Thirteen

4.5K 124 28
                                    


"Buntis ako...", ulit ng babae ng makitang napakurap-kurap sa harapan niya si Tammy.

Nang makabawi sa pagkabigla ay nangunot ang noo ng dalaga. "Ano namang pakialam ko kung buntis 'tong babaeng to??", naisip pa niya.

"Si...B-brix ang ama."

Parang nabingi si Tamra sa narinig. Paanong si Brix ang magiging ama ng dinadala nito eh lagi silang magkasama ng kasintahan. Pwera na lang pag oras ng trabaho nila.

Paano? Saan? Kelan?
Ilan lamang iyan sa mga nagsalimbayang katanungan sa isip ni Tammy.

Paniniwalaan ba niya itong babaeng ito?

"Are you pulling a prank on me Architect Araullo??", she bluntly asked emphasizing the woman's name.

"How I wished this is just a prank Ms. Saavedra.", ganting saad naman ng babae.

"May gusto ka ba sa fiancé ko Emilly?"

Suddenly, Tamra saw Emilly's confusion written all over her beautiful face.

"W-wala."

"Then why?!"

"It just...happened!"

Napatawa ng bahaw si Tammy. "You're incredible! I gotta go! You are just wasting my time here.", at tumayo na si Tammy.

Agad namang humawak si Emilly sa kanang braso ni Tammy. "Please, Tammy."

Iwinaksi ng dalaga ang kamay ni Emilly. "Don't call me Tammy. We are not even close para tawagin mo ako sa pangalang yan. Wag ako ang pinaglololoko mo Architect. Wag kang manira ng nananahimik na relasyon!", gigil ngunit kontrolado ang tinig na saad ni Tammy.

"Hindi kita niloloko. Im telling you the truth! Buntis ako at si Brix ang ama! Why dont you ask him kung ano ang nangyari sa Subic couple of weeks ago?"

Natigilan naman doon si Tamra. SUBIC. Agad na gumana ang memorya ng dalaga.

Nagpunta nga ng Subic ang kasintahan noong mga nakaraang linggo dahil nagcelebrate ang team nito dahil sa pagkakapirmahan ng isang malaking deal sa kompanya nila.

Sinasama siya niyo ngunit dahil hectic ang schedule niya noon ay hindi siya maka-oo kahit gustuhin niya ring sumama.

Biglang tumambol ang dibdib niya sa kaba. At ngayon niya napagtagni-tagni ang pagbabago sa kasintahan nitong mga nakaraang araw.

Ang pagiging balisa. Ang biglaang paglalambing nito na para bang may tinatabunang kung ano sa pamamagitan ng pagiging ekstra sweet nito sa kanya. At ang pagmamadali nitong makasal sila. Agad-agad. Na kung pwede lang bukas na ay gagawin nito. Akala niya ay nagbibiro lang ang binata kaya tinatawanan lang niya ito lagi.

Iyon ba? Iyon ba ang dahilan??

Huminga ng malalim ang dalaga. Saka umiling. At pilit pinipigilan ang pagbabadya ng luha.

Should she believe this woman in front of her? Or should she give Brix the benefit of the doubt?

Mahal niya ang binata. Mahal na mahal. At pakiramdam niya ay hindi niya matatanggap, hindi niya kakayanin kung totoo man na nakabuntis ito ng iba.

Sa huli ay nakapagdesisyon siya. "I don't believe you. You are just making a story."

"Believe it or not Ms. Saavedra but its true. At ilalaban ko ang karapatan ng magiging anak ko. Hindi ako papayag na lumaki siya na walang ama. Teacher ka. Alam kong alam mo ang tama at mali. Be professional."

Nagpanting ang tenga doon ni Tammy at matalim ang mga matang tumitig sa babae. "Wow! You still have the guts to talk about being professional here? Great! I'm so amazed!"

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon