Eight

6K 145 11
                                    


Magkahawak-kamay na pumasok si Brix at Tamra papasok ng simbahan kung saan gaganapin ang binyag ng kambal na anak nina Shinrei at Zoey.

Agad nilang namataan ang iba pa nilang mga kaibigan na nagkukumpulan sa isang panig ng simbahan.

"See Mahal? Hindi pa nag-start.", nakangising saad ni Brix sa kasintahan.

"You're just too lucky today Mahal. Alam ko namang kung hindi pa kita pinabilis ng kilos eh paniguradong late na tayo makakarating dito.", Tammy rolled her eyes as she continued to walk hand in hand with her gorgeous man who's grinning from ear to ear.

"Hi guys!", masayang bati ni Brix sa mga kaibigan ng makalapit sila sa mga ito.

"Oh, akala ko ma-li-late ka na naman eh.", agad na buska ni Shinrei sa kaibigan.

"Ako pa?", ngisi naman ni Brix saka nakipag-fist bump sa mga kaibigan.

Nakipagbeso-beso naman si Tammy sa mga babae.

"Hello there sweeties.", magiliw na bati ni Tammy sa kambal na nasa strollers. "So cute!"

"Pwera usog po ninang Ganda.", nangingiting saad naman ni Zoey.

Napahagikhik naman si Tammy saka hinanap si ShiRis.

"Hay naku! Nag-tantrums kaya naiwan kay Mommy Ellie sa resort.", naiiling na sambit ni Zoey.

.....

"Insannn!!!", tuwang-tuwang salubong ni Jen kay Tammy ng magpang-abot sila sa reception ng binyag na ginanap sa Shin's Paradise.

"Jen...namiss kita bruha ka!", natatawa ding saad ni Tamra saka nagyakap sila ng mahigpit.

"Asan si lola? Hindi sumama?", hanap ni Jen sa abuela.

Umiling lang naman si Tammy. "Nirarayuma.", sagot niya.

"Kagabi pa kita hinihintay bruhang to."

"Kila Brix na kami tumuloy since 8:00pm na rin kami nakarating dito."

"Kuhh... Nagtabi kayo?", nagdududang bulong ni Jen sa pinsan.

Hinampas naman ni Tammy sa braso ang babae. "Halla siya. Tamang hinala oh. Hindi noh! Sa kwarto ako ni Rovie natulog."

"Weh?"

"Hahahah! Oo nga!"

"Good.", tatango-tango pang sabi ni Jen. "Akala ko isinuko mo na ang bataan eh."

"Sira!", natatawang sagot ni Tammy.

"Mukhang ang saya-saya natin ah?", rinig nila ang boses ni Brix sa likuran nila.

Nakangiting nilingon ni Tammy ang kasintahan. Inabot naman ni Brix ang hawak-hawak na dessert sa dalaga na ipinakuha nito kanina dahil tinatamad na daw itong tumayo ngunit gusto pang tumikim ng dessert.

"Thanks Mahal.", malambing na saad ni Tammy sa binata.

Nakangiting hinila ni Brix ang silyang katabi ng upuan ni Tammy saka humalik sa sintido ng kasintahan.

"No problem Mahal."

"Kainis ang daming langgam.", hampas ni Jen sa lamesa at muntikan pang nagsipagtumbahan ang kanilang mga baso.

"May naiinggit na naman Mahal.", pilyong buska ni Brix sa sekretarya ni Shin.

"Sinong naiinggit?! Ako?! Hindi noh!", nakamatang sagot naman ni Jen. Komportable na siyang pagtaasan ito ng boses dahil sa boyfriend na nga ito ng pinsan at hindi na lang kaibigan ng kanyang boss. At least wala na itong maipanakot na ipapatanggal siya sa trabaho. Bagkus ay siya na ang may hawak ng alas ngayon. Kaya ganun na lang kung mag-asaran sila. Ang mapikon siyang talo.

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon