Twenty-six

4.4K 114 39
                                    


"Fcuk! Emilly!!", sigaw ni Brix ng makita ang pagbagsak ng walang malay na si Emilly. Lalo siyang nanghina ng makitang inaagusan ng dugo ang ulo at ang pagitan ng mga binti nito.

"Fcuk! Fcuk! No Ems!", patakbong lumapit si Brix sa nakahandusay na dalaga at agad na pinangko bago sinigawan ang tulalang si Marcus. "Fcuk! You idiot! Move!! And drive us to the nearest hospital, stupid cow!!", sikmat pa ni Brix dito.

Agad isinampa ni Brix si Emilly sa passenger's seat habang nagmamadali namang nagtungo si Marcus sa unahang bahagi ng sasakyan at mabilis na pinasibad ang kotse.

.....

"Anong nangyari??", halos sabay na dumating si Peejay at Cyric na kasama ang nobyang si Audrey.

Pinukol ng masamang tingin ni Brix sa Marcus. "Ask that as*hole!"

Hindi naman umimik si Marcus at parang nasa state of shock pa rin.

Magtatanong pa sana muli si Peejay ng lumabas ang doktor mula sa E.R.

"Sino ang kasama ng pasyente?"

"Ako po.", lapit agad ni Brix.

"The case of the patient could be fatal. I am afraid you have to choose kung sino sa kanila ang ililigtas sa bingit ng kamatayan."

"What?! No! Save them both!!", nangngangalit ang bagang na sigaw ni Brix.

"We will try our very best sir. Pakipirmahan na lang po ito.", sabay abot ng papel.

"What is this?!", init ulong singhal pa rin ni Brix.

"Consent form sir. We have to perform Emergency C.S. kung hindi lalong manganganib ang mag-ina.", imporma naman ng doktor.

"Please. Save them both.", pagmamakaawa ni Brix. Inabot ang ballpen mula sa nurse na katabi lang ng doktor saka pinirmahan ang papel.

"Pray sir. And we will do the rest. Though I am not giving you false hope.", yun lang at muli ng umalis ang doktor.

Maya-maya pa ay kita na nila ang nagmamadaling kilos ng bawat isa sa medical team para ilipat ng O.R. si Emilly.

Sumunod din sila Brix sa mga ito. Ngunit hinarangan na sila sa pinto papasok ng Operating Room.

"Pray, man.", tapik ni Cyric sa kaibigan bilang pakikisimpatya sa nangyari.

Tango lang ang naisagot ni Brix. Napayuko siya sa sarili at namangha pang makitang puno ng dugo ang kanyang damit. Emilly's blood. Ngunit wala siyang pakialam doon. Hanggang mapadako ang tingin niya kay Marcus na nakasandal sa pader at tulala pa rin sa kawalan.

Nilapitan ito ni Brix at marahas na kwinelyuhan. "Hayup ka! Ikaw ang gumawa nun sa kanya! Umalis ka dito. Mapapatay kita kung may mangyari sa mag-ina ko!"

"Dude. Relax. Walang magagawa yan sa ngayon.", pigil ni Cyric sa binata.

"Brix...", awat din ni Peejay at Audrey.

"You know I didn't mean to do it!", mahinahong saad ni Marcus.

Pabalibag na binitawan ni Brix si Marcus na hindi naman lumaban.

"Get the hell out of here!!", bulyaw ni Brix sa binata.

"Marcus, sige na. Umalis ka na muna.", pakiusap naman ni Peejay.

Walang salitang naglakad palayo si Marcus sa kanila.

"Hayup!!", galit na wika ni Brix at nasuntok pa ang pader sa sobrang galit.

"Tsk! Dude!", awat muli ni Cyric.

Sumalampak sa sahig si Brix at tahimik na nagdasal para sa mag-ina. He's still furious. And shocked. Alam niyang sa dami ng dugo na kanyang nakita kanina, malamang talaga ay manganib si Emilly at ang baby nila.

"Please Lord. Save them both. I promise to devote myself to them just please don't take them away from me. I had already lost the love of my life. Huwag naman po ang mag-ina ko ang kunin mo ngayon sa akin. Please.", piping dasal ni Brix.

"Emilly is a fighter Brix. Malalagpasan niya ito. Sila ni baby.", pagbibigay pag-asa ni Peejay.

"Bili lang kami ng kape.", sabi naman ni Cyric saka niyaya si Audrey.

......

Lumipas pa ang mga oras at ibinalita ng isang nurse na nasa NICU na ang baby at pwede ng silipin doon. Naka-incubator ito dahil nasa walong buwan pa lamang ito sa sinapupunan ni Emilly.

Baby lang. Dahil muling pumasok sa loob ang nurse na walang sinasabing ano tungkol kay Emilly na labis na ikinabahala ng mga nag-aantay sa labas.

Ayaw umalis ni Brix sa kinaroroonan dahil baka daw biglang lumabas ang doktor at wala siya. Si Audrey at Peejay ay nagpunta ng NICU para tignan ang sanggol. While Cyric, nagkusa na itong tumawag sa mga magulang ni Brix upang ipaalam ang nangyari dahil kahit nakakausap nila si Brix ay halatang windang pa rin ito.

Hours had passed and still no update from the OR. Dumating na ang mga magulang ni Brix ngunit wala pa ring balita mula sa loob.

Makalipas pa ang isang oras ng lumabas na ang doktor na nag-opera kay Emilly.

"She's stable now but still in critical condition. Nagkaroon ng blood clot sa kanyang ulo. That results to her being in comatose state as of the moment. I can't tell if she will wake up soon or..."

"Don't doc! Don't ever say it! Magigising siya! Hindi niya kami pwedeng iwan ng anak namin!", agad na sansala ni Brix. Tinapik ni Arnaldo ang balikat ng anak upang pakalmahin ito.

"I'm a doctor but I still do believe in the power of our God from up above. Only He could tell what would happen next.", saad ng doktor. "You can now see her in the ICU. One person at a time lang ang pwede."

"Salamat po doc.", ani Anggie.

.....

"Ems...don't leave me please.", mahinang saad ni Brix. Nakayukyok siya sa higaan ni Emilly na may kung anu-anong tubo ang nakakabit sa katawan. Hawak niya rin ang palad nito ng mahigpit. "Ayaw ko pang tignan si baby. Gusto ko sabay natin siyang sisilipin. Tapos, alam ko pag-aagawan na naman natin ang bawat facial features ni baby. Just like how we dwell on buying her things before. Yes Ems, babae ang anak natin. Wala pa akong naiisip na pangalan. Gusto ko ikaw ang magpangalan sa kanya kasi, why not right? You deserve it. Ikaw ang nagdala sa kanya habang nabubuo siya. Ikaw ang naghirap kaya tama lang na ikaw ang magpangalan kay baby. Basta akin ang apelyido.", natawa siya ng mahina kahit may mga luha sa mga mata. Suminghot pa siya bago nilagay ang palad ni Emilly sa pisngi niya. "Come back to me Ems. To us. Fight for me and for our baby. Promise I will make you happy once you wake up. So please.", hinalikan niya ang likod ng palad ng dalaga saka muling nilapag ito habang mahigpit pa rin siyang nakakapit sa dalaga. "Babawi ako Ems. Even if I know na I made you happy this past few months. Alam ko kulang pa yon."

"I will give you the proposal that you deserve. The wedding that I know you have been dreaming of. I will make you my Mrs. Madriaga now. So wake up, dear love. Wake up, future Mrs. Emilly Araullo-Madriaga.", bukal sa loob na saad ni Brix.

Pagkasabi niya iyon ay halos mapaangat siya sa kinauupuan ng maramdamang gumalaw ang kamay ni Emilly. Kasunod nun ang pagtunog ng aparatong nakakabit kay Emilly.

"Ems!!"

-----------------

.....................................................................

A/N:

Akala ko lalabas na si Tammy.
Hindi kinaya pala.😅
Next chapter na lang.
Pramesing!😁

(When you see it, you'll get it)

Babush!😍😘

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon