Thirty

4.9K 163 96
                                    


Hindi nga naulit na iwan ni Brix ang anak kay Lola Mina sa mga sumunod na araw.

Sa halip ay iniuwi niya ang anak sa mga magulang at pinakiusapan ang mga itong sila muna ang mag-alaga sa bata dahil nasa kalagitnaan siya ng proyekto ngayon.

Malugod namang sumang-ayon sina Arnaldo at Anggie. Tuwang-tuwa pa kahit si Rovie. Ngunit halata kay Caelia ang biglang pagiging matamlay nito.

Kahit ayaw mang iwan ni Brix ang anak ay wala namang titingin sa bata habang siya ay nasa trabaho. Nangako na lang siya kay Caelia na pag natapos na ang kanyang ginagawa ay ipapasyal niya ito sa Hongkong Disneyland na matagal ng iniuungot ng anak.

At nagpapasalamat siyang kahit papaano ay bumalik ang sigla nito kaya maluwag ang loob na lumuwas siya ng Maynila.

Ngunit ganon na lang ang pag-aalala niya ng makalipas ang tatlong araw ay makatanggap ang binata ng tawag mula sa ina na isinugod sa hospital ang anak dahil sa inatake na naman ito ng sakit.

"Diyos ko. Wag niyo pong pababayaan ang anak ko.", dalangin ng binatang ama.

Hindi niya kakayaning maulit ang nangyari sa anak noong magdadalawang taon pa lamang ito.

Mataas noon ang lagnat ni Caelia. At halos hindi siya makatulog kakabantay sa anak. Hating-gabi ng bigla na lang mag-seizure ang bata, tumirik ang mga mata at mangitim ang mga labi sabay walang lakas na bigla na lang napayukyok sa pagkakayakap niya sa anak.

Tarantang isinugod niya si Caelia sa hospital sa kalagitnaan ng gabi. At kahit madaling araw ay napaluwas ang mga magulang dahil sa tawag niya.

Suspected Bacterial Meningitis ang sabi ng doktor na tumingin kay Caelia. Kaya naman abot langit ang dasal nila Brix na sana ay gumaling ang anak.

Sinabihan sila ng doktor na nati-trigger ang seizure activities ng bata sa tuwing ito ay lalagnatin. Ibinawal ang matatamis na pagkain sa anak. Bawal magpagod. At kung anu-ano pang bilin ng doktor na ipinangako naman ni Brix na susundin lahat ng iyon.

Nakahinga ng matiwasay si Brix ng magising si Caelia. Ngunit agad namang natigilan ng ang unang mamutawi sa bibig ng anak ay ang salitang ninais niyang wag ng marinig sa bata.

"I want my mommy! Where's my mommy! Mommy!! Mommy!!"

And him as a loving father doesn't want to inflict heartache to his only daughter. Ayaw niyang malaman nitong wala ng ina ang anak niya. Na patay na ito mula pa man ng isilang si Caelia.

Ngunit bago pa niya gawin ang naiisip niyang solusyon ay tinawagan muna niya si Lola Mina ipinaalam ang sitwasyon ng anak at humingi ng permiso na ipakilalang ina si Tammy.

Bantulot sa una si Lola Mina. Hindi sang-ayun dahil alam naman nitong ayaw na ng apo ang magkaroon ng anumang koneksyon kay Brix. Ngunit napa-oo siya ng dalawin nila ni Shine ang bata sa hospital at mismong sa harap nila ay bigla na lang mangisay si Caelia habang hinahanap sa daddy nito ang ina at walang maisagot si Brix.

Maging si Shine na lantarang humihindi sa plano ni Brix ay mismong nag-udyok na na ipakita ang larawan ng kaibigan sa bata.

Sino ba ang hindi sasang-ayon kung sa harap mo ay may batang nanginginig at tumitirik ang mga mata na pakiramdam mo anumang oras ay bigla na lang hindi hihinga.

Kaya naman ng umayos ang lagay ng bata ay ipinakilala ni Brix si Tammy bilang mommy nito.

Kaya naman ng umayos ang lagay ng bata ay ipinakilala ni Brix si Tammy bilang mommy nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang ganda-ganda naman po ni mommy daddy. At ang pogi niyo po.", natutuwang saad pa noon ni Caelia ng ibigay ni Brix ang larawan nila ni Tammy noong magkasintahan pa lamang sila.

At magmula nga noon ay naging masigla ang bata. Hinahanap niya ang ina ngunit ang sabi na lamang ni Brix ay nasa ibang bansa at nagtatrabaho. Mabuti na lamang at hindi na nangulit pa ang anak at nagkasya na lamang na laging kinakausap ang larawan ng inaakalang ina.

At ngayon, sa nalamang inatake na naman ang anak ng sakit nito ay halos lumuwa na ang puso niya mula sa dibdib sa lakas ng tibok nito.

At kung hindi pa siya tinapik ni Cyric na kanina pa pala salita ng salita sa harap niya ay hindi pa niya maiisipang huminga.

"Bahala ka na muna dito Pare. Nasa hospital si Caelia. Uuwi ako sa atin.", tarantang saad ni Brix sa kaibigan.

"Sasama ako.", suhestyon ni Cyric.

"Hindi na. Ayos lang ako."

"Sa tingin mo makakapag-drive ka ng maayos niyan? Nanginginig ka dude."

At doon nga lang napansin ni Brix ang mga kamay na nanginginig na sa pag-aalala. Pawisan na rin ang noo at hindi na makapag-focus sa dapat gawin.

"Lika na. Mag-log out na tayo. Tatawagan ko rin si Audrey na hindi ako makakauwi ngayon at sasamahan kita."

Nagpatianod na lang si Brix sa gusto ng kaibigan. Ilang sandali pa nga ay binabaybay na nila ang NLEX pauwi ng Pangasinan.

.....

"Ma! Ma! What happened?", alalang bungad ni Brix ng makapasok sa kwarto ng anak.

"Kahapon pa siya nilalagnat. Okay pa naman siya kanina kaso bigla na lang inatake ng seizures niya kaya agad na naming itinakbo dito."

Maluha-luhang lumapit si Brix sa kama ng anak. May nakakabit na dextrose sa kaliwang kamay nito. Umupo siya sa silya at hinaplos-haplos ang ulo ng anak.

"Baby. Andito na si daddy.", mahinang turan ni Brix. Hindi niya kayang magsalita ng normal dahil pakiramdam niya bibigay siya dahil sa halu-halong emosyon.

And as if on cue, nagmulat ng mga mata si Caelia. "D-daddy...", agad na iyak ng bata.

Dahan-dahan iniangat ni Brix ang anak saka kinarga at niyakap. Maingat nga lamang sa kamay nito sa takot na baka makalas ang swero nito.

"Im sorry baby. Wala si daddy sa tabi mo."

"Mommy...mommy dad...", umiiyak na bulong ng bata.

"W-wala si mommy baby."

"Mommmyyyy...", sumisigok ng saad ni Caelia. Nagpatuloy ang pag-iyak hanggang sa mahirapan itong huminga na labis na ipinag-alala nila Brix.

"Hush baby. I will bring mommy here. Just stop crying baby. Iiyak din si daddy gusto mo ba yun?", pang-aalo ni Brix sa anak.

Umiling-iling si Caelia habang pasigok-sigok pa rin.

"Stop crying na. Pupuntahan ko si mommy ok? Iuuwi ko siya dito para makasama mo okay?"

Tumango lang si Caelia na matamlay at waring pagod na muling dumantay sa balikat ng ama.

As he always do, he began dancing slowly with his daughter while humming their favorite song.
(Please play the song from up above. Themesong ni Brix at Caelia. Isipin niyo ang scene na to while listening to the music. Note: bawal umiyak!😅 -A/N)

Brix pinched his nose bridge to prevent his tears from falling down as he continues to hum. Siya ang nasasaktan para sa anak.

Hindi naman mapigilan ni Anggie ang mapaluha at suminghot sa nakikita sa mag-ama. Kahit si Cyric ay natamaan din ng emosyon at tumalikod sa kaibigan sabay pahid ng luha.

"Sleep now baby. I'll try my best to win your mommy back.", pangako niya sa anak na yumakap lang ng mahigpit sa kanyang leeg.

......................................................................

A/N:

I need to cut this scene. Hindi ko kinaya mga besh.

Gusto ko sabunutan ang author ng kwento ni Brix. Lakas makasakit ng kalooban eh. Ano tambangan na natin?😂

Parang may nakabara sa lalamunan ko. Nahirapan ako lumunok dahil sa mag-ama. Bigla na lang akong nagkasipon..bisit!😅

Ako lang ba? Ako lang ba ang tinangay ang damdamin sa update na to?

Yoko na!!😢😢😢

Edited P.S.
Have a blessed Sunday mga beshy😊💕

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon