Two

9.9K 229 12
                                    

Kita ni Brix na nagtatawanan sina Jen at ang babaeng kandong pa rin ang batang si ShiRis.

Mukhang close na close ang mga ito dahil nag-high five pa ang dalawa saka malakas na humalakhak.

Napapangiting pinagmasdan niyang muli ang babae. Kung tama ang rinig niya mula kay ShiRis kanina ay Tita Tammy ang itinawag nito sa babae.

"Tammy", pinaglaro niya ang dila sa pangalan nito. Kay sarap bigkasin ng pangalan ng dalaga sa bibig niya.

Hanggang sa mamalayan na lang niyang kinakawayan siya ni Jen palapit habang tumatayo naman si ShiRis at Tammy na yumuko upang pulutin ang sarong.

Nagdadalawang-isip kung lalapit ba ang binata sa tatlo. Hayun na naman kasi ang dagundong ng dibdib niya.

"Sir Brix!! Lapit na dali!", rinig niyang sigay ni Jen.

Bantulot man ay naglakad siya palapit. Mas mabagal nga lang kesa sa normal na lakad niya.

"Bagal maglakad!", kantyaw ni Jen sa binata at humagalpak muli ng tawa.

"Pasalamat kang babae ka nasa harap ka ng babaeng mahal ko!!", angil ni Brix sa isip. "Wait...mahal agad Brix? Woah!", naiiling ba isip pa nito.

"Jusko sir!! Puputi na ang uwak hindi ka pa nakakalapit dito!", sigaw muli ni Jen.

Inutusan ng sekretarya ang bata na hilahin na palapit ang ninong nito na agad naman  ikinatalima ng bata at ngiting ngiting hinila ang binata.

Nagpatianod na lang si Brix kay ShiRis. At ng makalapit sa dalawa ay bahagya pang namula ang kanyang mga pisngi lalo na noong kiming ngumiti sa kanya si Tammy.

Napalunok siya ng laway at napatitig sa mapupulang mga labi ng babae na mukhang kay sarap-sarap halikan.

Napatikhim si Brix bago nagpakawala ng ngiti. "H-hi", utal pa niyang bati.

"Hahahah Jusko Sir. Ngayon lang ata kita narinig na nautal sa harap ng chicks.", buska ni Jen.

Brix glared at her. Kung wala lang sila sa harap ng babae ay baka sinungalngal na niya ito.

"Kaw naman sir. Di ka na mabiro.", sabay peace sign ng sekretarya ng makitang napipikon ang kaibigan ng boss. "Pakilala na lang kita."

"Sa lahat ng sinabi mo, dyan lang ata ako natuwa.", nakasimangot na saad ni Brix sa babae na tumawa lang.

"Sir, si Tammy. Pinsan ko.", nakakalokong ngumiti si Jen na ikinalaki ng mata ni Brix. "Saf, si sir Brix. Kaibigan ng boss ko.", pakilala din niya kay Brix. Saka bumulong sa pinsan. "Chickboy."

"Narinig ko yun Jen.", salubong ang kilay na sambit ni Brix.

"Di bale sir, totoo naman.", ngisi pa nito.

"Hi again.", sabay lahad ng palad ni Brix ng sa palagay niya ay bumalik na ang kumpiyansa niya sa sarili.

"Hello.", ngiti naman ni Tammy at inabot ang kamay ng binata na nakalahad sa harap niya.

"So soft.", nasaisip ni Brix at hindi napigilang pisilin ito ng banayad.

Pansin naman agad yun ni Jen kaya kahit kabastusan man ay siya na ang nagpahiwalay sa magkadaupang palad ng dalawa.

Ngali-ngali ng sakalin ni Brix ang sekretarya ng tumunog ang walkie-talkie nito at pumailanlang ang boses ni Zoey na hinahanap na ang anak.

"Oh rinig mo naman sir. Hatid mo na po si ShiRis doon."

"Bakit ako? Eh ikaw ang inutusan?", pasupladong sabi ni Brix.

Lumapit si Jen kay Brix. "Wag ang pinsan ko sir.", bulong niya sa binata. Saka lumayo at inaya na ang dalawa pabalik ng hotel kung saan naghihintay si Zoey.

Brix can't resist not to stare at Tammy's back while walking away from where he stands. He wants her. He was smitten by her. At hindi siya papayag na hindi ito maging kanya.

Itataga niya sa bawat himaymay ng mga kalamnan niyang mapapasakanya ang dalaga. Sa ayaw at sa gusto ng kahit na sino.

Napangisi siya. "Time for Brix Madriaga's the moves, men."

........

"Pare!!", kulit ni Brix sa kaibigang si Shinrei. Sinugod niya ito sa opisina nito at tinanong kung saan tumutuloy si Jen at ang pinsan nito.

Mistula siyang nagayuma kahapon mula nang nahawakan niya ang malalambot na palad ng dalaga na hanggang pagtulog ay umuukilkil sa diwa niya na siyang dahilan ng pagkapuyat naman niya.

"Damn! Ano bang problema mo Pare?", nabubwiset ng turan ni Shinrei. Marami siyang ginagawa at heto ang kaibigan niyang mas makulit pa sa bulate sa tiyan.

"Sabihin mo na kasi saan ko makikita si Jen. Wala siya sa labas ng opisina mo. Hindi ko siya makita sa buong resort."

"Nag-leave for three days. Susunduin ang lola niyang nasa Baguio."

"K-kasama ba si Tammy?"

Bahagyang nangunot ang noo ni Shinrei. Saka napahagalpak ng tawa.

"What?", litong tanong ni Brix.

"Pinopormahan mo ba ang pinsan niya?"

"Sana.", nanghahaba ang ngusong sagot ni Brix.

"Well, good luck then. Antayin mo na lang sila dude. Sa quarter's ni Jen sila tutuloy."

"Tagal pa!", bugnot na sagot ng binata na muling ikinatawa ni Shinrei.

"Bakit ka ba tawa ng tawa dyan?!", singhal ni Brix sa kaibigan.

"Mukha ka kasing pusang hindi mapaanak. Is the high and mighty Brixnelle Alfonso Madriaga finally in-love?", ngising tanong ni Shinrei.

"Ewan ko sayo!", sabi naman ni Brix sabay tayo mula sa upuan sa harap ni Shinrei. "Dyan ka na nga!"

"Just take it slow, man.", seryosong sabi ni Shinrei ngunit nasa mga mata pa rin ang kapilyuhan.

"What do you mean?"

"From what I've heard from Jen, she's mending her broken heart. Niloko ng boyfriend. So if I were you my friend, kung hindi mo rin lang seseryosohin, wag mo ng guluhin. Tammy's a very fine woman."

"Ano kayang sasabihin ni Zoey pag narinig ka?", ngisi ni binata kay Shinrei.

"Oh, she would absolutely agree with me. She likes Tammy. At sigurado akong isa rin yun sa magiging balakid pag liligawan mo si Tamra."

"Who's Tamra?", tanong niya. Hindi niya maituloy-tuloy ang pag-alis kaya muling umupo.

"Tsk! Tignan mo. May manliligaw bang hindi alam ang pangalan ng nililigawan?"

"That's why I'm asking for your help, you dimwit!", pikong sabi ni Brix.

Napangisi doon si Shinrei. "Safia Tamra Saavedra. An orphan and Brix Madriaga's downfall."

"Downfall your face.", ngisi din ni Brix. Tumayo saka nagpaalam. "Thanks buddy. Alis na ako."

"Hay salamat.Kanina pa sana."

"Gag*!", natatawang sabi ni Brix bago tumalikod at tinungo ang pinto.

......................................................................

A/N:

Ayern ang update.

Ang tulirong si Brix.
Hahahah

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon