Mr. Madriaga? Kung wala kang magawa sa buhay mo ay wag mo akong idinadamay sa walang kwentang kalokohan mo!", galit na litanya niya sa binata.
Samantalang si Brix ay parang tanga lang na nakamasid sa dalaga. "I...I miss you Mahal.", nababato-balaning saad niya sa dating kasintahan.
"What?! G*go ka ba?! You must be kidding me you fcukin' asshole!", galit na bulyaw na ng tuluyan ni Tammy.
Napangiwi pa si Brix. Ipinagkakanulo siya ng sarili. Sino ba naman kasi ang hindi mawawala sa sarili kung makikita mo ang babaeng pinakamamahal mo. Ang babaeng hanggang ngayon ay nagpapabilis ng tibok ng puso niya. But wait... tama ba ang narinig niya? Nagmura ito??
.......................................................................
A/N:
RheaLanne0
Jofren_16
1vinno6
Eto na update mga spoiled beshies!Pwede bang umapelang isang linggong wala UD?😂😂😂
Hahahah siyempre biro lamang...
Takot ko lang sainyo. Tsaka gusto ko ring matapos muna to bago ako makauwi ng Pinas.☺Pero wala munang aapela.
Nagpoprotesta na mga bulate ko!😅Silipin niyo si Tammy...ang bagong Tammy sa taas...☝☝☝
Edited P.S.
Magandang gabi mga beshy😜

BINABASA MO ANG
Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED
RomansaEngineer Brixnelle Alfonso Madriaga. Ang pinakamakulit at pinakapilyo sa kanilang magkakaibigan. Women for him just come and go. Katwiran niya, hindi pa dumarating ang babaeng seseryosohin at mamahalin niya ng tapat. Not until he met Safia Tamra Saa...