Three

8.7K 194 10
                                    


Yamot na yamot si Brix sa nagdaang tatlong araw kakaantay sa pagbabalik ng dalagang nais pormahan.

Wala eh. Mukhang nadale talaga siya ni Tammy.

Kinakantyawan na nga siya ni Shinrei dahil inaaraw-araw niya ang pagpunta sa isla nito na dati ay hindi naman niya ginagawa.

Napatigil siya sa paglalakad sa may dalampasigan. Pinuno ng hangin ang dibdib.

Akmang itutuloy niya ang paglalakad ng makaramdam ng kakaibang tibok sa kanyang dibdib.

The familiar beat he felt when he saw Tammy.

"Tammy!!", nasa isip niyang sigaw saka lumingon-lingon.

Muntik pa siyang mapahandusay sa buhanginan ng pagbaling niya sa kanyang likod ay makita ang naglalakad ding si Tammy na akay-akay ang bumubungisngis na si ShiRis.

Lalapit ba siya? Shet. Nahihiya ata siya.

"T*ng'na kelan pa Brix?!", kastigo ng binata sa sarili.

"Ninong doipren!!", rinig ni Brix na sigaw ng bata ng mapansin siya nito.

Kita niyang hinihila nito ang dalaga palapit sa kanya. Parehas nakangiti ang dalawa at nahahawa siya doon.

Siyempre da moves na ang mokong at pinakawalan ang makalaglag panty niyang ngiti.

Siyempre da moves na ang mokong at pinakawalan ang makalaglag panty niyang ngiti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hi", nakangiti pa ring bati ni Brix ng makalapit ang dalawa.

"H-hi.", simpleng ngiti ring bati ni Tammy.

"Hi Riri.", yuko ni Brix sa inaanak at binuhat pa ito saka hinalikan sa pisngi.

"Hi ninong doipren. How are you?", bibong tanong ng bata sa binata.

"Still guwapo pa rin siyempre."

"Like Tita Tammy ninong? She is so maganda right?", tanong ni ShiRis sa ninong niya at inabot pa ang leeg ni Tammy at hinila palapit sa kanila.

"Ooppss...baby dahan-dahan.", sabi ni Brix sa bata ng halos masubsob si Tammy sa kanya.

Napapitlag pa silang dalawa ng parang may spark silang naramdaman ng magkadikit ang mga katawan nila.

Tumikhim si Brix saka napalunok. "A-are you o-okay?"

"Y-yeah. Sorry.", namumulang sambit naman ni Tammy.

Lihim na napasinghap si Tammy ng maramdaman ang matagal na niyang hinihintay na sign. Yung katulad ng nababasa niya sa mga libro kung saan nakakaramdam ng kakaibang kuryente ang mga bida sa tuwing magkakalapit sila.

"Could it be?", anas ng isipan ng dalaga. Saka wala sa loob na napatitig sa nakatunghay din sa kanyang si Brix.

"You dont have to say sorry. Dapat nga atang ako pa ang mag-sorry ", saad ni Brix.

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon