Ngiting-ngiti habang tinitignan ni Brix ang kasintahang naglalakad palapit sa kanya."Ready?", maluwag ang ngiting tanong pa niya dito.
Papunta sila ng Boracay. Doon napiling i-celebrate ni Brix ang first anniversarry nila bilang magkasintahan. Mabuti na nga lamang at nataong weekend iyon kaya napapayag niya si Tammy.
"Ready!", nakangiti ring sagot ni Tamra sa nobyo. "Lola," baling pa niya sa matandang nakaupo sa sala at pinagmamasdan silang magkasintahan. "Alis na po kami."
"Mag-iingat kayo.", sagot naman ni Lola Mina. "Brix, ang apo ko alagaan mo doon. Naku, kukurutin kita talaga sa singit pag..."
"Lola...", sansala naman ni Brix sa sinasabi ng matanda. Lumapit siya dito at umupo saka yumakap pa. "Alam niyo namang hindi ko pababayaan si Tammy."
"Mabuti naman."
"Tsaka po. Bukas ko na gagawin.", bulong ng binata.
Namilog naman ang mga mata ni Lola Mina saka napabulong din ng "Talaga??"
"Opo!", tatango-tango pang bulong muli ni Brix.
"Anong pinagbubulungan ninyo po?", nakapameywang na sita ni Tammy.
"Sekreto Mahal.", pilyong ngiti na may kasamang kindat na tugon naman ni Brix.
"Hala! Lumakad na kayo at baka maipit pa kayo sa trapik.", taboy naman ng matanda.
Nagkibit-balikat ang dalawa at hinalikan sa noo ang abuela. Sakto namang palabas sila ng makitang pababa ng taksi si Shine.
"Oh alis na kayo?", tanong ng babae.
"Yup. Kaw na bahala kay lola bes hah?", habilin naman ni Tammy. "Sunday afternoon, andito na kami."
"No problem bes. Enjoy and ingat.", halik pa ni Shine sa pisngi ni Tamra. "Engr., pasalubong ko ha?", baling pa nito sa binata.
"Sure.", kindat naman ni Brix kay Shine.
.........
Gabi na ng makarating ang dalawa kung saan nagpa-booked si Brix. At dahil pagod na din sa byahe at sa maghapon nilang trabaho ay naglinis lang ng katawan ang dalawa at plakda na sa kama.
Kinabukasan ay nagpa-room service si Brix ng breakfast nila ni Tammy.
Makatapos ay niyaya niya ang dalagang mag-snorkelling. Tuwang tuwa naman si Tammy sa mga corals at isdang naglipana sa paligid. Enjoy na enjoy ito at talaga namang kita pa sa hilatsa ng mukha nito ang kasiyahan.
Nang bandang tanghali ay napili nilang mag-lunch sa isang resto sa may seaside.
Pagkatapos nun ay nagyayang sumakay ng jetski si Tammy na galak namang pinaunlakan ni Brix.
Padapit-hapon na ng mapagdiskitahan ng binata ang mag-parasailing. Takot at panay ang iling ni Tammy sa gusto ng kasintahan ngunit sa huli ay napahinudhod din siya nito kahit na ba nanginginig pa siya habang ikinakabit sa kanila ang parachute.
Hindi mapigilan ni Tamra ang mapasigaw lalo na nung nasa ere na sila. Mangiyak-ngiyak niyang binubulyawan ang katabi na panay ang tawa sa kanya.
"Humanda ka sa'kin pag nakababa tayo dito. Sinasabi ko sayo Brixnelle!", gigil at naluluha pang angil ni Tammy.
"Just enjoy this experience mahal. See the sunset. Di ba ang ganda?", balewalang saad naman ni Brix.
Sa takot na gumalaw ay pumikit na lang ng mariin si Tammy.
Ramdam niya ang pag-galaw ni Brix kaya hindi na naman niya napigilang singhalan ito.
"Wag ka ngang galaw ng galaw Mahal! Baka bigla na lang tayong maihiwalay sa humihila sa'tin!", hintakutan pang saad ng dalaga habang nananatiling nakapikit.

BINABASA MO ANG
Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED
RomanceEngineer Brixnelle Alfonso Madriaga. Ang pinakamakulit at pinakapilyo sa kanilang magkakaibigan. Women for him just come and go. Katwiran niya, hindi pa dumarating ang babaeng seseryosohin at mamahalin niya ng tapat. Not until he met Safia Tamra Saa...