Eleven

5K 139 8
                                    


"Aww!", angal ni Tammy ng hampasin siya sa braso ni Jofren ng ipakita niya rito ang engagement ring niya. "Ang brutal mo na naman bes ah?"

Lunch break nila at kasalukuyan silang nasa coffee shop na nasa harap lang ng pinagtuturuan nilang paaralan.

"Eh keshe nemen besh.", parang namimilipit pang saad ni Jofren.

"Luh? Napano ka na?"

"Ehh...kinikilig ako ano ba..", pa-sweet nang tugon ni Jofren na may kasama pang pagkurap-kurap ng mga mata.

Napatawa naman doon si Tamra. "Sira!"

But then suddenly, Jofren frowned a little.

"Bakit?", muli namang tanong ni Tammy sa kaibigan ng makita ang pagbago ng ekspresyon nito sa mukha.

"Are you sure about this? I mean, kaka-isang taon niyo pa lang di ba?"

"So? Kailangan talaga long engagement?"

"Hindi naman. Kaso...parang ang bilis naman ata.", pilit naman ni Jofren.

"Bes. Sigurado na ako. Kaya nga ako umoo sa kanya di ba?", giit naman ni Tammy.

Nagkibit-balikat naman si Jofren.
"O-okay. Sabagay kung dyan din naman kayo patutungo, ba't pa papatagalin."

"Right. And I'm oh so sure bes, he's the one for me.", puno ng kumpiyansang saad ni Tammy.

"Glad to hear that bes. After all, your happiness is the most important here.", ngiti ni Jofren sa kaibigan saka ginagap ang dalawang palad nito. "I'm so happy for you bes."

"Thanks bes.", maligayang tugon din ni Tammy saka nagyakap ang dalawa.

.....

Araw ng Linggo.

Pagkagising pa lang ni Tammy ay rinig na niya ang ingay at kung anu-anong kalansingan sa buong bahay.

Agad siyang bumangon at nag-ayos ng sarili bago lumabas at tinungo ang baba.

"Lola?", agaw-pansin niya sa kanyang abuela na pamasid-masid sa mga tao na nag-aayos sa paligid.

"Oh apo. Gising ka na pala.", bati naman ng matanda.

Lumapit si Tammy kay Lola Mina at hinalika ito sa noo. "Ano pong kaguluhan meron dito 'lah?", sabay linga sa paligid.

"Pinadala ni Brix. Para daw hindi ka na mapagod para sa pamamanhikan mamaya."

"Tss. Si mahal talaga.", napapalatak na saad ng dalaga.

"Ashuuuu..kunwari ka pa. Kinikilig ka rin naman!", banat ni Shine na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanila.

"Tse!", natatawang saad naman ni Tammy.

"Tse-tse ka dyan. Kuh...Tammy!", pang-aalaska pa rin ni Shine.

"Tigilan mo ako bes. Hindi kita kukuning abay sige ka."

"Eh di para mo na ring sinabing walang kasalang magaganap!"

"Juskong mga bata kayo, oo!", sabad ni lola Mina.

"Joke lang 'lah.", ngisi naman ng dalawa.

.....

Bandang hapon na ng dumating si Brix at mga magulang nito kasama si Rovie.

Sa pagkamangha ni Tamra ay ang makitang bumaba din ng sasakyan ang pinsan niyang si Jen na una ng nagpaabisong hindi makakapag-leave mula sa trabaho.

"I'm sorry 'couz but I just wanted to surprise you.", pilyang sagot ni Jen ng pabirong sabunutan siya ni Tammy. "At saka..heller?! Papayag ba naman akong mawala sa eksena?"

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon