Twenty-nine

4.7K 130 43
                                    


"Did she just cursed??", bulong ni Brix sa sarili. Kelan pa natutong magmura si Tammy? As far as he knew, hindi palamura ang dating kasintahan niya.

"Kung tutunganga ka rin lang naman diyan, kunin mo na ang anak mo at umalis na kayo.", taboy ni Tamra sa binata.

Laglag ang panga ni Brix sa narinig. "T-tammy?"

Tammy sighed and rolled her eyes upwardly.

"I...I am so glad you're finally here. Miss ka na ni lola Mina.", malumanay na saad ni Brix.

"But I am not glad na wala pa akong bente kwatro oras dito ay pagmumukha mo na ang nakikita ko. So irritating!", pabulong pang sabi ng dalaga sa huling dalawang salita.

Bumalatay ang sakit at pagkamangha sa gwapong pagmumukha ni Brix. Anong nangyari sa dating Tammy?

"Oh yes Brix. I've changed. People changed. So dont look at me like as if I have grown two heads!", pabalewalang sabi ni Tammy. Saka pinagkrus ang mga braso sa may dibdib. "I want to take a rest. Kaya pwedeng umalis na kayo ng anak mo sa bahay ko. And clarify to her that I am not her mommy! We both know that!"

"I wanted to explain-..."

"You don't have to Mr. Madriaga. I am not interested anyway. Explain to your daughter. Not to me.", matigas na putol ni Tammy sa sasabihin pa sana ng binata.

"I'm...sorry.", yuko ang ulong tugon ni Brix pagkatapos niyang titigan ang dalagang nagbago na ata ng katauhan. Walang imik na tinungo ang kusina kung nasaan ang kanyang lola at si Caelia.

......

"Baby..", masuyong sambit ni Brix sa anak na nakakandong kay Lola Mina.

Tumingin lang ang bata sa ama at sa likod nito ngunit ng makitang walang nakasunod na Tammy ay maluha-luha ulit itong yumuko.

"Nagkausap na kayo?", usisa ni Lola Mina.

Umiling lang bilang sagot si Brix. "Pinapaalis na po kami 'lah. Pasensya na po sa abala. Hindi na po mauulit."

"Ano ka bang bata ka! Gusto ko ngang andito ang anak mo para hindi ako naiinip eh."

"Salamat po.", saka lumapit si Brix at yumukod para kargahin ang anak. "Lika na baby. U-uwi na tayo."

"Sasama po si mommy, daddy?", puno ng pag-aasam na tanong ni Caelia.

Mapait na ngumiti ang binatang ama. "Hindi baby eh."

"She doesn't love me. Hindi niya ako na-miss. Hindi niya po ako love daddy?"

Nagkatinginan naman sina Lola Mina at Brix.

"Of course not baby. Love ka ni mommy."

"No! You're lying daddy! You're lying!!", pinagsusuntok pa ng munting mga kamay ni Caelia ang dibdib ng ama.

Hindi naman nakapagsalita si Brix at hinayaan lang ang anak habang niyayakap niya ang munting katawan nito at pilit ng tumayo habang kinakarga ito.

"Alis na po kami lola. Maraming salamat po ulit."

"Sige Brix. Kung wala pa yung yaya ni Caelia. Iwan mo ulit siya sa akin dito. Walang problema sa akin."

"Hindi na po.", iling pa ni Brix. "Baka po magalit ulit ang apo niyo. Iuuwi ko na lang po ng Pangasinan ang anak ko habang hindi pa bumabalik ang yaya niya. Salamat po ulit.", saad ni Brix. Isinukbit na rin ang bag ng anak na nasa mesa lang at tahimik na muling lumabas ng kusina.

Nakasunod lang naman ang matanda sa mag-ama. Napatigil pa sa paglalakad si Brix ng makitang nakatayo pa rin sa may sala si Tammy at walang emosyong pinapanood sila.

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon