Fourteen

4.5K 121 29
                                    


"Subic, Mahal?", takang tanong ni Brix sa kasintahan.

Tumango lang naman si Tamra bilang sagot saka tinitigan si Brix.

At dahil likas sa binata ang pagiging palikero ay nagawa niyang lusutan iyon sa pamamagitan ng pagtatago ng katotohanan.

"Company outing mahal. Di ba nga niyayaya pa kita pero busy ka kaya hindi ka na nakasama?"

"Anong nangyari sa company outing ninyo?"

"Celebration Mahal."

"Ano pa?"

"Mahal, ano bang gusto mong malaman?"

"Kasama mo ba si Architect Araullo during the whole time na nasa Subic kayo?", seryosong tanong ni Tammy. She hates confrontations like this pero kailangan niyang malaman ang katotohanan.

"Mahal? Siyempre kasali siya sa team so malamang andoon siya. Pero hindi naman kami laging magkasama."

Hindi naman nagsalita si Tammy. Inalis ang tingin sa binata at wala sa loob na niyuko ang engagemet ring niya.

Samantala, bigla namang kinabahan si Brix sa tanong ng kasintahan. And by asking about Emilly, malamang may alam na nga ito. Lalo pa siyang natilihan ng makita niyang pinakatitigan nito ang singsing nito.

"Sh*t! Who gave her the idea?", nanggagalaiting nasaisip ng binata. "Are you thinking that I cheated on you Mahal?", kunwari ay hindi makapaniwalang bulalas ni Brix. Hindi siya makakapayag na masira ang relasyon nila ni Tammy. Kung kinakailangan niyang magsinungaling ay gagawin niya. Huwag lang mawala sa kanya ang dalaga. Mahal niya ito. Mahal na mahal.

"Are you?", ganting tanong naman ni Tammy.

"Of course not!", agad na sagot ni Brix. Not knowing that he might sound defensive at that moment. "Why should I do that? You know that I love you so much Mahal."

Nagtatalo naman ang isipan ni Tammy kung paniniwalaan ba niya ang fiancee o ano. Nalilito siya lalo at nakikita niyang seryoso namang sumasagot sa kanya si Brix kahit na tumataas ang boses nito. Ganun kasi ang binata kung may bagay na hindi naman talaga nito ginawa.

"Mahal...", usal ni Brix sabay gagap sa mga palad ni Tammy. "Ngayon pa ba ako magloloko eh malapit na tayong ikasal? Mahal naman."

Bumuntong hininga naman si Tammy. Sasabihin ba niyang pinuntahan siya ni Emilly ngayong araw? Pero dapat lang naman di ba? Paano niya malalaman ang totoo kung hindi niya iyon i-o-open sa binata.

"Emilly visited me during my lunch break.", straight to the point na saad ni Tammy.

Napatiim bagang naman si Brix. Pero pinanatili ang neutral na reaksyon ng mukha.

"Why?", usisa ng binata.

"She told me that she's pregnant.", nakipagtitigan si Tammy sa nobyo. "Ikaw daw ang ama.", tila may bikig pa sa lalamunan ng sabihin niya iyon.

Kunwa'y napanganga si Brix.
"W-what?!"

"Is it true?"

"What the-! Kung magkakaanak man ako, sa'yo lang at wala ng iba."

"Then, bakit ginawa niya yun?"

"I dont know. Mahal, maniwala ka. Kung buntis man siya, hindi ako ang tatay nun. Fine. Aaminin ko, she tried to seduce me when she's drunk. Pero I swear, walang nangyari sa amin. Cyric can attest to that."

"Seduced??", tumalim ang mga mata ni Tammy.

"Naglaro kami ng truth or dare habang umiinom kami. And then when she got drunk at nataong sa kanya nakatutok ang bote, tinanong siya ni Cyric kung may pinagnanasaan ba siya sa company."

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon