Seven

6.8K 160 25
                                    


"Oh? Andito ka pa?", tanong ni Shine kay Tamra na abala sa paghahalungkat sa kanyang drawer.

Nilingon ni Tammy ang kaibigan na nakasandal sa hamba ng pinto ng kanyang kwarto.

Nginitian niya ito. "Hinahanap ko kasi yung box ng Patchi dito. Ipapasalubong ko yun kay ShiRis eh.", sagot ni Tammy kay Shine saka muling itinuon ang pansin sa paghahanap.

"Patchi?", kunot noong tanong ni Shine saka pumasok na ng tuluyan sa kwarto ni Tammy.

Malaki ang pasasalamat niya dito. Nagkakilala sila noong napasok siyang iskolar sa unibersidad na pinapasukan din ni Tammy. Sa Cagayan ang probinsya niya at pinalad na makapasok sa unibersidad sa Maynila.

Nagmagandang loob na inalok ni Tammy na tumira si Shine sa bahay niya since wala naman siyang kasama dito bukod kay Lola Mina. Noong una ay nahihiya pa na umoo si Shine ngunit wala na siyang nagawa ng pagtulungan siya ni Tamra at ng isa pa nilang kaibigan na si Jofren.

Sa kasalukuyan ay isang call center agent si Shine samantalang magkatrabaho naman si Tammy at Jofey bilang mga guro sa isang private high school.

Mas pinili muna ni Shine ang maging agent dahil sa malaking pasahod dito. At nag-eenjoy pa siya sa trabaho niya. Nakasanayan na rin niya kaya hindi na rin siya pinakialaman ng dalawang kaibigan at sinuportahan na lang sa nais niya.

Pasalampak na umupo si Shine sa kama ng kaibigan saka napa-tsk!

"Nakita kong may nilalamutak nung nakaraan si Engineer na chocolates habang nanonood sila ni lola Mina ng walang katapusang Terminator.", imporma ni Shine kay Tammy.

"What?", nanlalaki ang butas ng ilong na tanong ni Tammy.

And without any further questions, Tammy stormed her way out to confront her boyfriend.

Busangot ang mukha at padabog na naglalakad ang dalaga pababa ng hagdan.

Naabutan niyang prenteng nakaupo ang lola niya at ang magaling niyang boyfriend sa sofa.

Napataas ng isang kilay si Brix ng makita ang hindi maipintang mukha ng girlfriend.

"Tapos ka na mahal?", ngiti pa ring tanong ng binata.

Lumapit naman si Tammy at pasalyang umupo sa tabi ng binata saka tinampal ito sa dibdib.

"Aww! Bakit?", napapantastikuhang tanong ni Brix.

"Why did you eat my Patchi?!", paangil na tanong din ni Tammy saka umingos at pinagkrus ang mga braso sa dibdib.

Tumingin naman si Brix kay lola Mina na nangingiti sa kanila.

"Ay! May gagawin pa pala ako sa kusina.", palusot nito saka dali-daling tumayo at iniwan ang magkasintahan doon.

Halatang umiiwas sa pag-aalburoto ng apo.

"Lola!", Brix hisses but lola Mina just sticked out her tongue. "Pasaway na matanda.", ngingiti-ngiting bulong ng binata.

Siniko naman ni Tammy si Brix ng marinig ang sinabi nito. Muling umangal ang binata ngunit sinamaan lang siya ng tingin ni Tammy kaya napatikom siya ng bibig.

"Sorry na mahal. Nagutom kasi ako nung isang araw eh nakita ko yun sa kwarto mo nung pinapasok ako ni lola doon para ilagay yung mga pinabili mong libro."

Hindi naman nagsalita si Tamra. She's not mad because he ate those chocolates. Galit siya dahil ayaw niyang pinapakialaman ang mga gamit niya ng wala siyang permiso.

Maano ba namang ipagpaalam muna sa kanya bago nito lamutakin ang nga iyon? Anong ginagawa ng isang sinpleng tawag o text para makapagpaalam?

"Mahal...", ungot ni Brix. "Si lola Mina din naman nakikain.", sulsol pa niya.

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon