Forty-eight

5.1K 140 18
                                    


"Hayop ka Marcus!! Alam kong ikaw ang nasa likod ng lahat ng ito. Papatayin kita!!", nanggigigil na saad ni Brix.

"Pare, itinimbre ko na sa istasyon ang kaso mo. Nakikipagnegotiate na rin kami sa LTO para ma-trace ang may-ari ng kotseng ginamit ng mga suspek.", imporma ni Erik.

Nasa bahay sila ngayon ni Tammy. Naabutan niyang naghihisterya si Lola Mina. Tinawagan na niya ang mga magulang kahit mga kaibigan niya para ipaalam ang nangyari  at para humingi na rin ng tulong.

"Put'na pare mapapatay ko talaga ang gagong yun!"

"Huwag mong ilagay sa kamay mo ang batas pare.", saad naman ni Erik. Tinapik pa ang balikat ng kaibigan.

.....

Lumipas ang magdamag na halos hindi natulog si Brix. Hating-gabi ng dumating ang mga magulang niya sa bahay ni Tammy. Pinakiusapang dumito muna habang inaayos niya ang lahat, at para na rin may makasama si Lola Mina.

Si Cyric ay agad na sumugod dito bitbit pa si Audrey. Sina Shinrei ay nangakong tutulong rin sa paghahanap. Kasalukuyan na ring nakaalerto ang mga kilalang matataas na opisyal ng Daddy ni Shin.

Bandang tanghali ng makatanggap ng tawag si Erik mula sa istasyon ng pulis kaya agad nagpunta doon ang magkakaibigan.

......

"Base sa CCTV na nakuha sa bawat kalyeng malapit sa bahay ni Ms. Saavedra, lumalabas sa datos ng LTO na nakarehistro ang isa sa mga sasakyan sa pangalang Mar Hortaleza.", imporma ng may hawak sa kaso. "We are scanning our data for this name but apparently  walang lumalabas na Mar Hortaleza. Isang Marcus Hortaleza ang paulit-ulit na nagpapakita."

"Try to locate that as*hole. Malakas ang kutob kong siya yan!", singit ni Brix.

"Sir, hindi po tayo pwedeng basta-basta kumikilos dito ng hindi sigurado."

"May Marcus na nagpapadala ng bulaklak sa  girlfriend ko. Ang lumalabas na may-ari sa ginamit na pagdukot sa kanya ay maituturing ng link sa lalaking yun.", sabay baling ni Brix kay Erik. "Alam ni Inspector Erik yan dahil matagal ko ng isinangguni iyon sa kanya. Kaya please, kailangan kong mahanap ang asawa at anak ko sa lalong madaling panahon. Bago pa mahuli ang lahat."

Sa kapiranggot na impormasyong iyon ay kumapit doon ang mga pulis. Sinadya ang address na isinaad ni Mar Hortaleza ngunit bigo ang mga itong makita ang lalaki dahil abandonado ang nadatnan nilang bahay.

Halos mabaliw-baliw na si Brix ng mga oras na iyon. Palakad-lakad siya sa salas ng bahay ni Tammy. Napatingala pa at minasahe ang batok. Nang walang anu-ano ay mahagip ng mata niya ang isang card na nasa tabi ng t.v.

Nilapitan niya yun. Isang card na galing sa initial na M. Agad gumana ang utak niya. Naalala niya ang delivery boy ng flower shop. Tinawagan si Erik at sinabing magkita sila doon.

.....

Hindi naman nabigo ang mga pulis na tuntunin ang shop at nagkataon pang nasa labas lang nito ang delivery boy. Gulat na gulat ang lalaki ng bigla na lang siyang lapitan ng mga ito at inimbitahan para pumunta sa presinto. Naisin man niyang pumalag ay wala na siyang magawa ng paligiran siya ng mga pulis.

Nasa interrogation room sila Brix, Erik at isa pang pulis na eksperto sa kasong kidnapping.

"Maniwala kayo sa akin sir. Hindi ko po kilala yang sinasabi niyong Marcus.", kaila ng delivery boy na butil butil na ang pawis sa noo. Malikot din ang mga mata at halatang hindi mapakali sa kinauupuan.

"Magsalita ka na boy. Baka sakaling maabsuwelto ka pa sa kasong ito."

"Wala po talaga akong alam sir."

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon