Forty-seven

4.9K 117 23
                                    


"Boss hawak na po namin siya.", rinig ni Tammy na sabi ng lalaki. Napaisip siya. Saan na ba niya narinig ang boses na iyon? Parang pamilyar kasi. Nanghihina pa rin siya at hindi makakilos. She presume that she's lying in a backseat of a moving car.

Naglalaro sila ni Caelia sa harap ng bahay niya ng bigla na lang silang pasukin ng dalawang nakabonet na mga lalaki.

They harshly grab her in both side while Caelia tried to fight those two wicked men.

Nagpumiglas siya ngunit mas malakas sa kanya ang dalawang nakahawak sa magkabilang mga braso niya. Mabilis din ang kamay ng isa at tinutop ng panyo ang bunganga at ilong niya.

"Chloroform!!", sigaw ng utak ni Tammy. Sa nanlalabong paningin ay nakita niya ang naghihisteryang si Lola Mina na palabas ng bahay. Sinunggaban ito ng isa at pilit na ipinapasok sa loob ng bahay.

Sa isipan niya ay isinisigaw ng dalaga ang pangalan ni Caelia. Puno ng pag-alala ang kanyang buong sistema bago pa siya panawan ng malay-tao.

"Na kay Lan po ang bata.", muling saad ng lalaki. Tapos nakakalokong tumawa pa. "Yung matanda pinatahimik ko na boss."

Nilamon ng takot si Tammy. Taimtim na nanalangin para sa kaligtasan ng lola niya at ni Caelia.

"Sige boss. Dadalhin ko na po tong labidabs mo diyan. Mukhang tulog na tulog pa naman eh."

......

Nakangisi si Marcus ng patayin niya ang tawag kay Daryll.

Sa wakas ay makakapaghiganti na rin siya sa hayop na Brix na yun.

Sa loob ng tatlong taon ay tahimik lang siya. Tahimik sa isang kwarto sa pinakadulong bahagi ng isang hallway. Hallway ng isang rehab facility.

Yes! Na-rehab siya sa loob ng tatlong taong iyon. Sapilitan siyang ipinasok doon ng magulang niya. Dahil doon ay nagtanim siya ng galit sa mga ito. Ipinasawalang-bahala ang mga panahong iniahon siya ng mga ito sa putikan. Ang mga taong nagpakain sa kanya ng masasarap na pagkain na hindi niya natikman noong kasama pa niya ang mga tunay na magulang. Binihisan ng maayos-ayos na damit. At pinag-aral upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

Lahat ng mga iyon ay nabura sa isipan niya. Nabubulagan siya ngayon ng galit. Galit sa mga magulang. Galit sa mundo. At galit sa taong pumatay ng mahal niya, kay Brix.

Mula ng pinaalis siya nito sa hospital habang inooperahan si Emilly ay hind na siya nagkaroon ng pagkakataong masilayan ang babae. Anong pagkasuklam ang naramdaman niya ng mabalitaang patay na si Emilly.

Pumunta siya sa unang gabi ng burol nito ngunit pinagtabuyan siya ng hinayupak na Madriagang iyon. Pinagbawalang wag lumapit sa kabaong ng dalaga.

Hindi pa ito nakuntento at nagtalaga pa talaga ito ng securities sa burol ni Emilly.

Nagpupuyos ang kaloobang nagkasya na lamang siyang nakatanaw sa labas. Maski noong ilibing ang dalaga. Matiyaga siyang naghintay sa sulok hanggang makaalis ang huling taong nag-asikaso sa puntod ng babaeng mahal niya.

Nang masigurong wala ng asungot sa paligid ay dahan-dahan siyang naglakad palapit sa puntod. Tahimik na lumuluha. Nagsisisi. Naghihinanakit. Nangungulila. Nagmamahal.

Napahagulhol siya habang hinahaplos ang lapida nito. Humihingi ng tawad sa dalagang nagmahal ng maling lalaki.

Sinusumbatan ito kung bakit hindi magawang mahalin siya nito. Eh di sana buhay pa ang dalaga. Eh di sana masaya itong kalungin ang anak nila.

Nang bigla ay nakaramdam siya ng galit ng mapagmasdan ang nakasulat sa lapida ni Emilly.

Ang walanghiyang lalaking iyon at ikinabit pa dito ang pesteng apelyido nito! Gustong gusto ni Marcus na baklasin ang lapida at durugin iyon ngunit napigilan niya ang sarili. Alam niyang hindi iyon magugustuhan ng mahal niya.

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon