Thirty-five

4.9K 176 69
                                    


Mukhang shungang nakatunganga sa kawalan si Tammy habang kinakapa ang mga labi. Ang lakas pa rin at ang bilis ng tibok ng puso niya. Pakiramdam niya nagta-tachycardia na siya. Kulang na lang pangapusan pa siya ng hininga.

"Did we just kissed? Really??", paulit-ulit niyang tanong sa sarili. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyari kanina sa pagitan nila ni Brix.

Ilang segundo ring magkadikit ang kanilang mga labi. At kung hindi pa sa hagikhik ni Caelia na tuwang-tuwang pumapalakpak sa tabi nila ay baka natuloy na iyon sa isang mapusok na halikan.

Hindi nga niya alam kung paano kikilos kaninang maghiwalay sila ng binata. At ipupusta niya ang kabirhenan niya na mas mapula pa sa nabubulok na kamatis ang kanyang mukha ng mga oras na iyon.

Kung siya pulang-pula ang mukha, kabaliktaran naman ang kay Brix. Bagama't humingi ito ng paumanhin sa kanya ay naglalaro naman sa mga mata nito ang kasiyahan at pilyong mga ngiti. Gusto niya tuloy sabunutan si Brix maalis lamang ang pagkakangisi nito.

Napapitlag pa siya ng may tumikhin sa likod niya. Pagharap niya ay ang walangyang si Brix na nakatopless pa.

 Pagharap niya ay ang walangyang si Brix na nakatopless pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Care to join us? Nagyayaya si Caelia magswimming."

"Ahm...s-sunod na lang ako.", pautal na sagot ni Tammy at hindi maiwasang pasadahan ng tingin ang katawan ng dating kasintahan.

"Okay. Sunod ka agad ha?", ngiting-asong sagot ni Brix.

"Ang pangit mo.", bulong ni Tammy sa inis dito.

Narinig naman yun ni Brix kaya mas lalo siyang napangisi. "I miss you more Mahal.", bulong din naman niya. Bulong na siniguro niyang maririnig ni Tammy. Saka niya ito kinindatan at tumalikod na. Takot niya lang dito na baka bigla na lang siyang sakalin at bigwasan. Kaya habang hindi pa nakakapagreact ang dalaga ay aalis na siya. Mahirap na.

Ngunit sa ginawang pagtalikod ay hindi tuloy niya nakita ang sinusupil na ngiti ni Tammy. Di sana ay hindi lang ngiting aso ang magagawa niya.

....

"Bwiset na lalaki to. Puso, bat ka ganyan? Wag kang kiligin ano ba??", pangaral ni Tammy sa sarili habang tinatapik-tapik ang dibdib.

"Eherm!!", malakas na saad ng nasa likuran niya.

"Ay sh*t! Ang yummy niya!", tuloy ay bulalas ni Tammy.

Ang lakas ng tawa ni Vinno.

"Wag ka ngang nanggugulat diyan!", sikmat ni Tammy sa kaibigan.

"Kailan ka pa naging magugulatin Tamra?? At teka nga..sinong yummy? Asan??", excited na tanong pa nito.

"Wala!!", pikong bulyaw naman ng dalaga.

"Asus...", tudyo naman ng isa saka kumanta. "🎶kapag tumibok ang puso..🎵wala ka ng magagawa kundi sundin ito...🎶"

Sinamaan ng tingin ni Tammy ang kaibigan. "Bwiset ka! Dyan ka na nga!", sabay padyak paalis.

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon