Thirty-one

5K 135 58
                                    


Inantay muna ni Brix na makatulog ang anak bago muling magpaalam sa ina na luluwas ulit ng Manila.

"Anong gagawin mo doon? Baka hanapin ka na naman ni Caelia pag biglang nagising.", usisa ni Anggie.

"Pupuntahan ko si Tammy, Ma. Kung kinakailangan kong lumuhod, gagawin ko mapapayag ko lang siyang mapanggap na ina ni Caelia."

"Nakauwi na siya?", manghang tanong ni Cyric.

"Yes. Three days ago pa. Nagkita na sila ni Caelia kaso hindi yun naging maganda. Kaya siguro nilagnat ang anak ko dahil dinamdam niya iyong nangyari."

Hindi naman nakapagsalita ang dalawa. Maya-maya pa nga ay lulan muli ng sasakyan ang dalawang magkaibigan. Hindi magawang pabayaan na lang ni Cyric si Brix dahil halata naman ang pagkabalisa ng binata.

"Sa tingin mo, papayag si Tammy?", tanong ni Cyric ng nasa kalagitnaan na sila ng byahe.

"Galit pa rin siya. Pero sana pakinggan niya muna ang paliwanag ko. Sana lang mapakiusapan ko. Wala akong hindi gagawin para sa anak ko Pare. Mahal na mahal ko si Caelia."

"Naintindihan kita dude. Sana nga maawa si Tammy kahit sa bata na lang."

Hindi na umimik si Brix at sumandal na lang sa upuan.

.....

Nagtatawanan ang dalawang bulto ng tao habang pababa ang mga ito sa taksi.

"T'was so fun!", nakatawang saad ni Tamra sa kasama habang ikinawit pa ang braso sa leeg ng lalaki habang naglalakad.

"Yeah. Funny indeed.", sabi naman ng lalaki at isinukbit din ang braso sa bewang ng dalaga.

Muling humagikhik ang may tama sa alak na si Tammy habang papasok sila ng bahay.

"You never fails to amaze me Tam. You're incredible!", aliw na aliw na wika naman ng kasama.

Ang masayang palitan nila ng halakhak ay natigil ng makapasok sila sa loob ng salas.

"Lola?", takang tanong ni Tammy. Sabay tingin sa relong pambisig.

.....

Rinig ni Brix ang tawanan ng dalawang taong bumaba ng taksi. At hindi na niya kailangang manghula kung sino iyon. Pasimple siyang tumingala sa orasang nakasabit sa pader. Alas-dos ng madaling araw.

"She really had changed. Hindi siya inaabot ng umaga sa labas dati pero ngayon...", dismayadong naisip pa ng binata.

"Andiyan na yata sila.", ani Lola Mina.

Tinawagan ito kanina ni Brix noong asa daan pa lang sila. Sinabi nito ang pakay niya. Kaya naman hinintay sila ng matanda hanggang makarating sa bahay ng mga ito. Ngunit una pa lang ay sinabi na ni Lola Mina na wala doon ang apo. But he must take all the risk. Para sa anak. Gusto niya na bago pa man sumikat ang araw ay kasama na niya si Tammy pabalik ng hospital.

"Lola?", rinig muli ni Brix mula sa pinto. Nilinga niya si Cyric na tahimik na nakaupo sa tabi niya bago siya tumayo para harapin ang dalaga. Ngunit nakaramdam agad siya ng panibugho ng makita ang halos nakayakap na lalaki sa katawan ng dating kasintahan. Napatikhim siya at agad na nag-iwas ng tingin.

"What are you doing here?", tanong ni Tammy. Bakas sa boses ang pagkadisgusto sa presensya niya.

Tumingin muna si Brix sa matanda. At ng tumango ito ay muling hinarap ang dalaga.

"P-puwede ba tayong mag-usap?", pautal pa niyang sabi.

"As far as I'm concern, wala na tayong dapat pang pag-usapan.", ani Tammy.

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon